Her POV
Nakapang dekuwatro lang akong nakaupo habang nagmamasid sa tulog na anghel. Joke lang. Sa baklang weakling pala. Hmmmm Mag a-alas 8 na ng umaga tulog parin.
*Kringggg!!! (alarm clock)*
Agad itong nagtakip ng unan sa tenga nagbabakasakaling makatulong ngunit sadyang napakalakas ng tunog ng alarm. Sinadya siguro.
" Arggggh kainis" napilitan itong bumangon.
" Magandang umaga weakling" Bati ko
" ahhhhhhh!" akma itong hihimatayin ng sumigaw ako.
" Sige!... Kapag nawalan ka pa ng malay pati sa panaginip mo dadalawin kita! "
Mukha naman siyang natakot. Tsss bakla talaga. Pinipilit nitong maging matatag at matapang. Kinakausap ang sarili na parang tanga.
" Umayos ka, tumingin ka sa akin!".
" Ayaw!!!!" *iling-iling*
" Bakit ba, napakabakla"
" Mukha, nakakatakot mukha mo m-maraming sugat. M-mama!!!!! tulong!!!!!"
Ahhhhh napakamot ako. Hindi ko naman alam na hindi ko pa pala na ibabalik ang mukha sa medyo normal, yung hindi nakakatakot magmumukha lang akong bampira, Ayon narin sa sabi ni Multong Liwaliw. Hindi ko naman kasi nakikita ang mukha ko. Hindi ko nga alam kung pangit ba ako o maganda. Wala kaming repleksyon sa salamin. Kaming mga multo, may kakayahan kaming pangitin ang mukha na siyang ginagamit namin pag may tinatakot. Well sa side ko wala pa talaga akong natakot maski isa.
" Tumahimik ka nga! Weakling! Tumingin ka hindi na ako nakakatakot!"
Humarap nga pero naka pikit parin ng mariin na mariin. Tang-ina naman oh!!! nakaka frustrated ang kabaklaan nito.
" Sige, bibilang ako ng tatlo! Kapag hindi kapa nagmulat ako ang lalapit at hahawakan kita"
Syempre joke lang yon, hindi naman kami nakakahawak ng tao o kahit anong bagay, kaluluwa na nga diba?
" M-mama ko!!!!!"
Dahil sa sobrang inis ay, sa isang iglap nasa may gilid na niya ako. Napakuyom ako at sinubukan siyang tampalin sa braso. *O.O*
" Ahhhhh lamiiggg, lamiggggg jusko Jesus, please nanalangin ako sa inyo. Tulungan niyo po akong makalayo sa mga hindi ka aya ayang nilalang. Salamat!"
Kung ano anong panalangin na ang sinasambit niya. Tinatawag lahat ng santo ngunit sa kamay ko ako nakatutok. Naramdaman ko, naramdaman ko ang balat niya. Paano nangyari yon?
" Iho, Ok kalang? ok kalang bah anak? bakit ka nagsisigaw? Are you having a bad dream again?"
" No, mama may multo!"
" Hah?"
" Ayon oh!..... huh? asaan nayon?"
" A-anak ano bang nangyayari sa iyo? Bumangon ka nalang diyan at nang makapasok kana ano? Hurry, you're already 1 hour late"
" What??? shitttt"
Napatawa ako habang tinitingnan siyang hindi alam ang uunahin. Kung ang pag ligpit ba ng hinigaan, o pumasok sa banyo Hahahaha. Hindi niya ako nakikita dahil ginawa ko ang sarili bilang invisible, ngunit alam kong panandalian lang ito. Baka kasi hindi na talaga makapasok ang bakla. Pero paanong 24 taong gulang na siya ay nag-aaral parin? Mayaman naman sila ah?.
His POV
"Kuya kahit saang angulo tingnan, nakakasilaw parin talaga kagwapuhan mo!"
*Kindat*
" Wala tayong magagawa diyan, *shrugged* ikaw ba naman gifted"
* pogi sign*
Hindi ko naman kasalanang ipanganak na gwapo. Walang inggitan hah. Pero pwede din naman kayong mainggit dahil talagang kainggit-ingit naman ang kagwapuhan ko.
*pogi sign*
"hahahaha bakla! weakling pangit.."
Wala akong boses na naririnig. Wala!!!!
" Master, call me master"
" lalalalala"
*palukso-lukso*" Aalis ako"
" Talaga?!!" para akong tanga na kumakausap ng hangin. Yan ang hinihintay ko yeheyyyyyy!
" Master"
" Master!!" Pagkatapos kong sabihin yon ay tiyak na aalis na siya! party party!
" Tama, tawagin mo akong Master Weakling. Aalis ako, kung tutulungan mo ako"
" hah?" Laglag panga.
" Kung hindi mo ako tutulungan, habang buhay akong nakabuntot sa iyo gusto mo yon?"
" Habang buhay? hindi hindi" *iling-iling*
" Tutu-"
"Oo Oo! tutulungan kita kahit nakakatakot ka para iwanan mo na akong mag-isa"
"Good" She smirked. Wahh nakakatakot!
"hehehe ano name mo?"
" Master"
" Ay ang gara, pero parang boy name astig"
Hininaan ko ang boses dahil magmumukha lang akong tanga sa paningin ng mga tao sa paligid.
" May bahay ba kayong mga multo, hala baka mansiyon tapos napaka LAKI!"
Ngiting ngiti pa ako. Gaano kaya kalaki?. Para bang castle? mas malaki ba sa amin? oh my god mahahawakan ko kaya?
" May mga katulong rin ba kayong mga multo, hala kumakain ba kayo ng tao?"
Holy shit. Inaamo lang siguro ako nito para makain.
" Tumahimik ka nga, daig mo pa ang babae sa kakadaldal."
" eh ano nga, bilis share ka nalang jan. Kasi diba malungkot ka kasi multo ka ay hala nakakaramdam din ba kayo ng tulad ng galit, lungkot at saya?"
" Daya naman" *pout*
" Share mo nalang kasi yan para pag sa susunod ay may alam na ako tungkol sa mga katulad mo tapos hindi na ako matatakot hehehe hindi naman talaga ako matatakutin"
" Hindi nga ba?" *sarkastiko*
"Ang bad mo!!!" Napasigaw pala ako kaya tinitingnan nila ako ng ' Are you ok look?'
"Ayan, bakla ka na nga naging baliw kapa Weakling"
Tiningnan ko siya ng masama.
" Oppssss, don't give your master that kind of stare.. Hhaha"
Napa pout ako. Nanginginig ang mga labi ko senyales na paiiyak na.
" Sige tingnan mo pa ang master mo ng masama, isagad mo pa, ilabas mo lahat ng iyong tapang hahahaha tiyak na lagot ka sa professor mo!"
" Oh ano Mr. Olivros! ako pa ngayon ang titingnan mo ng masama pagkatapos mong hindi sumipot sa klase kanina hah! sige hindi ka aalis diyan sa pinto. You are given 100 items quiz Now, move quick!"
" S-sir hindi naman ikaw ang tinitingnan ko eh si ano ahmmm" paano ko ba sasabihin. Baka pagtawanan lang nila ako.
"ammmmfff ano yong puno sa likod mo po sir promise!"
" 120 items!"
Tumakbo agad ako sa upuan. Hayop kang multo ka. Lagot ka sakin!!!!!
-----
© BinibiningHari
BINABASA MO ANG
Oh My Ghost
Mystery / ThrillerA Ghost without memories from a forgotten past that had been cage in a place where the only key for her freedom is someone who could notice her existence finally found the one, the one who bring more confusions, the one that boil the invisible blood...