Chapter 26

751 21 3
                                    

"I still can't believe she did that!! Ipinatapon ko siya sa labas! How dare her?!" Nanggagalaiting sigaw ni Kim habang inaalo siya ni Kael.

Thiara rubbed her hand on my back. Hinahabol ko pa rin ang hininga ko.

"Kung hindi kita sinagip, malamang malamig ka na ngayon!! Tanginang babae 'yon! Akala ko pa naman hindi siya makakagawa ng karumaldumal!" Dugtong niya pa.

Siya ang nagligtas sa akin. I almost died! Kung hindi lang dahil sa pag CPR sa akin ni Doctor Kiel, patay na ako.

"Sinambunutan ko rin, don't worry." Gatong ni Thiara.

Napasandal ako sa upuan. Tangina, hindi na sana ako humihinga ngayon.

"Napikon mo ba?"

Marahan akong umiling. Yung sa hindi ko pagkibo ba kaya niya ako tinulak? Bakit? Anong gusto niya? Bungangaan ko siya?

"Argh!!" Inis na sigaw ni Kim at halos mapatalon ang mga nanonood sa amin. Naigala ko ang paningin ko. Hindi ko na nakita pa si Isaac. Ewan ko... nag-assume na naman akong siya ang magliligtas sa akin... kasi diba? Para ko na rin siyang Knight-in-Shining-armor ko? He saved me a lot of times.

"Pwedeng kasuhan si Grethel." Seryosong sabi ni Kael.

I shook my head. Naiisip ko pa lang na may makukulong at masisirang kinabukasan para sa akin ay nagiguilty na ako. Ayokong makasira ng kinabukasan ng iba. I know... nagawa niya lang 'yon dahil sa galit.

Well to speak out honestly, half of me wants Grethel to put in jail but...she have a power, her family has. Hindi ako pwedeng magpadalos dalos.

"Why not?! She's a criminal!"

I shook my head again, my eyes watered.

"Hindi ko k-kaya...talo a-ako...matatalo a-ako."

Naiiyak akong niyakap ni Kim at Thiara. I know...I can feel their sympathy for me.

"Tangina." I heard her cursed again.

Tiningala ko si Kael ng mabilis itong umalis sa back yard.

Tumayo rin si Thiara at tinapik si Kim bago umalis. Nagtataka kong tiningnan si Kim.

"Papakalmahin niya lang si Kael, galit na galit kasi kanina. You know...parang kapatid ka na namin."

I sighed and sniffed. "H-hindi ko alam kung bakit pinapahirapan ako ng ganito...how bad am I?"

"Bitch, you're not bad, it is just... the world is against on you..." she whispered.

Matapos kong maiyak sa yakap ni Kim ay tinawagan ko ang landlady ng apartment namin at sinabi naman niyang okay at tulog na ang mga kapatid ko kaya napanatag ako.

"Huwag kang mag-alala anak at tulog silang dalawa. Oh siya at mag-iingat ka riyan, balitaan mo ako't dito ako matutulog."

Napangiti ako. "Opo. Ingat din po kayo riyan. Pasensya na ho sa abala."

"Ereng batang ere, wala iyon. Basta ay narito lang ako kapag kailangan mo ng kasama para sa mga kapatid mo. Ako'y one call away la-ang." Biro pa nito.

I chuckled. Nakakalambot naman ng puso. Kung sino pa 'yong mga hindi mo kadugo iyon pa ang nagpaparamdam sayo ng importansya at halaga.

Matapos ang tawag ay niyakap agad ako ni Thiara. Magang-maga ang mata niya kagaya namin ni Kim.

Nanginig ang labi ko. Napakaswerte ko sa mga kaibigan.

"Gago, wag kang iiyak..." banta niya habang gumagaralgal ang boses.

"Bitch, nahiya naman kami sayo na humahagulgol na riyan." Mataray na sabi ni Kim pero halata ang nginig sa boses, niyakap niya rin ako.

My Possessive Playboy [Saldaviga Series #3] CompleteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon