XIV

799 22 4
                                    

Nakita ko na lang na nakahandusay na si Oscar sa lupa. Agad akong umupo at inihiga siya sa hita ko. Kinawayan ko ang dalawang nakaupo sa 'di kalayuan.

"Boom bagsak. Galing mo sa part na 'to Besh. Anong ginawa mo?" Natatawang tanong ni Thiara. Inirapan ko siya. Nagawa pang magbiro ng bruha.

"Nag-uusap lang kami tapos bigla siyang nag pass-out." Pagkukwento ko. Inayos ko ang buhok ni Oscar.

"It looks like you already like him. Why don't you just agree to him?" Malamig na tanong ni Isaac. Tiningala ko siya at tinititigan ng mabuti.

"Isaac, hindi ito ang panahon para pag-usapan 'yan. Tulungan mo na lang ako na itayo si Oscar."

"If you like him, marry him." Pagpupumilit niya.

"Isaac." Nagbabanta kong sabi. Ayaw paawat, para namang bata oh.

"No, don't make me stop, Yohana. I am involve in this, so why would I shut up? Marry him." Seryoso niyang sabi.

Napapikit ako. Sinenyasan ko si Thiara na tulungan ako kay Oscar. Nahirapan pa kami dahil pinaupo namin ito sa bench. Hindi man lang tumulong si Isaac!

"Bantayan mo muna si Oscar, Thia. Kakausapin ko lang si Isaac." Hinatak ko si Isaac sa may 'di kalayuan.

"Marry him, Yohana." Napapikit ako! Para namang nangbabanta 'to! Bakit ganoon ang tono niya?

"Isaac, hindi mo kasi ako naiintindihan---"

"You like him right? You like him." Giit niya.

"No," umiwas ako ng tingin at nagbuntong-hininga. "Hindi ko siya gusto. Ayaw ko lang mapahamak siya rito, anak pa rin siya ng Mayor, baka mapagdiskitahan."

"Kaya ka pumunta rito?"

"Y-yeah."

"Gusto mo siya, Yohana. Pumayag ka na lang sa alok niya."

Tumaas ang gilid ng labi ko. "Isaac." Seryosong sambit ko. "Sa tono mo parang ayaw na ayaw mo sa pagtulong sa akin. Ayaw mo na ba?"

Tumiimbagang siya. "Wala naman akong mapapala rito eh."

Nakagat ko ang pang-ibabang labi. Right, wala nga naman siyang mapapala.

Tumango ako at natawa nang mahina, sarkastiko.

"O-oo nga naman." Sang-ayon ko.

Umiwas siya ng tingin sa akin at marahang inayos ang buhok niya.

"L-look Yohana, I didn't mean---"

"Ayos lang, Isaac. Naiintindihan kita. Sino ba namang tanga ang papayag sa alok namin 'di ba? Sinong tanga ang tutulong sa akin na makalayo sa gustong magpakasal sa akin? Sinong tanga ang papayag sa ganitong sitwasyon at iiwan ang kalayaan niya? Sinong tanga ang ipagpapalit ang kalayaan para lang sa babaeng hindi naman niya kilala?" Natatawa kong tanong. I wiped the tears escapes from my eyes and looked down.

"Hindi ako aamin."

Nagugulat ko siyang tiningnan. Ngumuso ito at umirap sa ere.

"W-what do you mea---"

"Just a year okay?"

Nakagat ko nang malakas ang pang-ibabang labi ko at natutuwang niyakap siya.

"Salamat! Salamat Isaac. Sabi na eh, mabait ka. Alam kong mabait ka."

Nang marealize ang ginawa  ay dahan-dahan ako na umalis sa yakap. Namumula kong tinaas ang dalawa kong kamay.

"They moved..." tukoy ko sa mga kamay. "Sorry, natuwa lang..."

My Possessive Playboy [Saldaviga Series #3] CompleteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon