X

979 26 4
                                    

Pagkatapos naming makikain kina Kim ay nagpasya kaming sa garden na lang nila mag-usap, bukod sa gusto nilang tahimik ay ayaw nilang baka may ibang makarinig.

Nagdadalawang isip nga ako kung itutuloy pa ba namin ang plano kasi... kinakabahan ako.

"What do you want me to hear from you?" Seryosong tanong ni Isaac.

I gulped. Hindi ko pa ata kayang sabihin! Bakit kasi ngayon agad? Hindi ba pwedeng next week or next day?

"Ganito kasi..." panimula ni Kim. Napasinghap ako. Okay. This is it. "I bet you know the son of our Mayor right? That bastard love this bitch right there," turo niya sa akin. Napaiwas ako ng tingin kay Isaac, bakit nakaka-intimidate ang titig niya? "And he wants to marry this bitch next month. Like, haller? Hindi pa nga tapos mag-aral 'tong babae na'to tapos inaaya na niyang magpakasal."

"So?" Nagtatakang tanong ni Isaac.

"In order for him to stop the bullshit. We need your help...I mean, she needs your help." Turo ulit sa akin ni Kim, seryosong-seryoso na siya ngayon. "The plan we made is actually hilarious but that's the best plan we thought about. That's the only way she can be free again."

Tumitig ako sa kawalan, nakikinig sa mga sinasabi ni Kim. I know...she pitied me, pero wala na sa akin 'yon. As long as makaalis lang kami sa puder ni papa at ako sa kamay ni Oscar, ayos na ako.

"What it is?"

"Buntisin mo siya." Walang prenong sabi ni Kim, muntik na akong masamid sa sarili kong laway.

Ang kaninang pagtataka sa mukha ni Isaac ay napalitan ng gulat. Nagpalipat lipat ang tingin niya sa akin at kay Kim, siguro iniisip niya nababaliw na kami.

"The fuck?" Hindi makapaniwala niyang tanong.

"I-i know... hindi ito magiging madali pero, sana...matulungan mo ako. Ayokong matali kay Oscar." Nangingilid ang luha kong sabi kay Isaac.

Iniwas niya ang tingin sa akin. "I can't help you."

Bumagsak ang balikat ko. I know...pero umasa pa rin ako. Kasi 'di ba? Sabi niya he will help me?

Pero sino ba namang matinong lalaki ang papatol sa isang tulad ko? Bukod sa hindi naman mayaman, hindi pa bagay sa kanya.

Sino ring matinong lalaki ang itatali na ang sarili sa isang taong hindi naman niya mahal at hindi niya pa gaanong kilala?

Sinong matinong lalaki ang tutulong sa isang estranghero na wala namang ambag sa buhay niya at lalo ng wala naman siyang makukuhang benefits sa pagtulong?

"Kung ayaw mo...ayos lang." Nakangiti kong sabi.

Bakit ko naman siya pipilitin? Wala naman siyang mapapala sa pagtulong sa akin.

"You need to think another way to get your ass off with that man."

I sighed. "Sa tigas ng ulo niya, pangalawang option ang pwede sa kanya."

He creased his forehead. "And what is that?"

"Isalvage siya."

He chuckled. Nakurot ako sa tagiliran ni Thiara. Inirapan ko siya, hindi ko alam pero nahiya ako. Did he just chuckled? Bakit... bakit bumilis ang tibok ng puso ko? I mean... ang... ang gwapo niya.

"Seriously, why don't you dump him? Again?" Nagdadalawang isip niyang dugtong.

"Kahit pa siguro sabihin ko ng ilang ulit, kahit libong ulit pa na hindi ko siya mahal at ayaw kong magpakasal sa kanya, ipagpipilitan niya pa rin ang sarili niya sa akin." Nahihimigan ang lungkot sa boses ko.

My Possessive Playboy [Saldaviga Series #3] CompleteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon