Her POV
Nangunot uli ang noo ko sa nakita. Nakabusangot ang mukha. Magka salubong ang mga kilay at seryoso ang ekpresyon. Hindi ko alam kung anong trip ng isang to pero kahapon pa to naging ibang tao. Kung maka akto kala mo bagay sa kaniya.
"excuse me miss, huwag kang haharang harang, nagmamadali ako"
Pati pananalita ay nag iba? Syempre di ko naman maiwasang magtaka. Wala naman akong natatandaang pangyayari na maaring pagmulan ng pagbabago niyang iyan.
"Yong totoo weakling? Sinapian kaba?"
"I don't talk to a stranger"
"Haha hindi bagay weakling"
Ngunit di natinag ang bakla.
"Woi weakling, seryoso ka ba diyan huh? Alam mo bang di bagay sayo?"
"Lahat naman ng nakikita mo sakin ay hindi bagay diba?"
Napahinto ako doon.
"A-ano?"
"Nevermind."
Ito paba yong weakling ko? parang hindi eh. Wala namang sumapi sa kaniya. Ano ba talaga ang nangyari?
"Weakling???? Are you for real?"
.......*no response
"K-kuya hehe ammmfff for you po. Matagal na kitang crush kuya"
Nasa harapan niya ang may kaliitan pero matangkad na dalagita habang nakayuko at ang kamay ay tuwid na inabot ang papel na kulay pulang hugis puso sa bakla.
"Thanks for this little sweet. Tonight, dinner at Strawberry Restaurant. See you"
*wink
Natulala man ang babae,mas natulala naman ako sa narining at nakita.
Ganito nalang ba? Magbabago ang lahat sa isang iglap na wala akong alam na dahilan? Weakling naman. Hindi ako sanay sa ganito. Ok pa naman tayo kahapon ah.
Sige lang makipag kaibigan siya ng kahit ilan niya gusto pero nang ignorahin ako na para bang hindi niya ako nakikita. Ay wag naman sanang ganun.
Katulad ngayon. Nakatayo ako sa may gilid niya habang sinusubuan ang nagngangalang Reah sa harap. Kung titingnan mula sa malayo, aakaling naglalambingan na mag syota ang dalawa.
"I just found my reason to live"
Hinawakan ng bakla ang kamay ng babae sa misa.
"Huh?"
Alam kong alam niya ang ibig sabihin ng bakla, kaya kung makapag pigil ngumiti ay wagas. Kulang nalang humiga sa sahig at magisay sa kilig.
" Thank you for approaching me earlier."
"My pleasure. I've always wanted to do it. Thankfully full of confidence ako kanina heheheh"
"Hahaha You are so cute. Let's eat. Do you want more. I'll order it for you"
Bago pa man makasagot ang kaniyang kausap ay tumalikod na ako.
Kailanma'y di niya ako kinausap ng ganoon. Sinabihan ng mga matatamis na salita. Puro lang panlalait at kung ano-ano.
Hindi ko ito napaghandaan na mga senaryo gayong sa ugali ng bakla ay parang malabo.
Pero sana sumagi manlang ito kahit mga dalawang segundo sakin. Para hindi masyadong masakit.
Masakit?
Paanong masakit?
Isa akong multo.
BINABASA MO ANG
Oh My Ghost
Mystery / ThrillerA Ghost without memories from a forgotten past that had been cage in a place where the only key for her freedom is someone who could notice her existence finally found the one, the one who bring more confusions, the one that boil the invisible blood...