Chapter 29

57 3 3
                                    

~Xavier~

"Sigurado ka ba sa gagawin natin? Mapapahamak lang kami dahil sa'yo eh." Sabi ni Alexander sabay sipa ng maliit na bato sa harapan niya.

"Sigurado ako. Kailangan natin makuha ang bangkay ni Keith. Mahirap na kung may gagawin sila na masama." Tumayo na ako at lumakad.

Kailangan ko makuha ang bangkay niya. Ayaw ko makita ang malungkot na mukha ni Kaith. Lalo na kung malaman namin na may ginawa silang masama. Kahit na sinabi ni Salazaar na ibabalik rin nila.

"Eh, hindi naman natin alam kung nasaan si Salazaar o si Keith." Sabi ni Haru sabay upo sa bench katabi ni Shane.

Napabuntong-hininga ako. Tama nga siya. Wala kaming alam kung nasaan sila.

"Wait a second, diba sinabi ni Salazaar na ang kanyang master ay isang Takahashi?" Tanong ni Alessa.

"Yep. At sinabi rin yun ni tita kanina." Sabi ni Paolo.

Ngumisi siya "Then, we can find help. I know someone who can give us the information kung nasaan sila."

Tumayo siya at lumakad. Sumunod kami.

"Ooh, siya ba ang tinutukoy mo?" Sabi ni Haru at ngumisi.

Tumango siya at nagulat kami, except Haru, na bumukas si Alessa ng isang portal. Tumingin siya sa amin at ngumiti.

"Tatayo nalang ba kayo dyan or are you guys going with me?"

Tumango nalang kami at pumasok na sa loob.

Kung sino man ang tinutukoy nilang dalawa, sana makakatulong nga siya.

~Kaith~

"Kaith..."

Dahan-dahan ko minulat ang mga mata ko. But, I only see darkness. Sinubukan kong tumayo, pero hindi ko maramdaman ang katawan ko.

"Kaith..."

Narinig ko ulit ang mahinang boses. Mahina pero mahinahong boses.

"Kaith..."

Hindi ko alam pero kosa nalang tumayo ang katawan ko at tumingin ako sa...

Saan nga ba?

Saan nga ba ako tumitingin? Wala ka naman may makita sa dilim. No way to get out.

Naalala ko na. Naramdaman ko na ulit. How to be alone in the dark. Walang kasama. Walang pag-asa. Unti-unting nawawasak.

"Kaith..."

Unti-unting may nabubuo na imahe sa harapan ko. Imahe ng isang tao. Isang babae. At nagulat ako sa nakita.

Ako...

Nakikita ko ang sarili ko. Parang humaharap ako sa isang salamin. Ang pagkakaiba nga lang namin, ay hindi madilim sa paligid niya. Kundi maliwanag at sobrang ganda. Parang nasa forest siya na puno ng mga sari-saring bulaklak.

Itinaas ko ang kamay ko. Gayundin siya.

Napabuntong-hininga nalang ako. Mukhang mapayapa sa lugar na yun...

"Kaith..."

Tumingin ako sa kanya at ngumiti siya na ikinagugulat ko.

"Mukhang gulat ka ah. Pero, naalala mo pa ba ako?"

I blink. Okay, what?

Tumawa siya "Si Light tuh."

I blink, again.

"Yung tumulong sayo nung kinalaban mo si Crystal.

Naalala ko na. Yung boses. Pero, bakit magkamukha kami? Teka, baka kakambal ko siya. Pero, sa pagkakaalala ko, hindi kami triplet.

Behind Those Mysterious EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon