Chapter 31

8 1 3
                                    

Her POV

Bumungad lamang sa akin ang mga parisukat na lapida at lanta o bagong mga bulaklak pero ni anino ng bakla, hindi ko nakita. Anong laro na naman ba tong pinaggagawa mo weakling ka!

Maski isang multo ay wala na siyang nakakapag taka. Paanong ang isang sementeryo ay wala kahit isang kaluluwang naglalakad lakad sa paligid? Napa pikit na lamang ako ng madiin sa mga masasamang senaryo na nakita sa isip.

"W-weakling???? Ano bah? Nasaan kaba?"

Lahat ng sulok ay napuntahan ko na pero ni bakas niya ay hindi nagpakita. Mas lalong hindi ko siya nararamdaman ibig sabihin nito'y wala siya dito. Nasaan kaba? Pinag-alala mo na naman ako. tssss

Nasa gitna na pala ako ng malawak na sementeryong ito. Kinokontrol ang inis at lubos na pag-alala habang nakayuko.

Key Hanse Espuert
Died on -

Ang pangalan sa lapidang tapat kung saan ako naka lutang. Napa-atras ako sa nabasa dahilan para hindi ko masali ang buong impormasyon nito.

"B-bakit g-ganito na lamang ang reaksiyon ng katawan ko? Isa na naman itong panibagong katanungan Arghhhhhh!!!!!!!!!!!!!!!"

Unti-unti ko ng nabubuksan ang misteryo ng aking nakaraan ngunit bakit pinipilit itong dagdagan upang sarhan ng kalituhan.

"Arghhhhh!!!!!!"

"H-hindi, hindi ito ang pakay ko! W-weakling!! Magpakita kana Please nagmamaka awa ako sayo. Huwag mo naman akong patayin sa pag-aalala"

Hinihintay kong may biglang bakla na bubungad at pagtatawan ako sa sinabi. Hinihintay kong may biglang sisigaw na 'Master paano kita papatayin kung patay kana? Master nakakapatay pala ang pag-aalala?' Kaso wala eh. Wala...

Aalis na sana ako't magsisimula sa paglilibot ng posible nitong puntahan na mga lugar ngunit nagsimulang dumilim ang kalangitan. Na parang may isang magnet sa gitna na nanghihikayat sa lahat ng mga itim na ulap para magtipon tipon. Ang kaninang maliwanag ay tuluyang naglaho, ang sikat ng araw ay tuluyang natabunan. Anong ibig sabihin nito?

"Hindi naman siguro kagagawan ito ng b-bakla diba?"

Kahit anong kumbinse ko sa sarili ay mas nanaig ang aking palagay.

Sa isang sandali ng pag pikit ng aking mga mata ay siyang bumubulosok na itim na usok ang patutungo sa deriksiyon ko. Kaya wala akong nagawa kundi ang lumutang ng mabilis upang maka iwas. Madali lang akong mahuhuli nito gayong hindi sapat ang espayo at dadag pa, mahihirapan ako sa pag takas sapagkat nagsisimula na nila akong palibutan ng pa bilog.

"Arrghhhh!!!!"

"Ha ha ha ha.....wakasan!.....wakasan!!!wakasan!!..."

Sigaw nila na nakakarinding pakinggan. Hindi ako papayag na mapabilang sa inyo mga hayop kayo!!!

"Mas gugustuhin ko pang maging hangin kaysa maging katulad ninyo, mga demonyo!!!!!! Ahhhhhh!!"

Nagpupumiglas ako para makawala sa  itim na usok na kasalukuyang sumasakal sa aking lalamunan. Unti unti ay nauubos ang aking hininga, makapangyarihan sila para magawa sa akin ito. Wala akong laban! Liwaliw?

Oh My Ghost Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon