Chapter 2

22 4 0
                                    

Her POV

"ahhhhhhh!!!" 

May uod! may uod sa ulo niya. Dalawa! dalawa silang gumagapang. Jusko! Nilampasan lang ako ng lalaki habang walang ka alam alam na may nakakatakot na halimaw pala sa ulo nito. Aysssst! naman palpak ulit. Embis na ito ang takutin ako pa ang napasigaw. Panibago na naman bukas. Sa totoo lang nagsasawa na ako. Gusto ko nang umalis dito at ilagay ako sa kung saan ako nararapatan malay ko diba drug pusher ako noon o di kaya'y masamang tao edi syempre alangan namang langit ang  punta. Bias kung ganun.

Ngunit gusto ko paring malaman ang totoo, gusto ko na bago ako umalis sa mundong ito ay malinaw na sa akin ang lahat. May tao!

Nang tumapat ito sa may puno ay agad akong humarang sa kaniya ngunit lumagpas lang ulit. Arggggggg.

Wala akong kapitbahay na multo dahil hindi prone ang lugar nato ng mga aksidente tsaka sa tagal ko dito, wala pang namatay sa daan na ito. Kaya mag-isa ako parati. Naisip ko noon. Dito kaya ako namatay? pero parang hindi naman eh. Tinanong ko ang multong Liwaliw sabi niya may iba na naka pwesto sa lugar na kinamatayan ng tao may iba naman na naitatapon sa ibang lugar sa di alam na dahilan. Kaya minsan mahirap din e guess. Napamulat agad ako ng maka rinig ng mga boses. Nasa pinakamataas na parte ng sanga lang naman ako ng puno nakaupo, naghihintay ng tao. Bakit ba kasi wala masyadong mga taong  napupunta sa parte nato.

Pinagtutulak ng isang grupo ng mga kalalakihan ang isang lalaking pilit na sumisiksik sa may gitna nila. Nakikita ba niya ako? Malayo paman sila ay malinaw kong nakikita at naririnig.

Bilis hakbang pa..

Kunti pa...

" Ayaw baka meh multo, ayaw!!!!" naiiyak na ang boses nito at pilit na sumisid sa suot ng kasamahan.

Tssss bakla.

" Bro, umalis ka hoi umayos ka hah 24 kana"

" Ayaw!!!!Oh my god baka may mga monsters dito sa tabi tabi eh"

" May gas station na dun ok malapit na tayo"

" No, no, no" nakapikit pa ito.

"eh kung nanatili ka nalang kasi sa kotse" sabat ng isa

" No! baka may mangangain don. How dare you leave me there alone!"

"kasama mo naman si dude G"

" stilll noo!!" ilang ulit itong umiling.

Duwag!

One step

Two

Three

Four

Five

Six

Gochya!

"Hey" 

I smirk! I knew it!

Napako ito sa kinatatayuan habang nakatingin sa akin na parang ilang sandali nalang mawawalan na siya nang bait.

" O-oh m-y............. Ghossstt!!!" Agad naman itong sinalo ng mga kasamahan ng himatayin. Weak but thanks!

Thanks in advance.

Weakling

*smirk*

Kanda babad sila sa pag bitbit ng kaibigan habang napangiti naman ako, ngiting tagumpay. Sumunod lang ako sa kanila, at nang tuluyang maka lagpas sa tinatawag kong salamin na nakaharang ay nagtatalon ako sa tuwa. Sa wakas!!!

" Dude, ikaw naman oh ang bigat"

Isip bata nga pero malaki pa sa tunay na lalaki ang katawan. Medyo matagal bago nila narating ang sadya.

" Boss, pwede pahiram muna ng motorsiklo. Saglit lang talaga, lalagyan namin ng gas ang kotse namin. Hindi kami nangmomodus boss. Promise itong kaibigan kasi namin boss eh kailangan naming dalhin sa ospital dahil bigla nalang nahimatay nakalimutan lang namin mag pa gas. " 

Mukhang nakumbinsi naman ang isang kustumer dito. Binigay nito ang susi.

" Tara dude C, maiwan mo na kayo dito G hah. Mama we'll be back as fast as you could imagine. Salamat ulit ... Ingatan niyo yan" Tukoy nito sa bakla. 

-----

"Dude dadalhin ba natin to sa ospital?  baka kung napano nato"

Bale, limang lalaki ang kasama ko including the sleeping beauty.

" Huwag na, ok lang yan. Nahimatay lang sa takot baka kung anong kababalaghan na naman ang eni emagine " 

"Sabagay, sabi nga niya kanina ghost daw. Hahaha ewan ko ba dito hanggang ngayon, hindi parin talaga ako sanay"

" Kami din naman" sang-ayon ng karamihan.

Unti unting nagmulat ang mga mata ng lalaking tulog kaya sinakto kong I
ilapit ng madiin ang mukha sa kaniya. Ngumiti ako ng nakakaloko. Antok na antok pa ang mga mata nito pero agarang dumilat ng  pagkalaki laki.

*smile*

" How's your sleep weakling?" *smirk*

" ahhhhhhhhh" Para itong baliw  na naghahanap ng matataguan habang ang kamay ay naka turo sa akin. Napakandong na ito sa isa pang kaibigan na napa impit nalang sa sakit. Wala eh...... magaan.

"Multo!! dude may multo sa kotse natin. Nakapasok"

" Ako ba ang multo dude?" Isang lalaki ang sarkastikong nagsalita na katabi ng nagmamaneho, eksaktong sa kanya naka turo ang hintuturo ng weakling dahil hindi naman nila ako nakikita.

" Hindi eh, totoo to maniwala kayo. to...To.....O... to" pahina ng pahina
ang boses nito dahil nawalan na naman ng malay.

" Ano dude, sa mental nalang kaya tayo dumeretso? hahaha"

" Magandang ideya yan  hahaa" Tumawa sila. Ako naman ay sumeryuso.

Ano ba ang dapat kong gawin, anong pagpapakita ba ang gagawin ko na hindi naman ito hihimatayin?

------

©BinibiningHari

Oh My Ghost Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon