Chapter 3

149 4 0
                                    

~Kaith~

Naglalakad ako pauwi ng napaisip ako. Ano kaya ang ibig sabihin niya na 3 buwan ang ibibigay sa amin? Higit pa sa demonyo ang kalaban namin? Anong klasing nilalang yun?

Con alas lobo

Biglang sumakit ang dibdib ko. Ba't biglaan? Hinawakan ko ang dibdib ko at sumandal sa pader. Ang sakit! Parang dinudurog at kinakain ito. "Keith, masama ba ang pakiramdaman mo?" Minulat ko ang mga mata ko at nakita ko si Sam, nagaalala. "Ayos lang ako." Lumakad ako ulit pero hinahawakan ko pa rin ang dibdib ko.

Habang naglalakad ako, lalong sumasakit ang dibdib ko hanggang sa hindi ko na talaga kaya at napaluhod ako. Ba't biglang sumakit ang dibdib ko ng ganito? Hindi naman masakit kanina.

"Ayos ka lang bah?" Tumingala ako at nakita ko ang isang lalaki nakatingin sa akin at ang una kong napansin ay ang mga mata niya. Dilaw!

"Um, okay ka lang bah?" Na realized ko na nakatitig pala ako sa kanya kaya tumingin ako sa ibang direksyon at tumayo.

"Okay lang ako." Pagsisinungaling ko. Masakit pa ang dibdib ko pero mas kakaunti kesa kanina. Ewan ko bah. Nang tumingin ako sa mga mata niya, unting-unti nababawasan ang sakit.

"Sure ka ba? Mukhang hindi eh." Naramdaman ko na hinawakan niya ang balikat ko kaya napatingin ako sa kanya. Kulay dilaw talaga ang mga mata niya. Bigla ako napakalma at nawala bigla ang sakit sa dibdib ko. "Oo, okay lang talaga ako." Sabi ko sa kanya.

"Ah, okay." Sabi niya habang humihingal.

"Eh ikaw? Ok ka lang bah? Namutla ka kasi bigla."

"Ok lang ako. By the way, ako nga pala si Xavier." Nakangiti ulit siya sa akin.

"Keith."

"Ah okay, it's nice meeting you." Ningitian niya ako ulit.

"Ako rin. Sige, mauna na ako."Sabi ko.

"Sige, I'll see you around." At ipinagpatuloy ko ang paglalakat

~Xavier~

Pinikit ko ang mga mata ko at napasandal sa pader. Ba't ganun? Bigla nalang sumakit ang dibdib ko nung hinawakan ko ang balikat niya? Dahil sa sobrang sakit, napaupo ako. Napaka sakit!!!

"Xavier, ba't namumutla ka?" Tanong sa akin ni Alexander. Hindi ko na kinakailangan tumingala kasi alam ko ang boses at ang anino niya.

"Hindi eh. Bigla nalang sumakit ang dibdib ko. Tol, sobrang sakit!" Sigaw ko.

"Teka, dadalhin kita kay Lucas." Sabi niya. Inaalayan niya ako papunta sa kotse niya.

Pinaandar niya ang kotse at pinatakbo ng mabilis. Napahawak ako ulit sa dibdib ko. Ba't napaka sakit?

Hindi ko namalayan na dumating na kami sa bahay ni Lucas nang bigla niya ako inalalayan palabas ng kotse niya.

"Alexander, Xavier, ano'ng ginagawa niyo dito?" Rinig ko tanong ni Lucas. Pinaupo ako ni Alexander sa upuan at napasigaw ako. Hindi ko na talaga kaya ang sakit!

"Kailangan namin ng tulong niyo. Hindi ko alam kung bakit pero sumakit bigla ang dibdib ni Xavier." Rinig ko sabi ni Alexander. Parang nararamdaman ko na lalabas siya.

"Xavier, huwag mo palabasin si Xever." Sigaw ni Lucas sa akin.

"ANG SAKIT!!!"

"Makinig ka, Xavier. Gusto kong isipin mo ang ginagawa mo bago sumakit ang dibdib mo. Tapos, titigil yan sa isang tao. Ngayon, isipin mo."

Inisip ko ang ginawa ko kanina tapos bigla nalang tumigil sa isang...

Lalaki?

Babae?

Ewan! Mahaba kasi ang buhok niya at...

Ah, bahala na nga!

"Tumigil sa isang tao, tama? Ngayon, subukan mong itapon sa kanya ang sakit pabalik." Sinubukan ko pero ilang segundo pa lang, bumalik sa akin at 5x na ang sakit. Dahil dun, sumigaw ako ulit.

"Ba't di gumana?" Rinig kong tanong ni Alexander.

"Hindi ko rin alam. Dapat nawala na ang sakit ngayon. Pero dahil sa sigaw niya, alam kong nadagdagan pa." Obvious naman ah!

Napasigaw ako ulit pero mas malakas at maririnig mo ang sakit.

"Ano'ng nangyayari dito?" Hindi pamilyar sa akin ang boses na yun.

"Nick, hindi namin alam ang gagawin. Sumakit bigla ang dibdib ni Xavier." Sabi ni Lucas. Si Nick pala.

"Nagawa niyo na bah?"

"Opo, pero parang na doble lang ang sakit."

Biglang tumahimik ang lahat. Ay teka, ano'ng meron? May namatay bah? Sana hindi ako.

"Impossible." Sabi ni Lucas.

"Pero possible. Tignan mo Lucas, sinubukan niya pero hindi niya naibalik. Nadagdagan lang ang sakit. Hindi ito magagawa ng isang ordinaryong tao. Sa palagay mo, kung sempling tao lang ito, dapat kanina pa ni Xavier naibalik ang sakit na nararamdaman ng tao bago pa niya ito nahawakan. At, paano mararamdaman ni Xavier ang sakit kung hindi niya ito hinawakan? At isa pa..." Tinignan niya ako. Medyo masakit pa ang dibdib ko pero hindi katulad kanina.

"Xavier, nakita mo bah na magkaiba ang kulay ng mga mata niya?" Tanong ni Nick.

"Opo, magkaiba po sila kahit tinatago niya ang kanang mata niya. Yung sa kabila-"

"Kulay berde. Ang nakikita ng lahat. Kulay bughaw. Ang tinatago sa lahat. Tama?" Nanlaki ang mga mata niya, paano'ng?

"Tama nga ako." Tawa ni Nick.

"Pero impossible. Nawala na silang lahat." Sabi ni Lucas. Tumingin sila sa akin. O, bakit niyo ako tinitignan ng ganyan?

"Siguro nagkamali lang tayo. Mukhang may nabuhay sa giyera." Ha? Ano raw? Tumango silang lahat maliban sa akin at kay Alexander.

"Mukhang meron pa tayong pag-asa." Tumingin sila ulit sa akin. Teka, anong nagawa ko?!

"Xavier." Tumingin ako kay Lucas.

"Alam mo naman na merong giyera na paparating." Tumango ako. At alerto ako sa paparating na giyera.

"At alam mo ring namatay sila dahil sa labanan na ito." Tumango ulit ako. Hinding-hindi ko yun makakalimutan.

"Pero, hindi lahat ay namatay." Tiningnan ko siya. Hindi lahat?

"May nabuhay?" Tumango siya.

Kaligayahan. Yun ang nararamdaman ko ngayon. Salamat, kasi may nabuhay kahit isa sa kanila at meron pang pag-asa upang manalo kami.

"Talaga po?! Edi, magandang balita yan. Teka, sino pala siya?" Nginitian niya ako.

"Isipin mo ng mabuti." Tiningnan ko siya. Teka, wag mong sabihin...

"Oo, Xavier. Siya nga. Ang nagbigay sayo ng sakit sa dibdib." Sabi ko na nga bah! Tumayo ako at tumingin kay Lucas at Nick.

"Salamat po dahil tinulungan niyo ako. Aalis na po kami." Sabi ko sabay tulak kay Alexander palabas ng bahay nila.

"Alam mo na ang gagawin, Xavier. I trust you with this mission." Sabi ni Nick sa isip ko.

Kung siya lang ang tanging pag-asa namin upang hindi matalo at maubos, hahanapin ko siya at bubuksan ang tunay niya na pagkatao. Hindi niya dapat itinatago kung sino siya. Dahil siya ang pag-asa ng lahat.

Si Keith.

Ang huling leader.

Ang huli at tanging pag-asa.

Con alas lobo...

Behind Those Mysterious EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon