CELESTIAL 39

2.9K 72 1
                                    


Gale

        I WOKE UP FEELING blissful and light hearted, nakapulupot pa ang braso ni Kade sa bewang ko, habang nakasiksik ang mukha niya sa leeg ko, he's still sleeping peacefully.

Nakangiti kong pinagmamasdan ang mukha nang aking Lúthien, happiness and contentment is evident in his gorgeous face.

Marahan kong dinampian nang halik ang noo niya bago dahan dahang inalis ang braso niya sa bewang ko at tumayo para mag shower.

Paglabas ko ay mahina nalang akong natawa dahil tulog na tulog padin siya, alam kong napagod siya nang sobra sa ginawa namin kahapon, ayokong istorbohin ang tulog niya.

Napailing nalang ako at lumabas para bumili nang breakfast namin ni Kade at bisitahin narin si HM sa Infirmary.

Maaga pa kaya siguradong tulog pa ang Fates pero paglabas ko sa field nang Academy ay marami rami na ang mga estudyante at lahat sila ay nakatingin sakin na para bang namamangha pero may takot, naiilang ako dahil yumuyuko sila kapag dumadaan ako. Hindi ko sila masisisi kung natatakot sila sakin dahil sa nakita nila nung inatake ang Academy, Alam kong may hinala na sila kung ano ako pero napagdesisyonan kong hindi muna kompermahin at sabihin sa lahat ang totoo kong pagkatao.

Malapit na ako sa Infirmary nang  mapansin ko ang dalawang guard na may kausap sa Gate. Isang Matandang babae at Matandang lalake, nagsusumamo ang kanilang mukha at halos lumuhod na.

Akmang lalapit ako nang makita ako nang isang guard at agad akong nilapitan.

Yumuko siya bago ako hinarap. "Mawalang galang na, pero Myembro kayo nang Fates hindi po ba?" Magalang niyang tanong.

"O-Oo. Anong nanyayari?" Tanong ko habang nakatingin parin sa dalawang Celestians na nakatingin narin samin.

"Humihingi sila nang tulong dahil dinukot daw ng mga lycans ang apo nila."

"Ano?" Hindi ko na siya hinintay na magsalita at agad na pumunta sa gate para makausap ang dalawang matanda.

Hindi pa ako nakalapit ay agad nila akong sinalubong, nagulat ako nang lumuhod sila sa harap ko at mahigpit na hinawakan ang  kamay ko.

"Parang awa muna Ining tulungan mo ang apo namin." Naiiyak na sabi nang matandang babae.

Agad ko silang pinatayo. "Please po hindi niyo kaylangang lumuhod."

Tumayo sila. "Magdadalawang araw nang nawawala ang apo naming si Emely akala namin ay nakitulog lang siya sa kaibigan niya sa bayan ngunit laking gulat namin nang pumunta ang kaibigan niya sa bahay at hinahanap si Emely, agad namin siyang hinanap at may nakapagsabi saming kakilala naming mangangaso na nakita nila ang apo namin na dinukot nang mga Lycans." Sabi nang matandang lalake at humagulgul naman nang iyak ang matandang babae.

Napalunok ako habang nakatingin sa kanila. "A-Anong gagawin nila sa apo niyo?"

"Halos linggo linggo nangdudukot ang mga Lycans na babaeng berhin upang ialay sa mga diyos nang demonyo... sa Mundong ilalim." Nanginginig na sabi nang matandang babae.

"Kaya nagmamakaawa kami sayo tulungan mo ang Apo namin, balita ko ay may mga estudyante na malalakas ang nag aaral dito."

Sa totoo lang ay nagdadalawang isip ako, lalo pat wala si Kade siguradong sobrang mag aalala siya kapag umalis akong walang paalam pero hindi ko kayang tiisin ang dalawang matandang nagmamakaawa sa harap ko lalo na kung alam ko naman na may magagawa ako.

"Sige po, pero titingnan ko muna ang pinagkukutahan nang mga Lycans at babalik agad ako dito para manghingi nang tulong sa mga kasama ko."

Lumiwanag ang mukha nang matandang babae. "Maraming salamat, Maraming salamat." Paulit ulit niyang sabi.

ENCHANTRESS: The Tale Of The Fallen KingdomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon