His POV
Hmmmm? Ano bang magandang gawin? Nakahiga ako dito sa folding bed habang nasa ilalim ng tent. Ba't ba kasi kailangan kasali ako na manatili dito. Hindi ba nila alam na kahit na pogi ako plus matapang ay bawal parin akong gabihin sa labas kasi habulin ng kahit anong klaseng halimaw o nilalang ang kapogian ko. Bakit ba kasi ang tanda tanda ko na. Pero hindi naman bagay sa itsura ko ang edad ko kasi baby face eh.
"K-kuyaa.... p-pwede po bang palit tayo ng pwesto ng tent. Matatakutin kasi ako sa dilim eh tsaka maganda pwesto mo kasi nasa ilalim ka ng ilaw... kuya???"
"Batang to, sinadya ko nga eh."
Bulong ko. Abah aagawan pa ako ng puwesto. Buti nalang generous ako.
"S-sige, palit nalang tayo"
"wahhh!! Salamat po talaga kuya!"
Hindi ako masaya.
Totoo yan.
*pout
Madali namang nailipat sa kabila ang tent ko dahil hindi ito gaya ng iba na may itinutukod pa. Kumbaga automatic ito na lahat din naman pati sa mga kasama ko ay ganito rin.
"Good night kuya"
"Night"
Mas pinili ng mga kasama ko na manatili dito sa stage ng Aguinaldo para naman daw maka experience sila ng kakaiba. Anak mayayaman haysssss.
"Pssssttt"
huhuhuhuhu Sino yon?
"Pssst"
"Ama namin, ako po ang anak nyong pogi taimtim na nananalingin na sanay sa gabing ito ay bigyan nyo kami ng proteksyon upang hindi malapitan ng masasamang ispirito. Amen"
Nag sign of a cross ako.
Mama!!! Papa!! Huhuuhuhu
Akma akong hihiga ng may puti akong naaninag sa labas ng tent. Nagtalukbong agad ako.
Hindi ba epektibo? Natulog na din ba si papa God? Hindi niya ba narinig? Naman huhuhu
"Psstttt"
Kung sino ka ma'ng nag nakaw sa head phone ko. Multuhin ka sana!
"Weakling"
Weakling? Diba isa lang tumatawag sa akin non? Si master lang.
"M-master!!"
"Shhhh matulog kana. Babantayan kita. Maaga pa kayo bukas. "
"Di mo ako gagapangin?"
"Sino ka para gapangin ko?"
"Ako lang naman-"
"Oo na Oo na hindi kita gagapangin kahit na matuyo man ang dagat at yan ang solusyon ay di ko gagawin. Matulog kana nga."
"Sungit. Hmp.. *tinuro* tandaan mo. May cctv ako."
"Tsssss"
Paano kapag hindi siya maka tiis sa kakatitig sa akin at pagsasamantalahan ako? Paano pag-
"Paano kapag dahil hindi kapa matutulog ngayon ay talagang isasayaw ka ng mga nag gagandahang dilag sa paligid?"
Matutulog na nga. Sungit.
Her POV
Humihilik na ang bakla nang napag desisyonan kong mag libot sa paligid. Hmmmm. Buti naman at hindi maaarte itong mga batang to. Nag presenta pang manatili at bukas na uuwi. Sila kasama ang dalawang professor ang siyang nagpasyang magpapatuloy nalang sa pamimigay dahil ginabi sila habang yong ilan ay pinauwi na.
BINABASA MO ANG
Oh My Ghost
Mystery / ThrillerA Ghost without memories from a forgotten past that had been cage in a place where the only key for her freedom is someone who could notice her existence finally found the one, the one who bring more confusions, the one that boil the invisible blood...