IX

980 25 2
                                    

"I told you, I will help you bitch!"

Agad akong umiling kay Kim. Hindi...bawal Kim.

"Madadamay lang kayo, Kim."

Kumunot ang noo niya. "What do you mean madadamay?"

I sighed. "Kilalang-kilala natin ang mga Perez. Kaban nga ng bayan nabubulsa nila nang harap-harapan sa mga tao, paano pa kayang ako na isang ordinaryong tao lang?"

"Nakakatakot sila Besh, pero kung walang tutulong sa 'yo. Mabubulok kayo sa malaimpyerno niyong bahay at sa kamay ng mga Perez. We all know na hindi naman boto sa 'yo ang mga magulang ni Oscar, 'di ba?"

Napatitig ako kay Thiara, umiwas din ng tingin. Nalipat lang kay Kael na may bitbit na pitchel.

Andito kami kina Kim, matapos naming magligpit ng mga kalat namin sa classroom ay dumeretso kami rito.

"So ano na ang plano mo bitch? Hindi mo naman pwedeng takasan lang bigla ang papa at ang lalaking patay na patay sa 'yo." Si Kim habang umiinom ng juice.

I bit my lower lip hard. "Sa isang taon, kulang sa amin ang 30,000 pesos lalo na't nag-aaral kaming tatlo. Kung aalis kami at hanggang dito lang din sa Luzon, mahahanap at mahahanap kami ng mga Perez."

Napapikit nang mariin si Kim at Thiara. I saw Kael creased his forehead. Umupo ito malapit sa akin. Nag-iiwasan sila ni Thiara and it's awkward lalo na kapag si Thiara ay tahimik at nababawasan ang kadaldalan dahil kay Kael.

"Gago talaga 'yang si Oscar. Isalvage na natin Kae---Kim?" Nadudulas niyang sabi. Muntik na akong matawa nang makita ang pamumula ng pisngi niya.

"Bitch, if you have plan of killing him, dig for yourself." Mataray na sabi ni Kim.

I sighed. Totoo 'yan Thiara. Kaya huwag mo nang tangkaing patayin ang lalaking 'yon.

"Kapag talaga naospital 'yon, tutuluyan ko pa siya kung ako ang gagamot. Napakasama ng budhi."

Napasulyap ako kay Kael. Hindi naman ata siya apektado eh.

"Support, same bitch." Sulsol naman ni Kim.

Napabuntong hininga ako. "Kapag umalis kami ng Luzon, sa tingin niyo saan pwede?"

Nag-isip silang dalawa. Salin-pusa lang naman si Kael dito dahil walang ambag. Nakikichismis lang.

"Talk to Oscar and tell him  you two should get married when you already have a stable work."

Napatingin ako kay Kael. Seryoso siya kaya hindi ko alam kung tama ba ang pagkakarinig ko.

"Atat na atat na nga eh." Walang ganang sabi ni Thiara.

Tumaas ang kilay ni Kael. "If he really love Yohana, he will agree."

"Kahit mahal mo kung hindi naman siya pabor, hindi siya papayag. That how Love works."

"Pinaglalaban mo?" Mataray ngunit natatawang tanong ni Kim.

"Puso mo." Nakangiwing sabi ni Thiara.

"Kahit hindi siya pabor, kung 'yon ang gusto ng taong mahal niya, susuportahan niya."

"No." Iling agad ni Thiara kay Kael, seryoso ito. "Hindi pwedeng ganoon. Hindi pwedeng support lang nang support."

Natigilan si Kael, yumuko ito at nang tumingin kay Thiara na wala ng emosyon na mababasa sa mukha nito.

"That's enough guys, we need to give at least a little help for this bitch." Tukoy niya sa akin.

"You need to stay away from this city, Yohan." Seryosong sabi ni Kael. Napasinghap ako. Iyan nga ang gusto kong mangyari pero paano?

My Possessive Playboy [Saldaviga Series #3] CompleteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon