VI

1.1K 32 4
                                    

"Tama na. Hindi naman siguro sinasadya ni Kael 'yon."

Yakap-yakap ko si Thiara habang umiiyak.

"A-ayaw ko na...nakapapagod siyang mahalin. G-gusto ko lang namang iparamdam sa kanya na m-mahal ko siya 'di ba? Bakit...bakit niya ako sinabihan ng ganon?"

"Shh..."

"Desperada na ba talaga ako?" Humahagulgol niya na tanong.

"Hindi ba pwedeng manligaw ang babae sa lalaki?" Dugtong niya.

Napabuntong hininga ako. "You know it will put you in judgement right? Alam mo naman ang mga Pinoy."

"P-puntahan ko kaya siya? Hintayin kong sabihin niyang joke lang 'yon?"

"Thiara." Saway ko at inilayo siya sa akin.

"K-kasi Yohan... ang sakit niyang magsalita..."

***
THIRD PERSON'S POV

"Uy Kael babes!" Bati ni Thiara nang mamataan si Kael na kakababa lang ng sasakyan nito. Hindi na niya naabutan si Kim kaya si Kael ang pinagtuonan niya ng pansin.

"Magandang umaga." Nakangiting bati ng dalaga. Hindi siya pinansin ng binata kaya tinabihan niya ito. Hinarangan at nginitian ng pagkatamis-tamis.

Iritasyon naman ang mababasa sa mata ng binata.

"Suplado talaga ng crush ko. Baka naman isang goodmorning din diyan?"

Hindi siya pinansin ng binata kaya hinawakan niya ang kamay nito. Akala niya ay hahayaan lang siya nito dahil hindi naman siya nito pinapansin pero hinaklit nito ang sariling kamay at tiningnan siya ng masama.

Nagbulong-bulungan ang mga estudyante sa paligid kaya napapahiyang nagbaba ng tingin ang dalaga.

"Can you stop following me? You know it's not good for a woman chasing a man who do not have any interest in her, right?"

Natigilan ang dalaga pero ngumiti rin. "Kahit pa hindi good, okay lang crush! Basta ikaw ang hinahabol-habol ko wala akong pake kung bad or good pa ya---"

"God woman! Stop it. Hindi ka nakakatuwa. You're too desperate to get my attention."

Napatitig niya sa mga mata nito. Wala siyang nakitang pagsisisi roon, wala ni isang bakas.

Nangilid ang luha niya at umiwas ng tingin sa binata, tumawa siya nang mahina.

"D-desperada?" Natatawang tanong ng dalaga. Nasaktan sa nalamang tingin sa kanya ng binata. Ipinapakita lang niya ang nararamdaman niya, ipinaparamdam lang niya.

Hindi na ito umimik at iniwan siya sa gitna ng hallway. Nagbulungan ang mga estudyante, nilalait at kinakantyawan siya dahil sa ginawa ng binata.

"A-ang sakit non ah. Tagos..." nakayuko niyang bulong at naglakad na papuntang room. Pagpasok ay sinalubong niya ng yakap ang kaibigan.

[END OF POV]
***

"Shh. Mabuti na lang at wala tayong Prof ngayon. Bakit naman kasi ayaw mong tumigil sa kanya? Marami ka namang crush diyan." Pag-aalo ko. Tinitigan niya ako sa mga mata bago umiyak ulit.

"Marami nga, siya lang pinakamatagal at natutunan ko na siyang mahalin!"

Napabuntong hininga ako.

"Bakit ikaw? Ganyan ka rin naman dati kay---"

Tinakpan ko ang bibig niya. "Ano ka ba?! Past is past. Tangang-tanga lang ako sa kanya dati pero natauhan na ako!" Agad kong sabi.

"Sus! Nalaman mo lang na 'yong Saldaviga 'yong gusto, inayawan mo na?"

My Possessive Playboy [Saldaviga Series #3] CompleteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon