Chapter 27

5 0 0
                                    

Her POV

Ito na nga ba ang sinasabi ko. Mahigit isang oras na ang lumipas wala parin akong nararamdamang pamilyar. Lahat bago, etsura ng paligid maging ang amoy. Gumamit na ng flashlight ang bakla dahil sa gabi na buti nga't may dala siya.

"Oh ano? Nagsisisi ka naba huh? Paano nayan? Sabi ko naman sayo sa kanan tayo"

"Sorry Master"

Isang mahina at matamlay niyang sagot. Naawa naman ako. Alam ko kasing natatakot nayan. Hindi niya lang pinapakita. Kanina ko pa namataan ang nanginginig niyang kamay habang mahigpit ang hawak sa
bagay na nagsilbi niyang ilaw.

Pa linga linga ako baka sakaling may pwede siyang kasilungang malaking puno dito pero masyadong dikit dikit ang mga kahoy at maraming matataas na damo. Ramdam kong hindi siya ligtas dito.

"Huwag kang matakot, nasa likod mo lang ako"

Nakita ko siyang tumango ng ilang beses.

"Magpa-tuloy kapa sa paglalakad, baka sakaling may makita tayong matutuluyan mo sa gabing to"

Napakatahimik niya.

Hindi ako sanay.

"Weakling humarap ka sakin, huwag mong itapat sa akin ang ilaw gayong nakikita mo naman ang liwanag ko"

Ayaw kong marinig na sumigaw ang bakla dala ng takot.

Maamo niya namang sinunod ang mga sinabi ko. Dahan dahan at hinawakan ko ang balikat nito. Hindi siya pumiksi gaya ng dati.

"Weakling? Itaga mo sa isipan ito huh, bumiyak man ang lupa, pumutok ang bulkang kinatatayuan natin o pwede mang mapatay ulit kaming mga multo,  nandito lang ako sa tabi mo. Hindi hahayaan ng master mo maski lamok na dadantay sayo. Maliwanag?"

Tumango siya at hindi ko inasahan ang sunod niyang ginawa.

"Hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa akin kapag wala ka Master. Salamat at dumating ka sa akin"

Ramdam ko ang init ng kaniyang hininga na kasalukuyang nakasubsob sa aking leeg. Malapad ang kaniyang naging ngiti matapos kumalas sa yakap.

"Tara na! Master ang bagal mo"

Napangiti ako sa sigla ng boses nito.

Ganiyan nga. Yan ang weakling ko.

"Master!!!!!! May ilaw ayon oh!"

Totoo nga.

"Tara puntahan natin, humingi tayo ng tulong"

"Teka lang"

Pigil ko sa kaniyang balak.

"Huwag kang pa dalos-dalos at baka mapahamak ka. Hindi natin alam kung ano o sino ang bubungad sa atin doon. Ako muna ang pupunta para tiyakin kung ligtas ka. Kaya mo bang mag-isa dito? Iiwan muna kita sandali  . Wala namang akong nararamdamang panganib sa paligid. "

Matagal bago siya nakapag desisyon.

"S-sige basta balik ka agad huh master"

Oh My Ghost Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon