Chapter 23

8 1 0
                                    

Andrew POV

Pagod na pagod ako Huhuhu na maski pagbangon ay di magawa. Gising na gising na ang diwa pero tila ba may kung anong kamay na humihila sakin pahiga sa kama. Ay manang bahala ka diyan, basta ako matutulog ulit abah ang bait ko kahapon eh linis ng linis hayyyyyyyyyyy....

"Sir! Bangon na mag tatanghali na't tulog parin po kayo!"

"Sir yuhooo eat your breakfast please. Your parents will scold me for sure"

Arggggghhh akala ko pa naman natigil na yang kaka englis niya kuno.

"Manang!I'm tired. Mamaya na"

"But sir, it's already eleven o'clock in the morning"

"Sino ba kasing nagsabing alas syite pa manang huh"

Sino. At nang masabunutan ko.

"Bangon na bakla! Kahit yon lang"

Wait.... Ano daw? Yon lang?

"Hoi Master For your information buong araw akong naglinis sa bahay kaya't parang dinaanan ng tricycle itong katawan ko di gaya mo na pa tingin tingin lang hmmp"

Nagtalukbong agad ako ng kumot.

*Pout

Nagtatampo ako sayo master. Huhuhuhu Pangit ka nanga wala kapang puso...

???

may puso ba ang kaluluwa? Tanong ko kaya kay Miriam? Teka sino si Miriam?

Napahagikhik ako sa mga naiisip ng-

"Nakikinig kaba huh weakling!"

"Hehehhe ano Po ulit iyon master?"

"Sir? Who's with you inside your room?"

"Wala manang, chismosa mo... Susunod ako sa baba!"

Syempre hininaan ko lang ang boses sa parte ng pagpuri ko sa kaniyang pagiging mataas ang radar.

"Ayon nga master ano yon?"

"Ang sabi ko... bumangon kana diyan dahil kung tutuusin mas marami kapang na ubos na oras pagtingin sa salamin kesa sa paglilinis hala bangon Weakling ka"

*pout

Ito na nga diba. Padabog akong pumasok sa banyo at nag mumug. Iyong mga lakad ko ay binibigyan ng pwersa para mas lalong halata ang pagtatampo. Wahahahah

May pwersa ko ring binuksan ang hanging cabinet para sana kumuha ng  nakatupi na tuwalya nang may lumipad na papel. Wow Magic..

"Hoy Patong weakling pulutin mo yon ang burara mo talaga"

"Diba dapat buraro master dahil lalaki ako?"

"Sinong nagsabing lalaki ka?"

"Edi iyong birth certificate. Gusto mo pruweba?"

Oh My Ghost Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon