Chapter 27

758 19 3
                                    

"I-i can't..."

Napatalon ako sa gulat ng bumungad sa harapan ko si Isaac. Nakadungaw ang ulo niya sa sasakyan niya at nakatuko sa may bintana habang malamlam ang mga matang nakatitig sa akin na naghihintay ng taxi. Papasok na sana ako sa trabaho, kinabukasan matapos ang nangyari kahapon sa amin.

I looked away. "U-umalis ka na."

"Not until you'll be in my side, sitting." He firmly said.

I gasped. "How can you say that even tho I said no already."

"You did not say no, you said I'll go."

Napabuntong hininga ako at tiningnan siya ng seryoso. Seryoso ba siya? Pipilosopohin niya ako?

"Isaac, ano ba? Tumigil ka na..." Nakukunsimisyon kong sabi.

He shook his head. Tapos ay lumabas siya hawak hawak ang isang paper bag. He then stares at our door.

"I'll give this to Yaine and Yeji. Hindi na ako nakabalik kahapon."

Humugot ako ng malalim na hininga. "Pumasok ka roon, pakilock kapag lumabas ka na."

Dinaanan ko siya at naglakad upang mapunta sa kita kapag nadaan ang taxi, but then he grabbed my wrist that caused me to stop from walking away.

"H-hintayin mo ko. Ihahatid kita, Yohan."

Yohan.

Binawi ko ang kamay ko. Nagulat siya ngunit mas lalong lumalam ang mata niya. Hindi ko alam kung bakit siya nagkakaganito! Dapat hindi siya nagkakaganito dahil mas nahihirapan ako!

"Huwag na. I can grab a taxi here." I firmly said and refused to look at his eyes.

"Damn." Nagulat na lang ako ng yakapin niya ako ng mahigpit. "Hindi ko kaya...Yohana, ba't ka ba ganito?"

Sa nanlalaking mata ay pinroseso ko ang sinabi niya. Hindi ko alam ang tinutukoy niya!

"A-anong ibig mong sabihin?"

He sighed ang buried his face in between my jaw and shoulder. I felt comfort by his embrace.

"J-just...give me five minutes." He said softly and sighed again. Para bang sobrang dami niyang dinadalang problema.

Matapos nga ang limang minuto ay bumitaw siya ngunit sobrang lapit pa rin niya sa akin. Tiningala ko siya, sobrang lamlam ng titig niya sa akin na para bang nagpapaawa pero hindi eh, pagod at sakit ang sumasalamin sa mata niya.

Agad na binalot ng pag-aalala ang katauhan ko. I grabbed his hand and squeezed it.

"M-may problema ba?"

Kinagat niya ang pang-ibabang labi at umiwas ng tingin.

"W-wala. Ihahatid na kita, baka malate ka sa trabaho mo."

"Isaac. Alam mo namang makikinig ako, diba?"

He looked at me, then his jaw clenched.

"Sasabihin ko rin sayo, Yohan...pero hindi pa sa ngayon. I need you to focus to yourself and your siblings."

"I can handle them and myself, Isaac. At kaya ko ring tanggapin ang anumang sasabihin mo kung iyon ang bumabagabag sayo."

He smiled at me, but it didn't reached his eyes. He kissed my forehead and grabbed my waist.

"Sapat na sakin na nasa tabi kita, wifey. D-don't leave me again..."

Natigilan ako. Did I left him? Hindi naman ah...

"H-hindi...hindi kita iiwan, Isaac."

He squeezed my waist. "I believe in you. Lahat papaniwalaan ko sayo. Sayo lang ako makikinig. Ikaw lang ang paniniwalan ko kahit walang puweba...Wifey, ikaw lang."

My Possessive Playboy [Saldaviga Series #3] CompleteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon