Chapter 40

1.2K 30 2
                                    

"Stop it. Hindi nga, niloloko ka lang non." Inis kong sabi kay Doc Cholo dahil pinagpipilitan niyang nanliligaw nga sa akin si Isaac.

"Hindi joker si Doc." Umiling iling ito, nang aasar pa rin.

Nakasimangot kong inalis ang tingin sa ginagawa at tiningnan si Cholo nang nakataas ang kilay.

"Do you really think he'll court me, when he have a girlfriend, Doc?" Bahid na ng inis ang boses ko. Well, bitterness is evident.

"Girlfriend? Sino naman? Si  Jeita?"

I rolled my eyes. "Yes, exactly. So stop pushing what he joked on you."

"Eh nilalandi lang ata siya non eh. Pero mukha ngang may something, well, I don't know."

"Chismoso mo."

"Hindi ah. Medj lang sis." He joked and chuckled.

Napangiwi ako. "At ikaw, 'wag mo akong pagtripan tungkol sa panliligaw mo sakin." Inirapan ko ito.

"To tell you honestly, crush kita." Walang hiya niyang sabi at kinindatan pa ako ng walang hiya.

"Baliw. Hindi 'yan."

"Mas marunong ka pa? Ikaw na lang mag ako sis."

I chuckled. "Ako lang kasi nakakausap mo ng matino 'no?"

"Siguro, saka ikaw lang yung walang pagnanasa sa aki---"

"Bunganga mo naman."

"Totoo naman, sa taglay kong kagwapuhan ikaw lang ang hindi nahuhumaling. Anong secret mo?"

"May mahal na ako. Kaya wala akong pake sayo." Prankang sabi ko.

Hinawakan niya ang dibdib niya na parang nasaktan. Inirapan ko siya.

"Sino naman 'yon? Kilala ko ba?"

I shrugged. I don't want to tell him the name because he'll probably freak out. And I don't have a reason to tell him tho, I know to myself that even I accepted the fact that I still love Isaac, I can't tell it to anyone.

"H-hindi." I lied.

Dagli akong natigilan ng mapatingin sa likuran ni Cholo. Ang blankong mukha ni Isaac ang sumalubong sa akin. Umiiling iling ito na parang hindi makapaniwala. He then put his hand on his pocket.

"Ihahatid mo pa ba si Yohana, Doc?"

Tumingin sa akin saglit si Isaac bago tinuon ang tingin sa pinto ng elevator. Hindi pa nagbubukas. Nasa labas pa kami.

"No. You can send her." Malamig na sabi nito at nauna ng pumasok sa elevator. Nagkatinginan pa muna kami ni Cholo bago sumunod.

Akala ko pa naman totoo yung sinabi niyang ihahatid niya ako.

Sabi ko naman kasi sayo, huwag kang mag assume self. Pota ka.

"Uy, good choice Doc. Date lang kami."

"Ha?!" Gulat na sambit ko ng sabihin iyon ni Cholo. Ano raw? Did I heard it right?

"Go on. I won't mind."

Napakagat labi ako ng sinabi iyon ni Isaac na ganon pa rin ang tono at lamig non. Nanahimik na lamang ako sa tabi.

"Bye Doc Saldaviga! Date lang kami!" Paalam pa ni Doc Cholo kay Isaac na naunang pumasok sa kotse nito. Hinatak naman ako ni Doc Cholo at tumawa ng malakas. Napabuntong hininga na lang ako.

Nang aasar niya akong tiningnan na ikinairap ko. Nakasimangot tuloy ako buong byahe. Buti at hindi niya tinotoo ang bantang DATE dahil wala ako sa mood at pagod pa ako.

My Possessive Playboy [Saldaviga Series #3] CompleteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon