V

1.2K 27 6
                                    

"Chin up! Chest out!"

Agad kong inayos ang baba at dibdib ko. I didn't know it will be this fucking hard!

"Ano ba 'yan Yohana! Chest out!" Sigaw ni Kim. Napanguso ako, literal na chest out ba? Wala ako n'on!

"Paanong chest out? Wala namang dibdib 'yan!" Pang-aasar ni Thiara.

I glared at her. Kung hindi ko lang kaibigan 'to baka sinambunutan ko na siya.

"Shut up." Mariing sabi ko. Nginisihan niya ako.

Napakamot na lang sa kilay si Kim at nilapitan ako. Nilapat ang kamay sa likuran ko at marahang tinulak ito para umangat ang dibdib ko.

"Ganyan, jusko ka." Nakukunsimisyong sabi niya.

Susuko na talaga ako. Unang araw pa lang nang practice ko pero sumasakit na ang katawan ko, lalo na ang paa dahil sa pagsusuot ng matataas na sapatos.

"Go walk!" Istriktang utos ni Kim, siya ang nagtuturo sa akin kung paano maglakad ng maayos. Naging Ms. Campus kasi siya dati at model din kaya siya ang napiling magturo sa akin. Nagvolunteer siya bilang trainer ko dahil ayaw raw niyang manalo ang dalawang section, bukod sa gusto niyang manalo kami ay ayaw niya rin sa mga kandedata ng dalawang section.

"Dapat ikaw na lang Ki---"

"Yohana! Walk!"

Napanguso na lang ako at nagpatuloy sa paglalakad.

"Put class on your walk, Gosh! Matutuyuan ako ng ihi sa 'yo."

Napakagat labi ako. Nilagyan ng medyo landi ang paglalakad ko. Hindi ako sanay!

"Kendeng-kendeng ka raw!" Sigaw ni Thiara.

"Manahimik ka nga Iyara!" Inis na sigaw ni Kim. Maldita talaga 'yan kaya hindi kami nagkakasundo minsan, pero mabait naman kahit papano---

"Oh my God!" Napatampal siya sa noo niya. "Ganito! Ganito Yohana! Look at my poise! Look at my smile! Look at me!"

Oo, mabait naman siya. Huwag lang gagalitin.

Naririnig ko pa ang pagkanta ni Thiara, wari'y natutuwa sa napapanood.

Kung hindi lang medyo maliwanag pa sa labas ay iisipin kong inaantok lang siya.

"Bukas ulit. Magpaalam ka sa papa mo, ikaw rin!" Paalala ni Kim sa amin ni Thiara. I smiled and nodded.

"Maaga ata uwian bukas, okay lang sa akin. Papasundo na lang ako kay Papa tapos ihahatid namin kayong dalawa."

"Thanks for the offer, Iyara but I have my car." Hindi naman nahihimigan ang pagmamayabang niya.

Tumawa si Thiara. "Syempre pakitang tao lang ako."

Kim shook her head. "Loka. But anyway, may sundo ba kayo ngayon? Biglaan 'tong practice natin eh."

Umiling ako. Umiling din si Thiara.

"Okay, ihahatid ko na kayo." She smiled genuinely. Ganda talaga nito.

"Nako nakakahi---" Thiara cut me off.

"Sure baby Kim! Alam mo namang igagrab namin 'yan. Minsan ka lang mag-offer kaya gora kami!"

Napailing-iling ako, nahihiya sa inasta ng kaibigan.

"Ang sabihin mo, gusto mong masilayan si Kael." Natatawang sabi ko. Kasabay kasing umuwi si Kael at Kim, they are siblings.

"Hala!" Kunwaring nagulat niyang sabi. "Hindi ko alam ha!" Namumulang sabi niya.

"Lelang mo." Bulong ko sa kanya.

Nauna nang maglakad sa amin si Kim. Kami naman ay nag-aasaran ni Thiara.

My Possessive Playboy [Saldaviga Series #3] CompleteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon