Chapter 25

59 3 4
                                    

Bago ko simulan ang chapter na ito, may sasabihin muna ako.

Naka 1k plus reads na ang story na tuh. Yehey!

At dahil yun sa inyo.

Maraming maraming salamat sa pagbabasa ng story ko at sana manatili kayo hanggang matapos ang story na tuh ^_^
-------------------------------------------------------------

~Kaith~

Impossible si...

"Long time no see, Kaith." Ngumiti siya at tinakpan ko ang bibig ko. Impossible.

"That's a nice greeting, Dwight." Sabi ni Sam.

"Wala naman problema sa sinabi ko. Alangan naman sasabihin ko na "hello" o "buhay pa kami, yehey party na tayo and live happily ever after!" O, ayos ba yun?"

"Mas ayos na ang sinabi mo." Tumawa silang dalawa.

Tumingin sa akin si 'Dwight' at meron siyang lungkot sa kanyang mata. Ano ba ang sasabihin ko? Hindi ako makapaniwala na buhay pa sila.

"Kaith, ikaw na ba yan?" Sabi ng babae at, umiiyak siya?

Lumapit siya sa akin at hinawakan ang pisngi ko. Ngumiti siya at niyakap ako. Tumingin ako kay Xavier at ngumiti siya.

"Kaith, siya ang nanay mo."

Natulala ako. Siya ang nanay ko? Buhay pa ang nanay ko?

Hindi ko na mapigilan at umiyak na ako. Niyakap ko na rin siya ng mahigpit. Ganito pala ang pakiramdam kapag mayakap mo ang sarili mong ina. Ang sarap sa pakiramdam.

"Kaith, ang laki laki mo na." Sabi niya.

"Panaginip lang ba ang lahat ng tuh?" Tanong ko.

"Hindi, Kaith. Totoo ito." Ngumiti siya.

Lumapit sa amin si Dwight at ang ibang lalaki. Napansin ko rin na umiiyak na sila maliban kay Dwight. Pero alam ko pinipigilan niya lang.

Binitawan ako ni mama at niyakap ako ng tatlong lalaki. Niyakap ko rin sila kahit  hindi ko pa sila kilala. Pero alam ko, pamilya ko sila.

"Kaith, alam ko hindi mo pa kami kilala pero mga kapatid mo kami. Ako si Luke. Ang eldest sa ating magkakapatid." Sabi ng isang lalaki na merong brown hair at green na mata.

"Kian. Second sa ating magkakapatid." Sabi ng isang lalaki na medyo mahaba ang buhok at green eyes. Hanggang leeg ang buhok niya.

"Matt. Third sa atin." Ngumiti siya. Meron siyang bangs na tinatago ang kaliwa niyang mata at kulay blue naman ang mata niya.

Ngumiti ako sa kanila. Sabi ko na nga ba na pamilya ko sila. Lumapit si Dwight at pumunta sa tsbi ng mga kapatid ko.

Tiningnan niya ako ng ilang segundo at niyakap. Niyakap ko rin siya ng mahigpit at umiyak ako ulit.

"Na miss kita. Akala ko nawala na kayo. Akala ko namatay ka na, Keith." Sabi ko.

"Grabe ka talaga. Kahit sinabihan ko na ang mga kaibigan mo na tawagin ako na Dwight, alam mo parin na ako si Keith." Tumawa siya.

"Syempre, kakambal mo ako." Binitawan niya ako at ngumiti.

Pinunasan niya ang mga luha ko at hinalikan sa noo.

"Ang saya saya ko. Nagkita na ulit ang kambal. Salamat sa tulong niyong lima." Ngumiti si nanay sa kanila ni Xavier.

"Walang anuman." Sabi nilang lima at ngumiti.

Behind Those Mysterious EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon