XX

804 25 0
                                    

"Nga-nga." Malambing na sabi ni Isaac habang nasa library kami. Palihim niya akong sinusubuan ng gummy bear.

Nginusuan ko siya at ngumanga. Seryoso niya akong tinitigan. Tinaasan ko siya ng kilay at tinigil ang pagbabasa.

"Ano? Ba't ganyan ka makatingin?"

"Ang ganda mo." Kalauna'y ngumiti siya, namumula pa ang dalawang pisngi.

"A-ano? N-nakailang sabi ka na niyan ngayong araw? Ano ka ba!" Nag-init ang pisngi ko dahil sa sinabi niya.

Nakakainis. Ilang beses na niya akong sinasabihan ng maganda pero ganito pa rin ako kung magreact! Hindi ko nga alam kung nagbibiro lang siya o ano.

"Bakit ba ang ganda mo?" nakakunot noo na niyang tanong na para bang sinisisi ako sa tono niya.

Inirapan ko siya at pinagpatuloy ang pagbabasa.

"Isaac, could you please stop staring at me?" Iritang tanong ko habang nakadukdok pa rin sa libro. Ramdam na ramdam ko kasi ang mabibigat niyang titig.

"Focus on your book, wifey. I am not distracting you, am I?"

Bumuntong hininga ako at tinuloy ulit ang pagbabasa, isinasawalang bahala ang paninitig niya. Matapos kong magbasa sa library ay inaya ko na rin siyang umuwi.

"Nasundo na raw sa school ni Tito Kaloy ang mga bata kanina." Sabi ko habang kinakabit ang seatbelt.

"Lagi na lang kitang nasosolo, type mo na ako 'no?"

Dagli akong natahimik at namumulang tinuon ang paningin sa labas ng bintana.

"H-hindi ah." Tanggi ko. Narinig ko ang mahinang tawa niya.

"Tsk." Asik niya habang nagdadrive. "May gusto ka pa rin sa maputlang lalaki na 'yon?" Natatawa niyang tanong pero tunog sarkastiko.

"Sinong maputla?" Nagtatakang tanong ko. Kung si Lance man ang tinutukoy niya, para siyang tanga, hindi naman maputla tawag doon.

"Ewan ko, ilan ba nagustuhan mo dati?"

"Isa lang." Nakanguso kong sagot.

He hissed. "Eh di 'yon!"

"Oh ba't ka sumisigaw?" Nakangiwi kong tanong.

"Malakas tugtog."

"Hindi ka nagpapatugtog, imbento ka."

"Ano na? Gusto mo pa rin ba 'yon?"

Nagkibit balikat ako. Hindi ko na rin alam eh. Hindi ko na ulit nakikita sa campus. Hindi ko na rin alam kung may nararamdaman pa rin ako sa kanya o nag-end na magmula nong nalink ako kay Oscar.

"Nanliligaw sa kapatid ko 'yon eh. Kaya ba hindi naging kayo?"

"Wala eh, talo ako sa kanya." Natatawa kong sabi, wala akong maramdaman kundi tuwa kapag naalala ko ang kagagahan ko.

Hindi siya umimik.

"Ganda ng kapatid mo, mabait, mahinhin, mayaman at halos nasa kanya na lahat."

"What? Are you comparing yourself to my sister? God, Yohana you two don't need to be compared. Both of are beautiful in your own way, so stop it." Seryosong sabi niya.

I gulped. Matamis talaga ang dila ni Isaac, kaya maraming nahuhulog eh.

Natahimik ako. Marahang pinaglaruan ang mga daliri at ngumuso. Nakakainis, ang daming nagkakagusto sa kanya dahil sa mga sinasabi niya.

Nakagat ko ang labi ko nang huminto kami sa 7/11, bumaba siya at walang paalam na umalis. Wow ha.

"Bakit ba kasi...ganito?" Naibulong ko habang hawak-hawak ang dibdib ko. Kung nakakapagsalita lang 'to, malamang maririndi na ako sa pangalang nilababas. Kainis...

My Possessive Playboy [Saldaviga Series #3] CompleteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon