I

3.3K 42 8
                                    

"Umuwi ka nang maaga. Baka kung saan-saan ka na naman pumunta."

Napatingin ako kay papa nang pagsabihan niya ako. Marahan akong tumango.

Wala naman akong pinupuntahan tuwing uuwi dahil bahay at eskwelahan lang naman ako.

"Huwag ko lang mababalitaang may bino-boyfriend ka, Yohana."

"Wala ho akong boyfriend p--"

"Aba ay dapat lang! Pinag-aaral ka ng Mayor dahil may gusto sa'yo ang anak n'on, huwag kang lalandi sa eskwelahan niyo't malilintakan ka sa akin."

Napapikit ako nang mariin. Ito na naman. Lagi na lang. Alam ko na ang gagawin, para naman akong batang laging pinapaalalahanan.

"Oho." Magalang kong tugon. Dahil kung sasagot pa ako ng hindi niya magugustuhan ay baka lumaki pa ang gulo. Ayoko nang makipagtalo at usap pa sa kanya. Lagi namang ganoon, lagi na lang. Nasanay na ako.

"Ang tahimik naman ni Barbie."

Inirapan ko si Thiara. Ang nag-iisa kong bestfriend sa paaralang ito. Since noong freshmen kami, kaya ngayong third year college na kami close na close na kami.

"Alam mo naman ang papa ko, may pabaong habilin."

Sumeryoso ang mukha niya. Alam niya ang tungkol sa anak ng Mayor, lagi ba naman akong binibisita sa eskwelahan, paanong hindi malalaman ng lahat?

"Si Oscar na naman ba? Nako! Kung hindi lang ako magiging tagahilom ng sugat ng mga tao, baka napatay ko na 'yon. Hambog na nga, matapobre pa! Kahit gwapo siya, pangit naman budhi niya kaya huwag kang papatol doon!" Sulsol niya sa akin.

Kapalaran ko na atang maibenta sa lalaking iyon. Ang ama ko naman kasi ang may pakana. Ang giit ko ay ako na lang ang magpapaaral sa sarili ko, magsasideline ako or part time job para may pantustos akoz aso ayaw ng ama ko papakahirap pa ba raw ako eh may gusto nang magpaaral sa akin.

"Alam mo namang wala akong lusot kay Papa."

"May lusot ka gaga! Lumayas ka sa impyerno niyong bahay."

Napangiti ako ng mapait. Madaling sabihin, mahirap gawin. May mga kapatid akong maliliit, dalawa sila at hindi ko sila hahayaang maiwan sa kamay ni Papa. Kung ako ngang malaki na ay hindi makayanan ang kademonyohan ni papa, ano pa silang mga wala pang muwang?

"Hindi pwede, Thia, alam mo naman 'yon 'di ba? Magtitiis na lang muna ako. Kapag nakapagtapos ako ay babayaran ko ang Mayor."

"Scholar ka hoy. Anong babayaran? Wala kang utang doon!"

"Iyon ang sabi ni papa kaya nga sinasabi niyang dapat ay pakasalan ko ang Oscar na iyon."

"Basahan mo ng manual 'yang tatay mo ukol sa pagbibigay ng scholar. Gaga ka, huwag kang papabihag sa Oscar na 'yon."

Napabuntong hininga ako. Mahirap naman kasing tumakas, hawak nila Oscar ang lugar na ito at hindi ako makakaalis dito dahil ayaw ko ngang maiwan ang dalawa kong kapatid.

"Ay siya, bahala ka. Basta ako lagi lang nasa likod mo. Kapag sinaktan ka ulit ng tatay mo, punta ka lang sa amin. Papablotter ko 'yang tatay mo."

Napangiti ako. "Ayos lang. Ano ka ba. Hayaan mo na. Sanay na ako."

"Hoy Yohana! Kapag may nakita ulit akong pasa sa katawan mo, malilintikan ka sa akin! Ipapakulong ko 'yang tatay mo---"

"Thiara." Mariing sambit ko.

Bumuntong hininga siya. Nakanguso na sa akin, naiiyak. Gagang 'to.

"Ayoko lang na sinasaktan ka be, alam mo namang dugtong ang bituka natin. Nasasaktan ako kapag nasasaktan ka."

"'Di pa naman ako mamamatay, palo lang 'yon."

"Ewan sa'yo."

Tinawanan ko na lang siya, pero deep inside, para nang hinawakan ang puso ko. Nasa tamang kaibigan talaga ako.

Matapos ang klase ay dumeretso na ako sa bahay. Nakita ko si Yeji na nagwawalis sa tapat bahay, dose anyos na kaya medyo matangkad na. Ngumiti siya sa akin.

"Ate, andiyan po ang Kuya Oscar, hinahanap ka." Turo niya sa bahay.

Tumango ako. "Nasaan si Yaine?" Tukoy ko sa isa pang kapatid na babae, ang bunso.

"Nasa taas na po ate."

"Oh sige, umakyat ka na pagkatapos mo, naka-uniporme ka pa."

"Pinagmamadali po ako ni papa kasi may bisita."

Sumama ang mukha ko. Bakit hindi na lang siya ang nagwalis? Total ay buong araw naman siyang tambay lang sa bahay?

Mabilis akong umakyat sa bahay. Nakita ko si papa at Oscar na nag-uusap, andoon naman sa gilid si Yaine na parang nag-aantay sa kung ano mang utos ng dalawa. Lumapit ako kay Papa at nagmano.

"Oh andito ka na pala. Kanina ka pa hinihintay ni Oscar, tingnan mo at may dala pang mga laruan at pagkain natin." Tukoy niya sa isang kahon ng pagkain at isang kahon ng mga laruan.

Tumango ako. Nanunuhol na naman si Oscar.

"Akala ko ay may project kayong ginagawa kaya inintay na lang kitang makauwi." Nakangiting sabi ni Oscar.

"Wala." Matabang ko na sabi.

Ngumiti siya at hinalikan ako sa pisngi. Sinulyapan ko si Papa, patay malisya itong tumayo at tumungo sa kusina. Lumapit naman sa akin si Yaine. Yumuko ako nang makitang parang may ibubulong siya.

"Utap tila kanina, katal daw kayo Kuya Otcar tunod buwan."

Agad na nanlaki ang mata ko, mabuti at hindi nakisali si Oscar at marahil ay hindi naman narinig o naintindihan man lang ang sinabi ng kapatid kong 5 years old pa lang.

"Baby, go to ate Yeji. Sabihin mo maglinis na kayo ng katawan para kakain na after n'on, 'kay?" Malambing na sabi ko.

Mabilis naman na sumunod ang bunso at bumaba para puntahan si Yeji. Hinarap ko si Oscar. Nakaupo ito ng prente na parang hari sa teritoryo niya.

"Anong pinag-usapan niyo ni papa?" Seryoso kong tanong.

Tumaas ang kilay niya, tapos ay ngumisi, ngising aso.

"Wala, Yohana. Alam mo namang ang nakakabuti ang lagi naming pinag-uusapan ng papa mo."

Humugot ako nang malalim na hininga. Relax, Yohan. Kapag sinapak mo 'yan, gaganti 'yan, ikaw rin ang masasaktan.

"Sana nga, Oscar. At saka huwag kayong padalos-dalos ng hindi hinihingi ang desisyon ko."

"Desisyon mo? Aanhin namin ang desisyon mo? Desisyon namin ang masusunod." Matigas niya na sabi, tinotopak na naman, paiba-iba ang timpla.

"Sino ang nililigawan mo rito, Oscar? Ako o ang tatay ko? Kasi kung ang tatay ko ayos lang na huwag niyo nang tanggapin ang desisyon ko. Pero kung ako? Desisyon ko ang masusunod---"

"Sinong may sabi? Wala kang karapatang magdesisyon dito, Yohana. Ako. Ako ang magdedesisyon."

Napatiimbagang ako. Ganito lagi ang pinagtatalunan namin. Ganito kami lagi kapag nagkikita tapos magpapakasal kami? Baka kapag kasal na kami ay magbugbogan lang kami?

"Ligawan mo ang sarili mo kung gano---"

"Nabili na kita, Yohan---"

"Nabili? Scholar ako at hindi pera niyo ang pinanggagastos ng Scholar ko, pera ng mamamayan---"

"YOHANA!"

Napapikit ako. Magsama kayong dalawa! Dapat kayo na lang ang magpakasal e!

"Sorry pa." Matigas kong sabi at umakyat na sa kwarto. Sarap tumalon mula rito hanggang baba.

Napapikit ako ng mariin. Hanggang dito na lang ba talaga ako? Napakahirap namang tumakas sa sitwasyon ko.

My Possessive Playboy [Saldaviga Series #3] CompleteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon