Chapter 1

327 13 0
                                    

~Kaith~

Umuupo ako sa gym habang nakikinig ng music sa headphones ko. Mahirap din pala kapag nag-iisa ka. Mahirap pala kung wala ka makakausap. Walang may naniniwala sa'yo. Parang nawala na ang pinakamahalagang bagay sa'yo at hindi na kailanman babalik. Ay teka, hindi pala bagay. TAO pala ang pinakamahalaga at nawala sa akin. Wala na siya. Wala na ang nag-iisang tao na nagmahal at umitindi sa akin. Ang daya! Bakit ang aga pa siya kinuha ng diyos? Kung saan ko pa siya kinakailangan, bigla nalang siya mawawala. Sadyang mapaglaro talaga ang tadhana.

"KEITH!" Kinuha ko ang headphones at nang minulat ko ang mga mata ko, nakita ko si Cedric tumatakbo papunta sa akin.

"I've been looking for you." Sabi niya habang hinihingal.

"What do you want?" Sabi ko habang binabalik ang headphones ko.

"We really need you in the basketball team. Your skills and stratigies are needed in our team. Like, seriously?! Your the only guy who beat Johnson!" I chuckle. Hindi naman mahirap talunin si Storm. Kailangan mo lang ng bilis at alamin ang pattern niya, which is very easy.

"No. I already told you and your coach for the tenth time. Now, can you just leave me alone." Lumakad siya papalayo pero bigla siyang tumigil sa pinto at tumingin sa akin.

"Not until you'll join our team." Tumakbo siya palabas ng gym at tumawa ako ng mahina. Goodluck with that.

Oo nga pala, I am Kaith Red Clearwater. Teka, bago kayo mag react, patapusin niyo muna ako. Or also known as Keith. I'm half korean and BABAE po ako. Yun lang muna ang nalalaman niyo tungkol sa akin. At opo, babae po talaga ako at hindi lalaki. Nagpapanggap lang.

Bigla nag-ring ang bell at tumayo na ako. Lunch na kasi. Pagpasok ko sa canteen, bigla nagtitilian ang mga babae.

"OMG! Andyan na si Keith!"

"Ang gwapo niya talaga!"

"Ang ganda talaga ng mga mata niya!" Ayan nanaman sila! Kung alam lang nila ang totoo.

"Grabi ka naman tol, paano mo na paibig ang lahat na babae dito sa school?" Tanong ni Sam pagkaupo.

"Oo nga. Dahil siguro sa mga mata mo nuh? Ikaw lang kasi ang may kulay berde na mata dito sa school." Sabi ni Paolo.

"Hindi naman. Mukha nga akong babae." At talagang babae ako since birth!

""Hindi naman. Mahaba lang talaga ang buhok mo." Tumawa sa Paolo.

""Ganyan ba talaga ang mga koreano? Mahaba ang mga buhok?" Tanong ni Sam.

"It's in our family." Sinungaling ko. Kahit nagpapanggap ako na lalaki, hinding-hindi ko gugupitan ang buhok. At hindi nlia dapat malaman ang totoo. Kahit masakit sa akin na nagsisinungaling ako sa kanila. Tumango sila at kumain ulit.

"Napapansin ko lang. Bakit tinatakpan ng buhok mo ang kanang mata mo? Maganda ang mga mata mo tol. Kaya, bakit mo tinatago?" Lumapit si Sam sa akin at hahawiin niya sana ang buhok ko na nakatakip sa mata ko nang bigla ko siya pinigilan.

"Wag mong galawin ang mga buhok ko or you'll regret it." Galit na sabi ko.

"Ok, ok, sorry. Na curious lang naman ako." Kumain siya ulit.

Bigla akong na guilty. Hindi ko naman sinasadya na pagsalitaan ko siya nang ganun. Hindi ko lang talaga gusto na matatakot siya sa mga mata ko. Magkaiba kasi sila ng kulay. Yung sa kabila, kulay berde. Yun ang nakikita ng lahat. At yung sa kanan. Well, bughaw ang kulay niya. Ewan ko nga. Ang mga magulang ko, kulay berde naman ang mata. Wala kahit isa sa kanila ang merong kulay bughaw ang mata. Baka nga, sinumpa ako.

"Keith, pasensya ka na. Na curious lang talaga kasi ako kaya ko yun nagawa. I won't force you if you don't want to show it to us." Sabi ni Sam. Ok, it's now or never.

"Lumapit kayo dito."

"Ha? Hindi ka namin pipilitin Keith. Kung ayaw mo, syempre meron kang dahilan. Kaya-"

"Gusto niyo ba o hindi?"

"Teka, eto na nga eh. Excited?" Lumapit sila agad at tumingin sa akin.

"Pero, bago ko ipapakita sa inyo. Ipangako niyo na wala kayong ibang pagsasabihan. Kayo lang dalawa ang nakakakita ito at ipangako niyo na dadalhin niyo ang sekreto na ito hanggang sa kabaong." Tumango sila at huminga ng malalim.

Hinawi ko ang buhok ko na nakatakip sa kanang mata ko. Minulat ko ang mga mata ko at napanganga sila. Tumawa ako. Inayos ko ulit ang bangs ko at sinigurado na hindi makita ng iba ang kanang mata ko.

"Wow." Yun lang ang sabi nila. Wooh, ang haba.

"Teka, ba't magkaibang kulay ang mga mata mo. Hindi naman ganyan ang mga mata ng mga magulang mo."

"Oo nga eh. Yun ang pinagtataka ko. Wala naman sa linya namin na magkaibang kulay ang mga mata. Ewan, baka sinumpa nga ako eh." Tumawa ako.

"Ikaw? Sinumpa? Yang itsura, sinumpa? Asus, mukha ka ngang anghel." Sabi ni Paolo.

"Nagsisimula ka naman, Paolo. Tara na nga." Tumayo kami at nagsimula maglakad papunta sa classroom namin.

"So, narinig namin na hindi pa rin sumusuko si Cedric. Totoo ba yun?" Alam ko na ang ibig sabihin ni Sam.

"Yup, at mukha ayaw niya pa ako tigilan hanggang magiging parte ako ng team nila." Umupo kami sa aming upuan.

"Ba't ayaw mo? Swerte mo nga na disididong-disidido sila. Tignan mo ang nasa paligid mo. Nagpapakahirap sila upang makasali sa team. Samantala ikaw, na walang kahirap-hirap tinalo si Storm."

"Well, It's not my style." Sinungaling ko.

May sasabihin pa sana si Sam kaso bigla nag ring ang bell at pumasok ang professor namin. Well, ayoko sumali kasi baka malaman nila na babae ako.

Behind Those Mysterious EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon