Chapter 9

77 3 1
                                    

Tumakbo kami palabas ng school. Nagkakagulo na! Maraming estudyanteng nagpapanic. Yung iba nahimatay. At ang ibang silid ay nasusunog at hindi namin alam kung bakit. Pagkalabas namin, narinig namin ulit ang isang sigaw, sigaw na  katulad ng kanina. 

Hinanap namin ang pinag mumulan ng sigaw ... and we regret it.  Dahil nagkahiwahiwalay kami. Hindi ko sila makita kahit ano'ng pilit ko. Masikip at maraming estudyante natataranta dahil sa sigaw na yun. 

"Tingnan niyo! May babae sa rooftop!" Sigaw ng isang estidyante sabay turo sa taas.  Pagkasigaw niya, huminto ang lahat at tumingin sa rooftop. Tama nga siya.

Isang babae na nakaputing bistida ang nasa dulo ng rooftop. Nakadipa ang mga kamay niya at nakapikit siya. Parang dinadama niya ang hangin at parang mahuhulog na siya. 

Teka, may plano siyang mag suicide? Dito pa sa school? Pwede naman sa mga matataas pa na  building sa labas or maybe doon sa dagat di ba? O pwede naman-

Ay teka, ano bah ang iniisip ko? 

"Keith!" Lumingon ako at nakita ko sila tumatakbo papunta dito.

"Kung saan-saan ka namin hinanap. Bakit bah kasi tayo nagkahiwahiwalay?" Sabi ni Paolo na hinihingal.

"Eh ikaw naman ang nagsabi na maghiwalay tayo dahil hahanapin natin ang sumigaw." Sabi ni Alexander.

"Oo nga pala. Sorry." Tumawa nalang kami. Pero tumigil yun nang biglang sumigaw ang babae sa rooftop ng napakalakas. Grabe! Nakakabingi yun ah! Daig niya pa ang full volume na speaker!

"Hindi niyo ko mapipigilan. Ito lang ang tanging pag-asa upang maging malaya ako. Upang maging malaya tayo. Wag niyo akong pigilan! Dahil magiging malaya na rin ako sa wakas!!!" At pagkatapos niyang sabihin yun, bigla nalang siyang tumalon at bumulusok pababa. 

Parang nag slow-mo ang lahat sa pagkalaglag niya at nagulat nalang ako nang biglang huminto ang pagkalaglag niya na parang may hindi kami nakikitang tali na nasa katawan nya at pinipigilan syang bumagsak. Pinikit at binuksan ko ang mga mata ko at totoo nga na hindi ako namamalikmata. 

Tumigil ang oras.

Pero, ang hindi ko lang maitindihan kung bakit naka pause ang lahat pero nakakagalaw pa rin ako. Pati nga si Xavier hindi gumagalaw. Kaya bakit?

"Dahil iba ka sa kanila." Muntikan na lumabas ang puso ko. Hindi ko inaasahan yun. Tumingin ako ulit sa babae at nagulat ako.

Wala na siya.

Nataranta ako bigla. Ano at sino'ng may  pakana ito? Ba't nawala siya bigla?

"Wag' kang magaalala. Andito ako." Lumingon ako ng mabilis at nakita ko siya.

Ang babae kanina.

"Sino ka?" Ewan ko ba kung bakit ako nakakaramdam ng kaba. 

"Ako si Crystal at ako ang magiging kalaban mo." Bago pa ako magtanong kung ano ang pinagsasabi niya, bigla nalang nagbago ang paligid.  Biglang uminit ang pakiramdam ko at wala akong makita kundi kadiliman lang. Isang nakakasulasok na kadiliman.

"Ipakita mo ang tunay mo na lakas, CON ALAS LOBO!!!" At bigla nalang akong nakaramdam ng matinding sakit pero hindi ko matumbok saan ang sumasakit sa katawan ko.

~Xavier~

Nataranta ang lahat nang biglang nawala ang babae. Ano'ng nangyari? Isang minuto, tumalon siya ngayon wala na? Ano'ng palabas toh? Wag mon'ng sabihin-

"Xavier, nasaan si Keith?" Natauhan ako ng sinabi yun ni Shane. Teka, ano raw???!!!

"Ano? Nawawala siya?" Taranta kong sinabi.

"Oo. Pero kanina andito lang siya. Diba nasa tabi mo lang siya?" Tanong ni Sam na natataranta na rin.

"Oo. Kaya nga impossible na mawala siya agad sa tabi ko na di ko napapansin."Paano na yan?!

"Teka, ano'ng ginagawa natin dito sa labas?" Rinig kong tanong ng estudyante na nasa malapit sa amin.

"Malay ko ba. May event ba?"

"Ewan ko."

"Eh, ano'ng ginagawa natin dito? Tara na nga." Pumasok ang lahat ng estudyante at nanatili pa rin kami sa kinatatayuan namin. Anyare? Ilang minuto, natataranta sila dahil nawala ang babae ngayon parang walang may nangyari? Ano tuh?

"Maganda ba ang ginawa namin?" Lumingon kami at naramdaman ko agad ang galit.

"Marcos"

"Long time no see, Xavier. Ang laki mo na. Nung una kitang nakita, maliit ka pa at puno ng takot ang nasa mukha mo." Tumawa siya. Kumulo ang dugo ko sa sinabi niya.

"Ikaw-"

"Xavier, huminahon ka. Hindi makakatulong ang galit mo." Napabuntong-hininga ako. Tama si Shane.

"Pwede bang tumigil ka na? May hahanapin pa kami." Lumakad kami ulit. Not minding his laughter.

Napahinto kami sa sinabi niya.

"Siya ba ang hinahanap niyo? Yung huling Winged? Ano nga ulit ang pangalan niya? Keith?" Tiningnan siya namin ng masama. Sabi ko na nga ba.

"Nasaan siya?"

"Huminahon ka lang. Nasa mabuting kalagayan siya. Naglalaro lang siya kasama ng bunso ko." Tumawa siya ulit.

"A-ano?"

"Ibalik mo siya sa amin!" Sigaw ni Sam.

"Kung manalo siya." Tumawa siya.

"Eh, tarantado ka pala-"

"Xavier, calm down. Wala tayong mapapala kung magaaway tayo dito." Sabi ni Paolo.

"Makinig ka sa kanya kung ayaw mo masaktan ang kaibigan niyo. Oo nga pala, bago ko makalimutan. Bakit niyo siya tinatawag na Keith. Di ba babae siya? Patay na ang kakambal niya, let me remind you."

"Alam namin yun." Nagulat ako kasi sinabi yun ni Sam at tumango si Paolo. Alam nila?

"Then why?" Aba, inuubos niya ang pasensya ko ah. Kanina pa siya meron smirk sa mukha.

"That's none of your business."

"Well, let me tell you. She is my business." Tumawa si Marcos ng malakas at hindi ko na talaga mapigilan.

Mabilis akong sumugod sa kanya at nagulat siya ng sinuntok ko ang mukha niya ng ubos lakas.  Tumalsik siya sa may pader at lumikha ito ng malaking crack.

"Wag' mo kong subukan, Xavier." Tumayo siya tiningnan ako na parang nang uuyam.

"Noon, natatakot ako dahil malakas ka. Natatakot kasi makapangyarihan ka. Dahil isa kang dragon. Pero ngayon, hindi ko na alam ang salita na yan." Tumawa lang siya ng malakas.

"Talaga lang ha."

"Oo, alam ko na mas malakas ako sa'yo noon. Pero, natakot ako kasi pinatay mo sila. Pinatay mo ang pamilya ko. Pero, bakit-"

"Bakit hinayaan kita mabuhay? Kasi gusto ko makaganti sa lolo mo. Pinatay niya ang pamilya ko kaya't pinatay ko siya at ang mga magulang mo. Pero, nakita kita. Kahit paano, meron akong konting awa kaya't binuhay kita. Hindi lang yun. Gusto ko maranasan mo ang hirap na pinagdaanan ko. Tsaka kasi bata ka pa. Samantala, ang lolo at mga magulang mo, malapit na rin ang oras nila. Kay inunahan ko na."

Kumulo na naman ang dugo ko. Sinuntok ko siya muli. This time, mas malakas na. Hangal tuh ah. Hindi ko mapigilan ang galit ko. Sinuntok ko siya ng sinuntok.

Nagulat nalang ako ng umiwas siya at sinipa ako. Napatalsik ako pero napatayo agad ako.

"Mukhang malakas ka na ah. Pero, hindi pa ngayon ang tamang oras na mag-tutuos tayo. Magpalakas ka pa. Meron ka pang tatlong buwan para maghanda. See you around." At bago pa ako makapagsalita, bigla na lang siya nawala.

Tsk, tarantado pala toh eh. Tumayo ako at nagsimulang maglakad ulit. Hindi nalang pinansin sina Alexander dahil alam ko sumusunod lang sila sa akin. Nawala na sa isip ko si Marcos at ang nag-iisang tanong lang ang nasa isip ko.

Kaith, nasan ka?

Behind Those Mysterious EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon