Andrew POV
Ilang beses kong tahimik na hiniling na sana'y may maabutan akong tao doon. Nakakatakot mag-isa, wala pa naman si Master.
*Pout
Asaan na kasi siya. Pero siguro nga na haharapin ko nalang to ng mag-isa kasi laban ko to eh. Tsaka baka mag-alala pa yon. *Pout
Kapag talaga wala parin akong makitang clue o maalala man lang sa lugar nayon ay talagang hindi na ako babalik doon. Pero mas hindi ako mapakali sa inasta ni Mama kanina. Walang halong galit, inis o pilit ang boses niya habang ibinibigay ang sulat na laman ay isang lokasyon ng bahay ampunan. Marami ba talaga akong nakalimutan?
Hayyyyyyssss
Siguro nga...
*Pout
Nag sign of a cross muna ako bago bumaba ng sasakyan.
Kaya ko ba?
Tiningnan ko ng maagi ang nasa harap, isang malaking sirang gusali na sa sentro nito ay may nasa dalawang palapag na konkretong bahay pagkatapos ay nasa gilid na iyong ibang maliliit.
Nanginginig na inihakbang ko ang kaliwang paa.
"A-ano ba! huwag ka ngang manginig!"
Pinagalitan ko, abah keh bakla bakla
Walang mangyayari kung padadaig ako sa takot. Relax self....
Pumikit ako at dahan-dahang bumuga ng hangin.
"Hohhhh, ito na ito nah"
Maaliwalas pa naman ang paligid dala narin ng sinag ng araw. Susss Hindi nga ako natakot sa mga multo na nakakakita pa ako noon, ngayon pa kaya.
Nga naman anoh? Hahaha
Kaya't dahil sa pagkakaroon ng kaunting lakas ng loob ay medyo bumilis ang hakbang ko patungo sa bahay ampunan. May malaking tarangkahan na syempre sirang sira nadin tsaka bago tuluyang makapasok ay dadaanan ang isang arko. Tumingin ako sa itaas at nakita ang nakabiting board na may naka sulat na pangalan ng bahay ampunan na ito.
"Creepy, grrrhhhhhh"
Saan kaya ako unang pupunta?
Bahala na, kung saan ako dadalhin ng mga paa ko edi don.
Teka.......
Tama!!!!!!
Sa Painting room
Hindi ko alam kung saan banda ito pero para bang eksperto ang mga paa ko sa daan patungo sa silid na iyon. Isang liko lang ang ginawa ko bago ito makita, kalahati na lamang ng mga pader ang nakatayo at nagka watak-watak ang mga kahoy pati bubong. Hahakbang sana ako papalit nang may nag udyok sa akin na tumingin sa ibaba.
May nakataob na parang tabla na naapakan nitong mabango kong paa. Dahan dahan akong yumuko para makuha ito.
Hmmmmm?
Pagka harap ng pagka harap ko sa board ay siyang biglang sumakit ang ulo ko.
Shit!!!!
BINABASA MO ANG
Oh My Ghost
Mystery / ThrillerA Ghost without memories from a forgotten past that had been cage in a place where the only key for her freedom is someone who could notice her existence finally found the one, the one who bring more confusions, the one that boil the invisible blood...