Chapter 27

98 5 5
                                    

~Kaith~

Limang linggo na ang kakalipas at mukhang close na ako sa nanay ko at ibang kapatid ko. Masaya dahil magkakasama na kami ulit.

"Kaith, nasaan si Keith?" Tanong ni Kuya Luke pagpasok niya sa kwarto ko.

"May bibilhin raw siya."

Umupo siya sa tabi ko at tumawa. Alam ko ang iniisip niya.

Nasabi ko na ba sa inyo na nagkakilala sila ni Keith at Angel? Nakakatawa yun.

~FLASHBACK~

Last day ngayon ng school festival namin at mas marami ng tao kesa sa nakaraan na araw at mas busy na kami ngayon.

Lunch break namin ngayon at andito kami sa rooftop. Maraming tao sa canteen at marami rin ang humahabol sa amin.

Pagkatapos naming kumain, bumalik kami ulit sa classroom at pumunta na sa mga puwesto namin.

Sinabihan ako ni sir na pwede akong tumulong kaya andito ako ngayon, kasama ni Keith at Shane.

"Teka, may kukunin lang ako sa kabilang building." Tumango lang sila at umalis na ako.

Pumunta ako sa kabilang building at kinuha ang box na ipinapakuha ni sir sa akin. Nagsimula na akong lumakad ng may nakita ako dalawang babae na pamilyar sa akin.

"Angel, Sophia?" Sabi ko at lumingon silang dalawa.

"Kaith?! Omg, matagal na tayo hindi nagkita!" Sabi ni Angel at niyakap ako.

"Limang linggo palang. Hindi limang taon." Sabi ni Sophia at tumawa ako.

Nag pout si Angel "Kj mo."

Ngumisi ako. Oo nga pala. Hehehe...

"Oo nga pala, kamusta sa bahay at si Keith?" Tanong ko at nakita ko namula si Angel. Oh yeah.

"A-Ah ayos lang naman. K-Kasi si K-Keith-"

"Sila na ni Keith." Sabi ni Sophia.

Tinakpan ko amg bibig ko at nanlaki ang mga mata ko, kunwari nagulat. Hehe...

"Kayo na?! Omg, ba't di mo sinabi?"

"K-Kasi-"

"O Kaith, andito ka lang pala. Kanina ka pa namin hinahanap." At kapag siniswerte ka nga naman, andito si Keith.

"Omg, Keith! Bakit di mo sinabi na kayo na ni Angel?" Sabi ko habang pinipigilan ang tawa ko

"Ah, oo kami na- ANO?!" Sigaw niya.

"Naku, may tinatago ka na pala sa akin. Sana sinabi mo sa akin." Kinindatan ko siya.

Nung una, hindi niya na gets at tinitignan niya ako na parang takas ako sa mental. Until na realize niya. Napaface palm siya at tumawa ako.

Napabuntong-hininga siya at lumapit kay Angel. Hehe, ang sama ko.

"Oo nga pala. A-Ah, since kilala niyo naman ang isa't isa, hindi ko na kayo kailangan ipakilala."

Wooh, ang hirap pigilan ang tawa ko. Mukhang kailangan ko ilock ang kwarto ko mamaya. Ayaw ko pa mamatay.

"A-Ah Kaith, n-nagkaka-"

"Babe, anong sinasabi mo?" Sabi niya sabay lift ng chin ni Angel. Oh my goodness.

Teka, sinabi ba ni Keith na babe? Holy macaroni...

Behind Those Mysterious EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon