II

1.7K 36 2
                                    

"Anong sasalihan mong club Yohan?"

"Hindi ko alam eh. Wala akong talent."

Tumawa siya. "Naririnig kitang kumakanta. At saka sumasayaw ka before 'di ba? Noong highschool ka, nakwento mo sa 'kin!"

"Trip lang 'yon, hindi talaga ako magaling." Tanggi ko.

"Trip lang daw pero nanalo ng championship before! Huwag ako ha."

Napailing-iling ako. "Tsamba lang."

"Be naman, sama na tayo sa music club!"

"Ayoko oy!"

"Sige na. Para naman may kasama ako! At saka bawal walang club gaga."

Pinaikot ko ang mga mata ko. Inayos ko na ang mga gamit ko.

"Thia, hindi ko pa alam. Matagal pa naman eh."

"Next week na ang registration, besh. Kailangan mo nang mag-isip ngayon."

"Saka na." Sabi ko at tumayo na papuntang field, doon kasi kami kumakain ni Thiara. Mas komportable at walang mga matang nakatingin sa amin.

"Ang sarap talaga rito. Ano be? Share ka naman ng problema mo."

Tumitig ako sa mga lalaking naglalaro ng soccer.

"Alam mo naman ang kaisa-isang problema ko, Thia." Buntong hininga ko. Sumubo ako ng pagkain.

"Hays, kung may magagawa lang ako be, siguradong wala na kayo sa puder ng tatay niyo."

Ngumiti ako ng pilit. "Ano ka ba. Makakaalis din kami, maghihintay lang ako ng konting panahon." Positibo kong sabi. Kahit sobrang labo.

"Akitin ko kaya si Oscar?"

Nagugulat ko siyang tiningnan. Seryoso ang expresyon niya kaya hindi ko alam kung niloloko niya lang ako o seryoso talaga siya.

"Oh huwag mo akong tingnan na para bang hindi humahabol ang kasexihan at kagandahan ko sa'yo, Yohan. Huwag mo akong maliitin."

Tumawa ako. "Hindi kita minamaliit, Thiara. Natuwa lang ako kasi gagawin mo talaga 'yon? Paano na si Kael?" Tukoy ko sa ultimate crush niyang hindi naman siya pinapansin. Snobber kasi 'yon sabi nila, pero feeling ko hindi naman.

"Kung hindi rin lang ako papansinin ni Kael, edi aakitin ko na lang si Oscar ng sa ganoon mawala na ang problema mo."

Napangiti ako ng matamis. Oh Thiara, napakabuti mong kaibigan. Pero hindi... hindi ka pwedeng madamay, ayos ng ako lang, huwag lang kayo.

"Thiara, hindi mo aakitin si Oscar, wala kang gagawin. Alam mo naman ang bituka n'on 'di ba?"

"Oo, wala siyang small intestine kaya ang itim ng budhi niya."

I laughed, napanguso siya pero nauwi rin sa tawa.

"Sa susunod na eleksyon, hindi ko ulit iboboto 'yang tatay niyang korap!"

"Bayad niya ata ang taong bayan kaya siya ang nananalo."

Ngumiwi siya. "Akala siguro nila puro pera ang tumatakbo sa buhay 'no? Bakit hindi nila isantabi 'yon at nang makita nila na maganda ang takbo ng buhay kapag hindi sila sakim sa yaman?"

Napatango ako. Ewan ko nga rin sa mga politikong korap, hindi ko nilalahat pero visible naman ngayon dahil wala pa siyang nagagawang proyekto sa mga nagdaang taon. Saan napunta ang pera ng taombayan?

"Mga mayayaman nga naman. Alam mo kung hindi lang tayo scholar, ako talaga ang susugod sa munisipyo para batuhin ng bato sa ulo 'yong mayor nang matauhan." Gigil na sabi niya. Tumawa ako.

My Possessive Playboy [Saldaviga Series #3] CompleteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon