Andrew POVAlam niyo iyong pakiramdam na maikukumpara sa isang makintab na mamahaling relo pero wala ring kwenta dahil hindi na umaandar pa? Parang ako iyan eh. Andito nga, nakatayo, humihinga pero walang laman. Ibig sabihin ng laman ay iyong mga ka alaman, ka alaman sa nakaraan.
Puwede namang e benta ang relo ah, ipa timbang o ipa ayos!May kwenta parin iyon!
*O.O*
Teka..... Iyon ba ay sigaw ng kaliwa kong isip?
*Iling-iling
Nahahahawa na talaga ako sa kabaliwan ni master. Pero sige Oo.
Oo nah! May kwenta pa, kung talagang maipag dugtong-dugtong at marating ko na ang dulo ng aking mga alaala.
Nagising ako sa matagal o ewan na pagkakahimlay na hindi na nag usisa pa.
Na siyang pinagsisihan ko.
Paano nangyari ang aksedente?
Sino ako bago magising?
Dadalawang tanong na di ko manlang naibulaslas noon.
*Pout
Kung bakit ba kasi ngayon pa ako tumino.
Kay daling mauto, kay daling matakot kay hina, iyan ang Andrewng nagising.
Marami nang naglalaro sa aking isipan na posibleng ganoon ang nangyari.
Unang konklusiyon
May kabit si Papa na nakatira sa bahay ampunan. Ang sabi ni Tay Tong ay dalagita pero hindi ako naniniwala. Isa lang iyong palabas para hindi halata pero ang totoo ay talagang isang Madre ang kabit ni papa.
*O.O*
Pero paano ako napunta doon na nagpipinta?
Ah siguro, dati talaga akong paintor pagkatapos pinapunta ako doon ni Papa para makita ko kung ano ang ginagawa niya ng sa ganun ay hindi ako maghinala na may kung anong kataksilan na pala siyang ginagawa doon.
*O.O*
Pagkatapos, hindi talaga ako na aksedente sa sasakyan gaya ng mga naaalala ko dahil, Isa ako sa mga nabagsakan ng gusali sapagkat nandoon ako sa trahedyang iyon?
*O.O*
Ikalawang Konlusyon
Kung e kokonsidera ko ang mga panaginip ko'y Isang car accident ang dahilan kung bakit ako na comatose. Nabangga ako ng isang truck?
Ikatlong Konklusiyon
Totoong may kabit si Papa at naghanap ako ng paraan na malaman kung sino ito at aksedente kung napatay?
*Iling-iling
*pout
Hindi naman sana
Ika-apat na Konklusiyon
Plain Accident! Talagang iyon ang nangyari at wala naman talagang kabit si Papa na dinadalaw sa bahay ampunan dahil ang totooy, Anak niya iyon sa labas na naghahanap lang ng tyempo na ipa kilala sa amin ni mama.
TAPOS!
Nakakapagod mag conclude.
Baka ganun, baka ganiyan. Kahit na anong Baka iyan, hindi ko parin mapupuntirya ang katotohanan.
BINABASA MO ANG
Oh My Ghost
Misteri / ThrillerA Ghost without memories from a forgotten past that had been cage in a place where the only key for her freedom is someone who could notice her existence finally found the one, the one who bring more confusions, the one that boil the invisible blood...