Chapter 30

50 3 3
                                    

~Kaith~

Minulat ko ang mga mata ko at pinagmasdan ang paligid ko. Naka balik na rin ako sa realidad. At ngayon, handa na ako makipaglaban sa mga kalaban ko. Hindi na ako ang Kaith na nakilala nila noon. Isang duwag at lagi nalang umaasa sa iba. Hindi sinubukan lumaban. Laging tumatago sa likuran ng iba. Ngayon, hindi na ako ganyan.

Nagbago na ako...

Hindi ako si Kaith na laging tumatakbo dahil natatakot ako dahil mas malakas sila kesa sa akin.

Iba na ako ngayon.

At humanda na sila.

"Handa ka na ba talaga?" Tanong ni Light at ngumiti ako.

"Handang-handa na ako. Napapagod na ako tumakbo dahil takot ako. I need to fight dahil ako ang inaasahan nila. Kailangan ko sila protektahan."

Naramdaman ko na ngumingiti siya kaya bumangon ako at nagulat nung nakita ko ang sarili ko sa salamin.

Ako ngaba tuh? Parang impossible eh. Ang nakikita ko sa salamin ay isang babae na merong blue at green na mata, mahaba ang buhok hanggang beywang at medyo wavy at brown ang kanyang buhok. Ang ganda niya, sobra.

"Ikaw yan, Kaith. Nagbago ka na. I unlocked your other side. Your Winged Side. At ito ang tunay na ikaw..."

Ang tunay na ako...

Tumayo ako at lumapit sa salamin. Ang laki ng pinagbago ko. Hindi lang sa mukha kundi pati yung pakiramdam ko. Nararamdaman ko na parang lumalakas ako. Na handa akong harapin ang kahit anong pagsubok. Ewan ko nga kung bakit. Baka dahil nga, nakita ko ang tunay na ako.

Nakarinig ako na merong bumukas na pinto kaya napatingin ako at nakita si kuya Matt. At mukhang nagulat siya nung makita niya ako.

"Kaith? Teka, sino ka?" Takhang tanong niya habang alerto sa paligid niya. Teka, naramdaman ko yun? Astig!

"Kuya, ako tuh. Si Kaith!" Masaya kong sabi.

"Kaith? Bakit nagbago ka? Mukhang gumanda ka lalo."

Tumawa ako at niyakap niya ako ng mahigpit. Hindi ko alam kung bakit pero namiss ko siya.

"Wow, anyari? Mukhang nagbago ka ah at mukhang lumakas."

Ngumiti ako "Siguro nga. Siguro, napapagod na rin akong matakot. Na lagi nalang ako umaasa sa iba. Lagi nalang ako nagtatago sa sarili ko."

Napabuntong-hininga siya "Hindi naman masama matakot. At hindi rin naman masama umasa sa iba."

"Alam ko. Pero, inaasahan nila ako. Inaasahan nila na poprotektahan ko sila. Hindi yung sila yung poprotekta sa akin dahil natatakot ako masaktan. Hindi tama yun. Kailangan ko sila tulongan. Ayaw ko ng magtago sa dilim habang hinihintay ang liwanag. Kailangan ko hanapin ang liwanag. Kahit aabotin pa ako ng ilang taon. Mas importante yung iba kesa sa akin. Kasi lagi ko nalang iniisip ang sarili ko. Dapat sila naman. Dapat sila naman yung tutulongan at ililigtas ko."

Ngumiti siya "As always, you made us proud of you. What did we do to deserve you."

Tumawa ako at tumingin sa balcony.

"Pero, handa ka na ba talaga? Hindi biro ang pagdadaanan mo para iligtas ang lahi natin. Maraming pagsubok ang dadaanan mo bago mo makamtam ang tagumpay."

Napabuntong-hininga nalang ako. Sana kakayanin ko.

Nakita ko siya ngumiti ulit "Pero lagi mong tandaan, kahit anong mangyari, andito lang kami para sayo. Hindi ka namin iiwan kahit ano man ang mangyari sa amin."

Tumingin ako sa kanya at ngumiti "Salamat. Pero, hindi ko kakayanin kapag wala kayo sa tabi ko."

"Wag kang magaalala, hindi ka namin iiwan. Sige na, magbihis ka na. Nagaalala na sayo sina ina at mga kapatid natin. Kulang nalang sisigaw sila at mag back flip sa kaba."

Behind Those Mysterious EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon