CELESTIAL 43

2.7K 68 13
                                    


Gale

       
       IT'S BEEN A WEEK since Aunt Rosaine told me about the throne, sinabi niyang hindi ako ang tagapagmana nang trono nang Lorien Tirion, sa totoo lang wala naman akong problema dun dahil hindi ko naman hinangad ang maging isang reyna, hindi lang talaga mawala sa isip ko ang katanungan na Sino? Kung hindi ako, sino?

Sinubukan kong kausapin si Aunt Rosaine tungkol sa bagay na yan pero halatang iniiwasan niya ako at sa tuwing pinipilit kong kausapin siya ay hindi niya ako sinasagot o di kaya ay papayuhan na maghanda na lamang, alam kong pati si Kade ay naaapektohan narin, madalas kasi akong tulala at malalim ang iniisip pero nagpapasalamat lang talaga ako dahil sobrang maintindihin nang aking Lúthien.

Kaya pinipilit kong ituon nalang ang atensiyon ko sa training. Napagdesesyonan nang Hari na pansamantalang itigil ang pasok sa Academy, pinauwi muna ang mga estudyante maliban na lamang sa Strongbow na ngayon ay nag iinsayo sa Academy, habang dito muna kami ni Kade sa Palasyo, pinatawag narin ang Fates para dito muna sa palasyo pansamantalang tumuloy at mag insayo, pinayuhan naman lahat nang Celestians na kung maaari ay huwag lumabas nang kanilang bahay kung hindi kinakailangan dahil unti unti nang dumadami  at nagsilabasan ang mga Demons.

Si HM naman ay nagkamalay na ngunit wala paring sapat na kakayahan para makipaglaban kaya minabuti naming pagpahingahin nalang muna siya at pauwiin pansamantala sa Hawgrath kung saan siya naninirahan.

Kasulukuyan kaming nag iinsayo ni Kade ngayon, kinakalaban namin ang isat isa.

Ramdam ko ang lakas nang bawat sipa at suntok niya na palagi ko namang nasasalag at lihim akong nagpapasalamat dahil tinupad niya ang usapan namin na walang magpipigil.

Ramdam ko ang pagod naming dalawa, maraming tagapagsilbi at sundalo ang nakapalibot sa amin na tila ba namamangha dahil wala ni isa saamin ni Kade ang gustong magpatalo, kanina pa kami pero kahit isa saamin ay wala pang natatalo.

Nagpapalitan kami nang suntok at sipa, inaamin kong napakahirap talunin ni Kade, kaya naisip kong gumamit nang kapangyarihan.

Nang aakit ko siyang Tiningnan siya sa mata. "Hey, baby." Nakakahalina kong tawag sa kanya.

Bigla siyang napahinto at parang nahihipnotismong tumingin sa mata ko, ang mata niya ay parang lasing kaya napangiti ako, pilya ko siyang hinalikan sa labi. "Sorry, Baby." Sabay ngiti at itinulak siya nang malakas.

Napasinghap ang lahat nang tumama ang likod ni Kade sa puno nang kahoy at sabay kaming napangiwi dahil sa sakit.

Pero nagulat ako nang dahan dahan siyang tumayo at nang uuyam na ngumiti, tumakbo siya papunta sakin at sinalubong ko siya pero laking gulat ko nang itinapat niya ang palad sa lupa dahilan para magkaroon nang bitak, kaya natumba ako at napadaing pero akala ko ay yun lang, bigla kong naramdaman ang sobrang sakit nang tiyan ko, napairi ako sa sakit at pinilit na tingnan ang kamay ko na nakalapat sa tiyan ko, nagulat ako nang halos mangitim na yun, Kade uses his Dark Magic on me.

Halos himatayin ako sa sakit na napayuko nalang ako sa lupa, narinig ko ang sunod sunod na mura ni Kade at agad akong dinaluhan.

"Baby, Fuck! I'm sorry. I'm sorry." Maagap na sabi ni Kade at agad akong binuhat at nagmamadaling naglakad papasok nang palasyo.

"I-It's O-Okay." Nahihirapan kong sabi.

"No, it's not. Fuck! Baby, I'm sorry." Kade keeps on cursing, bakas na bakas ang pagsisisi sa mukha niya, he looks so worried while looking at me.

"Baby, I can heal myself." I tried so hard not to stutter.

Hindi siya umimik pero ramdam ko ang guilt niya, pagdating namin sa Kwarto ay agad niya akong pinahiga at pinaasikaso sa mga manggagamot habang hindi siya mapakaling nakatingin sakin sa gilid.

ENCHANTRESS: The Tale Of The Fallen KingdomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon