Chapter 25

775 23 2
                                    

"Congratulations!!" Sigaw namin sa isa't isa habang nagtatatalon. Pasado kaming lahat...no one left behind, lahat makakatapak sa fourth year. Lahat makakagraduate...

"Naks naman dean's lister!" Pang-aasar sa akin ni Thiara. I rolled my eyes. I jokingly hit her arm.

"Kung nag-aral tayo ng sabay, hindi yung puro ka hunting ng pogi, edi parehas tayo."

She laughed. "Ano ka ba?! Vitamin 'yon!"

"Vitamin?"

"Vitamin Eye."

"Baliw!" I laughed.

Wala kaming balak maghanda ni Thiara dahil ayos lang naman sa amin na hindi maghanda, especially now na third year pa lang kaso si Kim, inimbita kami sa kanila at sabi rin daw ni Tita. So, dito kami kina Kim ngayon.

"Mabuti naman at sumama kayo! Nako mga hija, marami kasi kaming hinanda dahil nga dean lister din ang Kael ko. Nagpaparty si Kim ko."

"Thank you po sa pag-imbita tita."

Ngumiti ito sa amin at tinuro ang back yard nila kung saan gaganapin ang party, marami marami na ring mga kaklase namin at kakilala nila Kim. Hapon na kasi ng matapos ang recognition kaya deretso na kami rito. I am wearing a simple high waisted rip jeans and light blue off-shoulder crop top. Naka-sandal lang  din ako.

"We'll have a night swimming kaya you two need to wear swim suit."

Napapantastikuhan naming tiningnan si Kim na kakababa lang at ang suot ay see-through na kulay black at nakapaloob naman na red bikini.

"Taray ng Bitch. Anyway, mas maganda pa katawan ko sayo." Pang-aasar ni Thiara. Inirapan lang siya ni Kim.

Hinatak na niya kami ni Thiara paakyat sa kwarto niya at pinasukat sa amin ang mga bago niyang bikini. Eh hindi naman ako nagsusuot ng ganito! I don't have a perfect body kaya nakakahiya kung magsusuot ako.

"Ano? Wala kang balak? Gaga, maliligo tayo mamaya." Udyok sa akin ni Thiara na nakasuot na na kulay dark blue na bikini. She really have a nice body...

Umiling ako. "Hindi, ayos lang. Hindi naman ako marunong lumangoy eh."

"Same gago! Kaya nga magsuot ka lang ng bikini, para naman kunwari marunong tayo." Natawa pa ito.

Umirap sa ere si Kim at hinagis sa akin ang kulay black na bikini. Nandidiri ko iyong tiningnan. Bakit naman kasi kakarampot lang 'to?

"Wear that, you want Isaac to see you like 'dugyot'?"

Nanlaki ang mata ko. I even stood up. "P-pupunta siya?" Hindi ko alam pero nahimigan ata niya ang excitement sa boses ko kaya tinaasan niya ako ng kilay.

I cleared my throat.

"I invited them." Simpleng sagot niya at tinulak na ako papasok sa banyo niya. I sighed.

"Oh pak! Ganda ng hubog, chix na chix!" Pinalo pa ni Thia ang pwet ko, bastos!

I slapped her butt too. She laughed and slapped Kim's butt.

"Bitch!" Tili ni Kim at hinabol si Thia na tumakbo na palabas. Napapailing na lang akong sumunod.

Natigil lang ako ng makasalubong ko sa hagdanan si Kael. He looked me head-to-foot and looked away.

"Hi!" Kinakabahan kong bati. Hindi na kami nag-uusap simula nong confession niya sa akin. At hindi naman ako tanga para hindi malaman na umamin siya non.

"Hello." Namumula niyang tugon at nilagpasan na ako. Nagkibit balikat ako at ngumusong bumaba. Ayaw niyang makipagbati? Ako na nga unang nag-approach.

My Possessive Playboy [Saldaviga Series #3] CompleteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon