XIII

835 21 2
                                    

"Hindi naman ganoon ang plano eh!" Reklamo ni Thiara nang nagpunta ulit kami kina Kim. Naging tambayan na namin ang bahay ni Kim dahil lang sa akin. Hays. Ang daming nadadamay.

Una si Thiara, alam ko namang madadamay at madadamay talaga siya dahil bestfriend ko siya.

Pangalawa, si Kim at Kael na ang hangad lang sana ay ihatid kami pauwi ni Thiara last month.

Pangatlo, si Isaac na naging target para maging ama 'kuno' nang pinagbubuntis ko. Hindi ko alam kung tuloy pa ang planong iyon kung iba ang sinabi ni Isaac.

"Wala kang mapapakitang marriage certificate Isaac!" Si Kim na halatadong namomoblema.

Hindi umimik si Isaac at prenteng nakaupo lang sa tabi ni Kael at tabi ko.

"Bakit kasi iyon ang sinabi mo?" Ako ang mas problemado dahil hindi ko alam kung anong magiging resulta nang nangyari kanina.

"Natutuwa ako sa reaksyon niya." Wala lang sa kanya na sabi niya.

My brows met. "Natutuwa? Galit na galit Isaac!" Tumawa ako ng sarkastiko.

"The way he shouted that you're his girlfriend. Damn!" Tumawa siya at marahang sinampal ang noo.

Mas lalong kumunot ang noo ko. Baliw ata 'to.

"Hindi totoo 'yon. Pero walang nakakatuwa roon Isaac!"

"Wala? Hindi ka ba natuwa?"

"Hindi! Mukha bang nakakatuwa 'yon? You know what...nasira mo ang plano!" I shouted.

"Nasira? Pwede pa namang ituloy ang plano 'di ba?"

"Paano? You said you're already my husband and that's not how it should start! Dapat sabihin ko munang buntis ako para hindi na niya ako mabawi sa 'yo. Tapos saka pa lang sasabihin na magpapakasal tayo dahil buntis ako. Ganoon Isaac!"

Ang gulat sa mukha niya habang nagsasalita ako ay napalitan ng hindi ko mapangalanang expresyon.

"Para hindi ka mabawi sa akin?" Nakasalubong na ang kilay niya kaya napatitig ako sa kanya na may gulat na nakapaskil sa mukha ko.

Nakarinig ako ng tikhim kaya namumula ko iyong tiningnan. Si Kim na may nanunuyang tingin, she raised her brow.

"H-hindi sa g-ganoon...m-mali ang iniisip niyo." Nahihiya kong sabi, ramdam ko ang init sa pisngi ko.

"You're right. Dapat hindi ka na niya mabawi sa akin." Seryosong sabi ni Isaac, ramdam ko ang titig niya pero pinanatili kong nasa cookies ang paningin ko.

"M-mali kasi ang ginawa mo." Giit ko pa, binabalik sa unang pinagtatalunan ang usapan.

"I know, but we can shuffle it. The fact that I already said that you are my wife, then let us be it. After that we can give him the proof of our marriage. If he has a say about it, you'll tell him you're pregnant. And that's it." Parang nagkikipag negotiate na sabi niya.

I sighed. Nahihiya pa rin sa pinagsasabi kanina. May matino naman pala siyang plano. Bakit hindi ko naisip 'yon?

"How about your marriage contract?" Napatingin ako kay Kael, pinaglalaruan nito ang hintuturo.

"I can ask for help from Kuya Florenz."

"Kay Florenz?" Tanong ni Kim.

Isaac nodded. "Yes. He can help me about that."

"PT?" Thiara asked.

"Meron na ako. Dalhin mo na ngayon dahil baka inaantay ka ni Oscar sa inyo." Si Kim.

"Hala! Loka ka! Baka mabugbog ka ng papa mo---"

"What..." Gulat na tanong ni Isaac napaayos siya ng upo.

My Possessive Playboy [Saldaviga Series #3] CompleteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon