Chapter 4

110 4 3
                                    

~Kaith~

"Kaith, gumising ka. Tinatawag ka ng ama mo." Minulat ko ang mga mata ko at nakita ko si Violet.

"Tell him I'll be downstairs in 10 minutes." Tumayo ako at naghilamos. Ano nanaman ang kailangan niya?

Nag suot ako ng panglalaki na damit at tinali ang buhok ko. Alam kong importante ito. Hindi naman magaabala si papa ipagising ako ng maaga kong hindi ito mahalaga at importante. Tumingin ako ulit sa salamin at siniguro na hindi nila makita ang kulay bughaw ko na mata. Isinara ko ang pintuan at bumaba.

"And speaking of him. I want you to meet my son, Keith." Sabi ni papa pagkababa ko. Ba't maraming tao? May birthday bah?

"Wow, siya na bah yan? Ang laki niya na. The last time I saw him, he's only 8 years old." Sabi ng isang lalaki.

"I agree with Mr. Kim."

"Well, my son had grown to be a wise man." Sabi ni papa.

"Well, I envy you Mr. Clearwater. My son is not like him." Tumawa sila.

"Oo nga pala, diba may kambal na babae si Keith? Nasaan na siya? Gusto ko siyang makita." Bigla silang tumahimik at tumingin kay papa. Nawala ang ngiti ni papa at tumingin sa kanila.

"She's in the States right now. Together with my mother." Sabi ni papa at tumingin sa akin. Hindi kasi nila alam ang totoo.

"I see. I'm sure she's also beautiful."

"Like her mother." Bulong ni papa pero rinig na rinig ko yun.

"Did you say something?"

"Nothing. Anyways, about the company." Hindi na ako nakikinig dahil napaisip ako. Mahal pa kaya ni papa si mama? Kasi simula ng iniwan niya kami, nagbago si papa. Hindi ko nga alam kung mahal niya pa ako.

"Oo nga pala, I want you to meet my son, Xavier Jackson." Sabi ni Derek, kaibigan ni papa. Teka, pamilyar sa akin ang Xavier. Saan ko nga narinig yun?

Lumapit sa amin ang isang lalaki na naka itim na V-neck, leather jacket at naka pantalon.

"Hello po, ako po si Xavier Jackson. Just call me Xavier." Nginitian niya kami.

"Teka, siya na bah si Xavier. Napakalaki na niya." Sabi ni papa, gulat na gulat.

"Ako nga po, sir Clearwater." Nag bow siya.

"No need for formalities and just call me Chris." Tumawa si papa.

"Ok po, Chris." Tumawa din siya. Tiningnan niya ako at nagulat ako sa mga mata niya. Dilaw. Siya nga! Siya yung lalaki kahapon.

"So, we meet again, Keith." Nagulat ako sa sinabi niya. Naalala pa niya ang pangalan ko?

"You know each other?" Tanong ni papa. Sasagutin ko sana siya pero inunahan ako ni Xavier.

"Ah, opo. Magkilala po kami. Dahil po sa isang project." Nginitian niya si papa. Teka, ano'ng project ang sinasabi niya?

"Ano'ng project? Magkaklase bah kayo?" Tanong ni Derek sa amin.

"Hindi po. Nagaaral po kami sa iisang university pero Section 8 po ako." Tumawa siya. Aba, ang layo pala ng room namin. Star section kasi ako.

"Pero, are you in the same grade as my son?" Tanong ni papa.

"Opo."

"Well, that's good news. They can be bestfriends, like us." Tumawa sila at pumunta sa isang room.

"Ba't nag sinungaling ka?" Tanong ko agad sa kanya nang alam ko na kami na lang.

Narinig ko siyang napabuntong-hininga "Gusto mo bang malaman ng papa mo na sumakit ang dibdib mo?" Nanlaki ang mga mata ko at tiningnan ko siya. Tumitingin rin siya sa akin. Ngayon ko lang napansin na ang ganda talaga ng mga mata niya. Pero, bakit kulay dilaw?

"Sino ka bah?" Tanong ko sa kanya. Tumahimik siya bigla.

"Ako dapat ang nagtatanong sayo niyan." Sabi niya sabay lapit sa akin.

"Ano'ng-"

"Bakit mo tinatago ang kanang mata mo. Dahil natatakot ka na lalayuan ka ng mga tao? Maganda ang mga mata mo, Kaith." Nanlaki ang mga mata ko. Paano niya nalaman?

"A-ano'ng sinasabi mo? Si Kaith ay nasa-"

"Kaith, wag kang magsinungaling sa akin. Alam kong babae ka. At si Keith, ay kakambal mo na lalaki."

Paano niya nalaman yun? Wala akong pinagsabihan. Kahit si Sam at Paolo ay walang alam. Patay ako nito kay papa!

"Gusto mo bah malaman ang tinatagong sikreto ng mga mata mo?" Tiningnan ko siya. Ano raw?

"Alam ko na ang sikreto nito. Sinumpa ako kaya't magkaiba sila ng kulay. Hindi ko alam kung paano mo nalaman, pero-"

"Hindi ka sinumpa, Kaith. Nasa linya yan ng nanay mo."

"Ano?"

"Sumunod ka sa akin. I will tell you the whole story." Nagdalawang isip ako. Can I trust this guy? Paano kung pinagtitripan niya lang ako at meron siyang gagawin na masama sa akin?

"Maniwala ka sa kanya." Teka sino yung nagsalita?

"Sino ka?"

"Maniwala ka sa kanya, Kaith. Matutulungan ka niya sa problema mo. Katulad mo rin siya." Great, baliw na yata ako.

Sinundan ko si Xavier palabas ng bahay namin at pumasok sa kotse niya. Hindi ko alam kung sino'ng boses yung nasa utak ko at kumausap sa akin. Pero, ito lang ang alam ko. Magbabago ba ang buhay ko kapag malaman ko kung bakit ganito ang mga mata ko?

Behind Those Mysterious EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon