Chapter 34

824 24 3
                                    

[WARNING: If you are 18 years old and below, please be reminded that it's not for you...pero bahala ka sa buhay mo, alam ko namang itutuloy mo 'yan. Bahala ka. K.bye! RATED SPG!]
.
.

"You mean, doon na nagtatrabaho si Pogi?"

I nodded at Thiara. Dahil nga day off ko, andito ako sa bahay nila dahil day off niya rin, it's saturday.

"Ay gaga! Tapos nakatulog ka sa condo niya in one night?"

I nodded again. I know, I became reckless. Pero ayaw nga niya akong pauwiin. Okay...dahil pinilit niya akong doon na lang matulog, oo na, marupok na.

"Gago ka talaga!" Malakas na bulalas niya at binato ako ng unan.

"Mommy! Bad!"

My eyes widened when Aikera went to me and kissed my arm where the pillow landed.

"Bad mommy!" Sigaw ng apat na taong gulang na bata at ngumuso sa mommy niya. Natatawa kong tiningnan si Thiara na umiirap irap sa akin.

"Palitan mo na lang ako anak! Palitan mo na lang ako!" Madramang sabi ni Thiara at niyakap ang unan. "Huhuhuhuhu!" Pamemeke niya sa iyak niya.

Agad namang umiiyak na lumapit ang bata at niyakap ang mommy niya. Napailing iling na lang ako habang tumatawa.

"Buang." I whispered and stared at them. Para silang mga bata na kakabati lang.

Afterwards, dumating din si Kael na may dala dalang pagkain ng bata. Napagpasyahan din namin ni Thiara na lumabas kasama ang iba, well kaming anim to be exact, kasama si Zion at Kim. Ang bata? Iiwan ni Thiara sa Mommy nila Kael.

"Mommy, I'm a big girl na po. I can stay at Mommy La's house." Nakangusong sabi ng bata.

Nagkatinginan ang mga magulang nito.

"You're a big girl na, kaya dapat magkaroon ka na ng little broth---"

Tinakpan ni Kael ang bibig ni Thiara kaya hindi naintindihan ng bata. Umiling iling ang bata at iniwan kami sa baba. Makalipas ang ilang minuto ay bumaba itong may bitbit ng plastik.

"What's with that cellophane, Aikera?" Nagtatakang tanong ni Kael.

"This is not a cellophane, daddy, it is bag. My bags are not yet cleaned so, I used this."

Napatanga kami. Wow, ang talino.

"Chryne told me about that, tho, I think it's nice."

Natigilan ako. "Chryne?"

Tumango ang bata sa akin. "Opo Tita. Chryne is my playmate in our school, he likes me as he said yesterday---"

"He what?!" Nagugulat na tanong ni Kael.

"Like me?" Naguguluhang sagot ng bata.

Hinawakan agad ni Thiara ang braso ni Kael at pinigilan ito sa kung anong gustong gawin.

"Like me to his sister, why daddy? You look upset?" Nag aalalang tanong ng bata at agad lumapit sa daddy niya at yumakap.

***
"Sino ba single diyan?" Pang aalaskala ni Thiara habang nasa isang table kami ng mga kakilala rin namin sa loob ng Bar.

Napailing iling ako habang tumatawa. Nangbubugaw na naman.

"Ako!" Taas kamay ni Leo.

"I'm single, Thiara." Pag amin naman ni Kino.

"Ako rin!" Singit ni Brixx.

I laughed and shook my head.

"Mga sira. Ayoko pang mag boyfriend."

My Possessive Playboy [Saldaviga Series #3] CompleteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon