Chapter 31

751 21 5
                                    

Someone's gonna wake me up right now, please. Hindi ko akalain na aabot sa ganitong punto ng buhay ko. Hindi ko hinangad na umabot sa point na hindi ko na halos makilala ang sarili ko. I know...I'd been a good student and I become an achiever, but not to this point that I will let myself become stress out of work, being a nurse that eaten by time and tiredness.

"Nurse Yohan, yung pasyente na binabantayan mo need niya ng tagabantay."

Napabuntong hininga ako. Inayos ko ang salamin ko at marahang tumingin kay Doc Torenza.

"Doc, hindi ako pwede mamaya. May iba akong schedule sa gabi, iba ang aasikasuhin kong pasyente."

Tumitig sa akin si Doc Torenza bago tumango. "Sasabihin ko na lang."

"D-doc, sige ako na lang." Napapabuntong hininga ko at marahang umiwas ng tingin. I heard him laughed, napasimangot tuloy ako. Alam talaga niyang mahina ako kapag usapang bata.

"He's actually waiting for you."

"Hindi ko naman ginayuma yung bata na 'yon!" Nakasimangot kong sabi pero napangisi na lang din.

"Sungitan mo para hindi mabihag sayo."

"Inosente ang mga bata, Doc."

Natatawa itong nagpaalam sa akin kaya tinuloy ko na lang muna ang paggagamot sa batang kakapasok lang sa office namin ni Kim, yes, we actually on the same hospital.

"Ate Ganda, may boypren ka?" Out of the blue na tanong ng batang babae sa akin.

Napatingin ako sa mommy niya. She looked stunned too. Napangiti ako ng hilaw. Ito ang pinakaayaw kong tinatanong sa akin dahil lagi akong napapasana all!

"Wala, baby girl. I'm actually busy in my work."

Tumawa ang bata. Napahinto ako sa paglilinis ng sugat niya sa tuhod. Tinawanan ako?! Anong nakakatawa sa wala?!

"Wala ka pala ate, ang ate Leah ko meron apat pa."

Natigilan ako. Napatingin din ako sa mommy niya. Napawaang ang labi nito at kagaya ko ay nagulat din sa sinabi ng bata. Ano raw? Apat?

"Lou, masama ang magsinungaling. Hindi kita tinuruan ng ganyan."

"But mommy, ate really have four boyfriends! She told me those four are her boyfriends!" Pagpupumilit ng bata.

"Your ate is only twelve years old baby, how could she would have four?" Malumanay na tanong ng mommy na animo'y siya ang nahihiya sa sinasabi ng anak.

Nilagyan ko ng gasa ang sugat niya bago tumayo at umupo sa upuan ko. Inayos ko ang papeles na kailangang pirmahan ng mommy niya at bayaran. Private hospital nga naman.

"Pero ate Ganda, ilang years ka na po walang boypren? Dapat po nagboypren ka kasi matanda ka na po."

Napahawak ako sa dibdib ko. Matanda raw. Ginoo ko, tabang.

Napakagat labi ako at nagtitimping ngumiti sa bata. Sabi ko mabait ako sa bata pero hindi ko sinabing sa lahat!!

"Six years...Six years na akong walang boypren."

Napapikit ako ng nanghingi ng paumanhin ang nanay nito at umalis na ng office ko. Jusmiyo, hindi ko na gagamutin iyon sa susunod baka sa susunod ay pag aasawa ko na naman ang chikahin sa akin.

Napahilot ako sa sentido at kinuha ang notepad.

"I told you to just wait me at the lobby!"

Napahinto ako sa pagbukas ng pintuan dahil pabalang na binuksan iyon ni Kim, kasunod nito si Zion na parang tuta.

My Possessive Playboy [Saldaviga Series #3] CompleteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon