Chapter 12

65 3 0
                                    

~Kaith~

Buong araw wala kaming ginawa kundi magplano lang nang magplano. Sabi kasi ni sir, kailangan na raw namin magsimula kasi malapit na ang school day.

Pumunta na kami sa canteen and as expected, tumitili nanaman ang mga babae. Hay, kailan kaya sila magsasawa? Araw-araw na lang ganyan.

"Keith, ano'ng nangyari bakit hindi ka namin nakita ng isang buwan?" Tanong ng isang babae pagkaupo namin.

"Oo nga. Nagkasakit ka ba?"

"Okay ka na ba?"

"Naku, kawawa naman ang baby-love ko."

"Ah, wag na kayong mag alala. Ayos na ang pakiramdam ko kasi andito na kayo." At parang nabingi ako sa mga sigaw nila. Note to self, wag gagawin yan kung napapalilibutan ka ng mga babae.

"Pwede ba, tumahimik na muna kayo?!" Tumalikod sila at bigla naman silang natahimik at parang namutla. Tumayo ako at nakita ko kung bakit sila nagkaganun.

Storm.

Umalis na  lahat ng mga babae at umupo na ako pero tinitingnan ko pa rin si Storm. Tumingin siya sa akin at nginitian ko siya.

Namamalik-mata ba ako? Parang nakita ko ang lungkot sa mga mata niya. Ayos lang ba siya?

"Keith, ayos ka lang?" Tumingin ako kay Paolo at tumango ako.

"Oo, ayos lang." Tumingin ako muli sa likuran kaya lang wala na si Storm.

Parang biglang sumakit ang ulo ko at pinikit ang mga mata ko. Okay? Mukhang hindi ako okay.

"Aha, hindi ka nga okay. Pumunta ka sa clinic, Keith. Wag mo nang palalain." Tumango ako kay Paolo at tumayo. Pero muntikan na ako matumba pero nasalo ako ni Xavier.

"Sasamahan na kita."

"Hindi, okay lang. Kaya ko ang sarili ko."

"Pero-"

"Ayos lang ako. Medyo nahihilo lang. Wag kang magaalala." Nagdadalawang-isip si Xavier pero lumabas na ako sa canteen.

Bakit ganun? Biglang sumakit ang ulo ko? Siguro, dahil yun sa init. Pero,  parang  hindi e. Parang pinipilit ng utak ko na may maalala ng nakalimutan ko. Pero, wala naman akong may nakalimutan ah.

Biglang tumindi ang sakit ng ulo ko. Parang sasabog na. Napasandal ako sa pader at napahawak sa ulo ko.

Bakit ganito? Sobrang sakit!

At bigla na lang lumiwanag at may nakita ako na isang batang babae at batang lalaki na hindi ko maaninag ang mga mukha, parang naglalaro sa harden na punong-puno ng mga magagandang bulaklak.

"Waah, ang ganda dito!" Sabi ng batang babae na nakangiti.

"Yep. Wait, wear this." Ipinatong ng batang lalaki ang isang korona na gawa sa mga bulaklak sa ulo ng batang babae.

"There. Bagay sa'yo." Ngumiti ang batang lalaki at namula ang batang babae. Ang cute nila! Ang cute talaga ng batang babae . Mahaba ang brown niya na buhok at natatago ang mata niya sa bangs niya pero kita ang pamumula ng pisngi niya. Ang cute!

Hindi ko makita ang mukha ng batang lalaki pero blond ang buhok niya at nakangiti.

"Bagay talaga sayo. Parang prinsesa ka. At ako ang prinsipe mo. I promise, hindi kita iiwan." Sabi ng batang lalaki na nakangiti.

"Talaga? Walang iwanan?"

"Walang iwanan." Nag pinky swear sila at napangiti ako. Ang cute nilang tingnan dalawa.

Simubukan ko idilat ang mga mata ko at nakasandal pa rin ako sa pader.

Teka. Hindi na sumasakit ang ulo ko pero parang nakaramdam ako ng lungkot. Bakit ganun?

"Walang iwanan..."

At hindi ko alam kung bakit pero bigla na lang akong umiyak. Parang nakaramdam ako ng sobrang lungkot at kunting galit. Na parang iniwan ako. Na parang nag-iisa na lang ako sa mundo.

I feel like, someone important to me in the past broke the promise we made...

-----------------------------------------------------------------

Behind Those Mysterious EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon