XXI

722 20 0
                                    

"I need a break!" Tili ni Thiara habang nasa cafeteria kami nina Kim at Kael (together with his girlfriend).

Hindi ko ramdam ang awkwardness kasi hindi naman pinapansin ni Thiara si Kael. It's good naman kasi ayoko rin na umupo kasama sila na parang aso't pusa kung umasta.

Kim rolled her eyes. "First subject pa lang bobo. Break agad?"

"Uy gago, nagisa utak ko roo—"

"Hindi ka kasi nagreview."

"Bakit pa magrereview?"

"Ayaw mong pumasa?"

"Gusto naman. May 4th year pa naman, saka Second sem." Bumulalas ito nang tawa na para bang wala ang kinababaliwan niya noon(?) dito.

"Anyway, hi!" Bati ni Kim sa babaeng kanina pa nanonood sa kanila.

The girl smiled sweetly. "Hello, ate Kim."

"Oh!" Bulalas ni Kim. "Just Kim, I don't want to be called ate."

"O-okay. I'm Wena." Pagpapakilala niya.

Inirapan ito ni Thiara. Kahit alam niyang mapapatingin sa kanya, jusmisyo 'tong babaeng 'to.

"I'm Yohana." Nakangiti kong bati pero umismid muna ito bago ako nginitian ng peke. Aba't—bruhang 'to.

"Plastik." Biglang sabi ni Thiara. Pinandilatan ko siya ng tingin. "Oh bakit? Totoo naman ah. Dukutin ko pa mata niyan eh." Matapang na sabi nito.

I slapped my forehead, I also hear Kim chuckles and I saw Kael creased his forehead.

"Thiara," Saway ni Kael. Tinaasan siya ng kilay ni Thiara.

"Oh bakit? Huwag mong sabihing hindi mo nakita ang pag-ismid at pag-irap sa amin? Oh c'mon Kael, huwag kang magbulag-bulagan." Sarkastikong sabi ni Thiara.

Alam kong mabunganga talaga siya pero bakit naman papatulan niya pa 'tong girlfriend ni Kael? Bitter pa rin ba siya?

"Honey," malambing na sabi ng babae at nakangusong kinapit sa braso ni Kael ang kamay niya. "Hayaan mo na sila, baka ayaw lang nila sa akin." Mas lalo itong ngumuso.

Nagkunwaring nasusuka si Thiara. I looked away, gusto kong tumawa! Kim laughed and hit me. God! Mapanakit talaga 'to.

"Parang gago ampotangina." Biglang sabi ni Thiara, walang hiyang babae 'to, wala talagang maitatago rito.

"Thiara, what the fuck is your problem?" Inis na tanong ni Kael at hinatak patayo si Wena.

Sumandal si Thiara sa upuan niya at natatawang tiningnan si Kael.

"Ang cheap mo naman Kael, pumupulot ka ng mga babaeng patapon ang ugali."

Nagtagis ang bagang ni Kael at sarkastikong ngumisi.

"What do you call to your action then? Aren't you referring to yourself, Thiara Mich?"

Nag-isang linya ang labi ni Thiara at seryosong tumayo. She even nodded.

"Right," She nodded again. "Thank you for reminding me, Kael. Napakalaking tulong sa akin. Mabuti na lang at pinaalala mo ngayon. The heck..." tumalikod na ito at patakbong umalis. Agad kaming tumayo ni Kim at sinundan si Thiara. Naabutan namin siyang may kausap na lalaki kaya nagkatinginan kami ni Kim.

Tumalikod na kami ni Kim at natigilan kami nang makitang nasa may 'di kalayuan si Kael, hindi niya kasama ang girlfriend niya.

"Interesting!" Biglang sigaw ni Kim at parang bata niya kong kinaladkad paalis ng cafeteria.

My Possessive Playboy [Saldaviga Series #3] CompleteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon