VIII

1K 22 4
                                    

"Better luck next time bitch." Nakangiting sabi sa akin ni Kim.

Ngumiti ako nang malaki.

"Loka, Ms. Campus na 'yan. Anong better luck next time?" Natatawang sabi ni Thiara.

"Hindi niya nakuha 'yong best sports attire, kapartner pa naman niya si Isaac."

Natahimik ako. Eh ano naman kung kapartner ko 'yon? At bakit ko nga pala naging kapartner 'yon eh hindi naman namin kaklase 'yon?

"Hoy bakla, bakit nga pala siya partner ni Yohan? Hindi naman natin kaklase 'yon?"

Gusto kong sumigaw nang 'nadale mo!' , pero nanahimik na lang ako.

"Nagpaalam si Henry sa ibang presidents, okay lang naman daw kasi rush na raw at ang representative naman ang titingnan ng judges, kumbaga props lang si Isaac."

Napatango ako. Grabe, sa lahat ng lalaki siya pa ha?

"Grabe sa props, Kim." Tumatawa kong sabi. Ipinasuot ko kay Yaine ang bag niya bago inayos ang buhok niya, inayos ko na rin ang towel niya sa likod.

"But seriously, it's you who looked like a props there. Bakit parang nastar struck ka kay Isaac kanina?"

Nakagat ko ang dila ko. Ano raw?!

Mabilis kong kinuha ang bottled water na may laman pa at tinungga.

"Gwapo kasi, tapos kita pa ang biceps!"

Naibuga ko ang iniinom ko na tubig, nabugahan ko si Yaine! Ano ba kasing sinasabi ni Thiara!!

Agad kong pinunasan ang kapatid kong nagtaka sa tubig na napunta sa buhok niya.

"Nye! Umuulan ta loob!" She shouted, inangat pa ang dalawang maliliit na kamay.

Natawa si Thiara at Kim. Sinamaan ko ng tingin si Thiara.

"Totoo naman! Kahit sa malayo ako, kita ko biceps niya...yummy---"

"Thia!" Saway ko dahil may bata!

Eh kung walang bata, okay lang?

Agad kong ipinilig ang ulo ko. God forsaken... stop.

"Magkano nga prize?"

Napatingin ako kay Kim. Nabaling kay Yaine ang paningin ko...kaya ko ba? Aalis kami na gamit ang perang napalanunan ko at ipon ko?

"30,000."

"Besh hindi kasya 'yan! Nako...paano 'yan? Hindi pa kayo makakaalis sa bahay niyo?"

Tumingin sa akin si Kim, seryoso ang mukha nito.

"I can lend you money---"

"Huwag, Kim." Agad kong sabi.

Ayoko.

"Kung g-gusto mo, sasamahan ko kayo sa Province namin..."

Napatitig ako kay Thiara. "S-saan? Paano ang pag-aaral k--"

"Ganito na lang," singit ni Kim. "Punta tayo sa bahay namin mamaya, roon tayo mag-usap tungkol diyan. I will help."

Aangal pa sana ako kung hindi lang niya kami tinalikuran. Inayos niya ang mga gamit niya.

Napasulyap ako sa labas ng room nang makita si Oscar. Seryoso siyang nakatingin sa akin kaya nilapitan ko siya.

"Bakit?"

Hinawakan niya ang kamay ko.

"I need to talk to you."

"Oscar, pupunta ako kina Kim."

My Possessive Playboy [Saldaviga Series #3] CompleteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon