Chapter 29

731 20 2
                                    

"Naks naman!" Sigaw ni Thiara at malakas akong pinalo sa braso.

Sinamaan ko siya ng tingin pero tumawa lang ito.

"Ano? Mamaya sa amin?" Biglang aya niya.

Napatitig ako sa kanya. It's our last day being a student at bukas ay rarampa na kami sa stage bilang magtatapos.

Hinaplos ko ang braso ko dahil sa pagpalo ni Thiara roon. Alam niya raw kasing dean's lister na naman ako.

"Kasama sina Kim?"

"Y-yes. Pwede naman..." namula ang pisngi nito at marahang inayos ang buhok paipit sa tenga niya.

"Landi mo."

Kinikilig niya akong pinalo ulit sa braso, mapanakit talaga bwesit.

Pagkatapos nga ng praktis namin ay umuwi muna kami upang makapunta kina Thiara.

"Iiwan ko sana ho ulit sina Yaine at Yeji, Tita." Nakangiti kong sabi sa Landlady na halos araw araw na atang tumatambay sa bahay dahil nga malapit na ito sa amin, parang nanay na namin siya.

"Aysus, wala namang problema iyon. Sa katunaya'y pabor sa akin iyon at makakasama ko ang dalawang ito." Kinandong nito si Yaine at hinaplos haplos ang buhok.

"Sobrang thankyou ho talaga. Ang laki po ng naitulong mo sa am---"

"Nako aba'y huwag mo ng ibanggit pa't hindi naman labag sa loob ang pagtulong ko. Mag-iingat ka roon, inom lang ng katamtaman at baka kung anong mangyari sa iyo. Sabihan mo iyong magandang madaldal na kaibigan mong huwag masyadong magpa-inom."

Lumapit ako sa kanya at niyakap siya ng mahigpit.

"Sobrang sobrang...thank you ho."

Naramdaman ko ang pagyakap din sa akin ni Yaine at ni Tita. They both hugged me like I will leave their for too long.

Matapos ang dramahan namin at habilin ni Tita ay lumabas na rin ako. Napangiti ako ng makita si Isaac. Nakasimpleng white v-neck lang siya at pants tas converse na shoes. Napakagat labi ako at hinalikan siya sa pisngi.

"Hi Handsome!" Bati ko ng pagbuksan niya ako.

He chuckled and shuffled my hair. "Good evening my beautiful wife."

Namumula kong tiningnan siya habang naglalakad papuntang kabila. He then laughed when he entered.

Nakarating kami kina Thiara na puro landian. Sinalubong kami ng naglalandiang Kim at Zion, ah yes, nagkabalikan si Zion at Kim. I don't know how they fixed their relationship again, but I'm happy for the both of them. Nasa may kabilang upuang kawayan naman si Kael at Thiara na mukhang seryoso ang usapan tapos ay bigla na lang hinampas ni Thiara si Kael sa hita.

Natigilan lang ako ng may mapansing mga bagong mukha na lumabas galing bahay nila Thiara. Nasa may labas kasi kami, may mga kawayang upuan at may table na tabla kaya rito nag ayos sina Thiara as she said kanina.

"Oh Brixx, maupo kayo." Aya ni Thiara sa lalaking nakahead phone at nagsesenti ata.

Umupo kami ni Isaac sa may tabi nila Kim. Ako ang katabi ni Kim at sa kanan ko naman ay si Isaac.

Nasa tapat ko ang lalaking nakahead phone at nakatitig sa akin ng seryoso. Anong problema nito?

"Kakilala mo?" Bulong sa akin ni Isaac. I shook my head. Ngayon ko lang sila nakita, siguro mga pinsan ni Thiara?

At ayon nga, pinakilala ni Thiara. Iyong mga babae ay todo kung makatitig kay Isaac na akala mo'y hindi ako kita sa tabi! Excuse me? Asawa ko 'yan.

My Possessive Playboy [Saldaviga Series #3] CompleteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon