Chapter 35

910 25 2
                                    

I yawned when I woke up. Umunat ako habang nakapikit. Ang sarap ng tulog ko. Ang lambot pa ng kama ko, kakapalit ko lang ata nito kahapon, did I bought a new bed?

Agad na rumehistro ang sakit sa ulo ko at agad napasandal sa head board ng kama. I groaned. Aray naman! Sinong tangang iinom ng alak tapos ay hindi pala kaya? Ayaw pala ng hang over?

Ayos ka lang Yohana? Sana ayos ka lang.

"Inom pa."

Naidilat ko ang mga mata ko at agad napawaang ang labi. Bakit andito si Isaac?

"B-bakit ka nandito?"

He raised his brow and smirked.

"Bakit? Anong pake mo kung andito ako?"

Napalunok ako. "A-ahh...kasi c-condo ko 'to?"

"Really?" Natatawa niyang sabi at iginala ang paningin. Nanlaki ang mata ko ng ginaya ko ang ginawa niya.

"W-wala ako sa condo!!" I burst and hit my forehead. Gaga!

"Oh, really?" Amusement written on his face, he's like mocking me.

Ngumuso ako at agad na ininom ang nakitang gamot sa side table. Natigilan pa ako saglit ng mahagip ng paningin ko ang picture frame sa table na 'yon. Pero hindi ko na pinansin...dahil baka mag assume na naman ako. Ayoko ng masaktan, walang meaning 'yon.

"U-uuwi na ako." Agad kong sabi at tumayo, ininda ang kirot ng ulo.

"Go on." Malamig niyang sabi. Napalunok ako at umiwas sa tingin niyang madilim.

"H-have you seen my pouch?" Iginala ko ang paningin ko, it is the same room where I slept last last night.

"Baka naiwan mo sa boy friend mo." He shrugged but the coldness in his voice was evident.

"H-huh?" Nagtataka kong tanong. I closed my eyes and forced myself to remember everything that happened last night.

Napakagat labi ako ng maalala ang kabaliwan ko kagabi at ang nangyari sa kotse niya...O-okay!

Namula ako, sana hindi niya ako tanungin tungkol doon dahil...hindi ko alam kung kaya ko bang iopen up pa iyon! Nakakahiya!

"Tsk!" Inis na sabi niya at padabog na binuksan ang closet na nasa may tabi niya. Kumuha siya ng nakahanger doon at hinagis sa kama. "Change your closthes." Malamig na utos niya at pabalang na lumabas, lumikha ng malakas na tunog ang pagsarado niya ng pinto na ikinaigtad ko.

"Dahil kaya sa nangyari kagabi kaya siya beast mood? Hindi niya siguro ginusto 'yon..." natawa ako ng mapakla.

Right, isipin mo na lang na wala lang 'yon. Dahil isang babaero iyon, wala lang din sa kanya 'yon. Baka nga mas malayo pa sa narating namin kagabi eh.

Matapos kong maglinis at magpalit ng damit ay napatitig ako sa full mirror. Napangiti ng mapait.

Ni hindi ko na maalagaan ang sarili ko dahil sa trabaho at nakakapagpahinga lang kapag day off tapos naglalasing pa...jusko Yohana, tapon mo na utak mo.

"Eat now." Isaac said while sipping on his coffee without glancing at me. I nodded even though he don't mind to what my respond is. Bahala siya huh. Pasalamat siya at masakit ang ulo ko.

Pagkatapos kong kumain ay agad kong hinugasan ang pinagkainan ko.

"Do you have something to do this day?"

Napatingin ako sa relong pambisig. Magtatanghali na baka naiistorbo ko na siya.

"I will visit Leo---I mean..." natigilan ako ng ituon niya ang paningin niya sa akin habang dahan dahang ibinaba ang news paper na binabasa. His jaw clenched and put the news paper down with forced. "Kukumustahin ko lang, binugbog mo kagabi eh."

My Possessive Playboy [Saldaviga Series #3] CompleteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon