Chapter 20

8 0 1
                                    

Her POV

Nakangiti ko siyang pinagmasdan habang tila isang oras ng nakaharap sa salamin at pa ulit ulit na susuklayin ang noong basa pa na ngayo'y tuyo ng buhok.

"Bakit ba kasi ang Pogi Pogi Ko?"

Ayan, kanina niya pa pinoproblema ang kapogian kono niya.

"Kahit nakatalikod ay di maipagkakailang napaka pogi kong lalaki haysss"

" Weakling? Siguro naman nakapag agahan kana diba?"

Baka kasi nakulangan lang sa kain.

" Oo naman Master! Ikaw ba?"

Tsssssssss.

"Ay heheh Oo nga pala. Nakalimutan ko. Multo ka. Nakaka distract ka kasi talaga haha"

Yung mukha niya ang tinutukoy. Balik na naman po siya sa pag kausap ng kaniyang repleksyion sa salamin. Baliw.

"Nasa baba na yong mga magulang mo weakling, ikaw nalang ang hinihintay nila. Kung makapag bihis daig pa ang babae. Ma le-late na kayo.! Hoy Weakling!"

"Panira ka naman Master eh ito na nga oh ito na. Asaan ba yong Toga ko?"

Burara talaga kahit kailan.

"Malay ko sayo"

"Nasa kabinet ko lang pala. Haysss"

Alam kong excited lang siya.

.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

Napaka ganda tignan ang kani kanilang mga mukha habang naka paskil ang ngiti, ngiting tagumpay nang sa wakas ang kanilang pinaghihirapan ay nagbunga na.

Makikita sa mata ng kanilang mga magulang , kapatid, pamilya at kaibigan ang pagmamalaki. Kulang nalang ipagsigawan sa loob ng gymnasium na 'Anak ko yan!!!'

*Smile

Nasa pinaka mataas na parte ako naka pwesto ng sa ganun kita ang lahat.

"Ohtega Gemini I. !"

Ayon sa kanilang emcee. Tumayo naman ang tinukoy upang kunin ang diploma sa stage. Turn na ng kanilang departaminto sa pagkuha nito at nasa bandang O na ang tinawag. Malapit na ang bakla.

"Olivros Andrew C. ! "

*'ten ten...tenenenen nenen nenenenen nenen tenenenenen...~'

Tumunog ulit ang musikang pang martsa na talagang nagdala ng malaking parte sa seremonya.

Ng mahawakan ng bakla ang diploma ay agad siyang napatingin sa harap at ngumiti ng malapad sa kaniyang mga magulang na tila nagsasabing 'ma pa, para ito sa inyo' matapos non ay nilibot niya ang paligid na para bang may hinahanap. At tama nga ako. Huminto ang kaniyang mga mata banda sa aking pwesto at tangang kumaway.

Tanga nga tsss.

Kita niyang walang ibang taong nakaupo dito. Bi bigla nalang kakaway,  ano nalang ang iisipin ng mga narito. Nababaliw na siya? Hayssss.

Napunta na sila sa parte ng Picture taking. Nakikita ko naman ang ilang mga multo na naki join akala mo naman makukuha sa camera.

"Ate bat hindi mo e try. Malay mo diba makita ka sa pictures"

Ani ng dalagang multo na nasa tabi ko.

"Huwag na."

Ayaw kong makita ang mukha kasi sabi ng bakla pangit diba. Pa ulit ulit pa nga.

"Pero para kasing close mo yong lalaking yon ate."

Tukoy niya kay weakling na kasalukuyang nag pipicture kasama ang mga kaibigang humabol sa kaniyang graduation.

Oh My Ghost Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon