XVIII

744 20 2
                                    

Umagang-umaga bad mood ako. Kakalabas pa lang ng apartment namin ang pangit nang bungad!

"Good morning, Wifey." Nakangising bati ng babaero. I rolled my eyes. Pumara ako ng tricycle, hindi pa man nakakahinto ay pinatigil na ito ni Isaac at sinabing hindi kami sasakay. Aba! Malelate na kami!

"What the heck is your problem?" Mariing tanong ko nang padabog ko siyang lapitan. Bored ba 'to?

"I don't have one. Why? Is it bad to fetch my wife---"

"Oh for God's sake! Huwag ka na nga'ng magpanggap! Alam ko namang biro mo lang 'yon. At ayoko na, binabawi ko na ang pagpayag ko." Nakukunsimisyon kong sabi.

"You can't break that, you already agree---"

"At hindi ko naman alam na makikipaglampungan ka pa rin sa mga babae mo kapag pumayag akong maging girlfriend mo!" Hindi ko na napigilang sabihin. Umagang-umaga, binabadtrip ako.

Ang gulat niya kanina ay napalitan ng ngisi. I licked my lower lip and slapped my forehead.

"Pinagdadamot mo ba ako, Wifey?" Nanunudyo niyang tanong.

Inambaan ko siyang susuntukin.

"Mukha bang pinagdadamot kita? Ayoko lang na maraming nag-uusap tungkol sa akin."

"Matagal ka nang bukambibig ng campus, Wifey, ngayon ka pa nabahala kung kailan inalok kitang maging girlfriend?"

Humugot ako nang malalim na hininga at mariin siyang tiningnan, seryoso ang tingin ko kaya nagseryoso rin siya. Hindi naman kasi biro 'to eh! Katahimikan ko ang pinag-uusapan tapos kung makapagsalita siya parang ayos lang.

"Okay fine." Tinaas niya ang dalawang kamay, surrending. "Inalok kita na maging girlfriend 'di ba? You agreed. Wala na tayong problema roon. Second, I told you I will fetch and send you home. Third," huminto siya at salubong ang kilay na tumingin sa akin. "Girlfriend kita." He huskily said.

"I regret," I said shaking my head. "Bakit ba kasi pumayag ako?" I asked myself. "Binabawi ko na. Kahit ano na lang ipagawa mo sa akin, huwag lang ang maging girlfriend mo."

"That's the only one I can offer, Wifey---"

"And stop calling me Wifey!" I cut him off.

I rolled my eyes. Nilapitan ko ulit ang mga kapatid kong nagtataka sa inasta naming dalawa ni Isaac.

"Kiddos, ihahatid kayo ni Kuya Isaac sa school. Hop in!" Sigaw niya agad at kinarga si Yaine na nagtataka pa rin pero ngumiti rin.

Umiling-iling si Yeji. "Siraulo ba 'yang manliligaw mo Ate Yohan? Parang may saltik eh."

Nginiwian ko si Yeji. "Oo ata. At hindi ko manliligaw 'yan."

"Mas okay naman siya kaysa kay Kuya Oscar. Mukha namang hindi ka pinilit na manligaw siya." Nakangising sabi ni Yeji at pumasok na sa kotse ni Isaac.

Hindi pinilit? Haler!

"Yeji," tawag ko sa kapatid pero hindi niya ako pinansin, patay malisya nitong inaayos ang buhok ni Yaine. "'Yong sinabi mo kanina, mali ka roon."

"'Yong siraulo siya?" Kalauna'y tanong niya habang nag-aayos pa rin sa buhok ni Yaine.

Napatingin ako kay Isaac, mabuti na lang at hindi nito nakuha ang ibig sabihin ni Yeji. Seryoso lang ito habang nagdadrive.

"'Yong last na sinabi mo."

Nagtataka niya akong tiningnan. "Ate Yohan, choosy ka pa ba?" Natatawa kunwari niyang tanong.

Pinandilatan ko siya ng mata. Dose anyos ba talaga 'to?

"Hindi ko siya type."

"Sus kunwari ka pa." Nanunudyong sabi nito at nginiwian ako.

My Possessive Playboy [Saldaviga Series #3] CompleteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon