Chapter 30

7 1 4
                                    

Her POV

Kahit anong pilit ko'y napaka tigas talaga ng ulo niya. Kesyo paninindigan niya daw ang ginawang desisyon.

"M-master??? H-hindi ba talaga natin pag-uusapan yong You know na"

May pa wink wink pang nalalaman.

"Ano?"

Alam ko ang tinutukoy niya pero natatakot ako. Hindi dahil sa takot akong baka naglalaro lang ang bakla kundi dahil sa takot akong hindi masuklian ito.

"*Pout Ang dali mo namang makalimot"

"Weakling?? Mag seryuso nga tayo"

"Ehhh palagi naman akong seryuso ahh!"

"Sinisigawan mo ba ako huh?"

"Hehe W-wala Master ikaw naman. Mali mali ka sa pandinig"

Kasalukuyan kong kinukulong ang bakla dito sa  loob ng kaniyang silid baka kasi kung saang lupalop magpupunta. Bakla pa naman yan.

"Ako pa...Oh siya ito na. Matanong kita. Para sayo, ano nga ba ang pagmamahal?"

"Pagmamahal master?" .

"Ay hindi. Pagtatanghal tsss"

"Hahah Bad mood ka talaga Master. Alam mo kasi master. Ang pagtatangha-"

*Glare

"Pagmamahal kasi, hahaha Ito ay isang malayang damdamin"

"hmmm?"

"Malaya kang mag-mahal master sa kahit anong pagkakaiba niyo sa isat-isa."

"Minahal kita kahit na M-multo ka, Iyan ang pag-mamahal Master."

"Weakling...."

"Alam kong hindi dapat, alam kong walang kasiguraduhan pero kasi ang hirap pigilan master eh. Ang hirap..."

"W-weakling.... itigil mo na to"

"I-itigil, b-bakit master? Dahil tao ako?  Kailangan ko pabang maging isang multo para tanggapin mo ang pagmamahal ko sa iyo?"

"Hindi ganoon iyon Weakling"

"Eh ano master? Wala namang naka sulat na bawal mag mahal ang tao sa multo ah."

Ang bakla talaga. Huwag kang umiyak please.

" Hindi nga bawal pero w-weakling...... H-hindi ako magtatagal rito. Iiwan rin kita. Paano kapag mas lumalim yang nararamdaman mo. Sa tingin mo mapapanatag ako? Hindi, weakling hindi"

"Alam ko naman na s-sandali ka lang sa t-tabi ko. K-kaya nga lulubusin ko na ang pagkakataong ito. Dahil k-kasama pa kita."

"M-masaya ka ba? Na dumating ako sayo?"

"Pa ulit-ulit master? Hindi lang masaya . Napakasaya gayong binigyan mo akong ng rason para magpatuloy sa buhay ko."

Paano kapag nawala ako? A-anong rason ang panghahawakan mo?

Mas pinili ko nalang na hindi isa boses ang mga nasa isip.

"Weakling..?"

Tumigil na sa pagbagsak ang kaniyang mga luha at ngayon nga'y kung ngumiti halos abot tainga.

"Tara, mag pa sara kana ng third eye mo"

Ayaw ko siyang iwan ng matatamis na salita. Mas pipiliin kong kimkimin ito kaysa bigyan siya ng rason na mas lalong masaktan sa oras na mawala ako sa mundong ito.

"Ayan kana naman eh!!! Hindi pa nga ako tapos sa misyon ko!"

"Ang ganda na ng topic natin kanina tapos tapos wahhhh Master naman eh"

Oh My Ghost Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon