Chapter 30

788 22 4
                                    

"I told you, kaya mo ate Yohan." Yeji hugged me after she did my hair.

I chuckled, feeling so proud of myself.

"Of course, bakit hindi kakayanin  ni ate? Andiyan kayo ni Yaine."

She rolled her eyes. "Ang sabihin mo, namotivate ka lang dahil kay kuya Isaac."

Nawala ang ngiti sa labi ko at agad na umiwas ng tingin. Tumayo ako at inayos ang suot na dress na maipangpapaloob sa toga.

"Tara na?" Nakangiting tanong ni Tita(Landlady ng apartment). Nakasuot siya ng dress at sobrang ganda nito ngayon. Nasa kanang kamay niya si Yaine na nakasuot ng peach na dress at cute na sandals, she has a sling bag na pang bata.

Pagdating namin sa University ay pinaupo ko na sila Tita sa may pwesto niyang upuan, nakalaan sa mga pamilya o myembro ng  pamilya na aakyat kasama ng mga graduates.

Nakangiti lang ako habang nakaupo katabi si Kim, Sorano kasi ang apelyido niya at Samson naman ako.

"Why Isaac is not here? You two had a quarrel?" She asked. Natigilan ako, nawala ang ngiti sa labi ko at marahang inilibot ang paningin sa paligid.

Hindi ko alam kung ako ba ang may kasalanan kung bakit pipiliin ko munang magpahinga kami or siya. Kasi gagawin ko lang naman ang naisip ko kagabi para hindi kami parehong masakal at masaktan eh. Hindi ko naman talaga gustong tapusin muna... kasi si Isaac 'yon eh, mahal ko 'yon. Bakit ko pa bibitawan? Pero ano? Hindi pwedeng lagi na lang ako ang umiintindi tapos siya ay hindi man lang ako magawang suyuin or kahit magpaliwanag sa nakita ko kagabi. Ibang level na 'yon eh. Tapos... nasaktan talaga ako ng sobra. We'd been together a year now at hindi ko alam kung paano niya nagawa sa akin 'yon! I know he's tipsy last night, pero hindi sapat na dahilan 'yon para makipaglantari siya sa mga naging ka-hoe niya dati or kung ano pa man! He have a fucking girlfriend! Pinagsigawan niya pa nga non sa laro tapos biglang ganon. Gagong-gago ampota.

Hindi ko na inabala pa ang sarili na hanapin nga si Isaac dahil wala na akong pakialam. Kung magkita man kami ngayon, bahala na. Kung ano man ang  mangyari sa pagkikita namin, siguro iyon ang makabubuti sa aming dalawa bilang kami at bilang magkarelasyon.

Nag-umpisa na ang seremonya habang ako ay todo kinig lang sa tagapagsalita na nasa harapan.

"I saw him." Bulong sa akin ni Kim kaya nagtataka ko siyang tiningnan. "You're bebe."

Napatitig lang ako sa kanya. Hindi nakakibo habang may tinuturo siya sa may di kalayuan ng mga graduates. Napabuntong hininga ako ng magtama ang paningin namin. I automatically looked away and didn't bothered to look at him again. Para saan pa?

Napag-isipan ko na kagabi na hindi pwedeng sa ganoon kaming sitwasyon nagsimula. Hindi pwedeng magtatapos kami sa masaya dahil in the first place intentionally ang naging relasyon namin. Ni hindi ko nga alam kung paanong nangyaring nagkahulugan kaming dalawa despite of our first encounter and also our situation before. Nakakaloko lang na ang isang katulad kong nanghingi ng tulong at ang isang babaerong napilitang tulungan ako dahil sa bored niyang buhay ay nagkahulugan o...baka naman ako lang ang nahulog at pakitang tao lang ni Isaac ang lahat dati? Pero...his sincerity is pure! I can feel it...even I recalled those. Lahat sinsero siya...kahit sa pagsabi sa akin na mahal niya rin ako.

Nagtawag na ng pangalan habang kanya kanya na ring tayo ang mga magulang...I felt my eyes watered as the scene I am watching right now, their parents are all proud for their achievement. While me, I'm hoping that papa and mama are here, feeling proud for my...achievement. Bakit ganoon? Naging mabait akong tao at anak...pero bakit ganito ang sukli sakin? Hindi pa ba sapat?

"Don't cry. You did well. We did well, we did it." Kim hugged me. I hugged her back.

"W-we did it..." i whispered. Ipapakita ko sa inyo mama at papa na hindi ako kahiya hiya bilang anak, hindi katanggi tanggi. Magkakaroon ako ng pangalan sa sarili kong pagsisikap.

My Possessive Playboy [Saldaviga Series #3] CompleteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon