Chapter6

108 5 0
                                    

~Kaith~

Kahit marami pang mga tanong ang nasa isip ko, parang lumilinaw na sa akin ang lahat. Ganito ang mata ko dahil sa nanay ko. Meron akong Royal Blood. Buong buhay ko, akala ko sinumpa ako. Akala ko malas itong mga mata ko.

"Nagdadalang tao noon ang nanay mo and your father never left your mother's side. Merong dragon na sinubukan kayong patayin but your father sacrificed himself just to protect your mother." Sabi ni Xavier.

"Teka, ano'ng sinasabi mo? Buhay pa ang papa ko."

"I know but he's not your real father. Ang totoong tatay mo ay isang Winged Wolf. At ikaw ay isang Pureblooded Winged Wolf at nag-iisa na lang sa buong mundo." Natahimik ako. Ang tanging naririnig o lang ay ang malakas na hangin at ang mga alon.

Grabe! hindi ako isang ordinaryong tao lamang. Buong buhay ko, hindi ko naisip na kakaiba ako. Malabong maging normal ako, oo alam ko yun, pero isang....?

"Ayos ka lang bah?" Tanong niya. Tumingin ako sa dagat at pinikit ang mga mata ko.

"Kahit minsan, hindi ko naisip na merong magandang lugar na tulad nito. Akala ko, kathang isip lang ang lahat ng ito. Mga kuwentong pambata.  Pero, nagkamali ako. Lahat ay totoo at pati ako ay parte nito."

"Hindi lahat ng akala mo ay hindi totoo. Hindi lahat ng naiisip mo ay tama. At hindi lahat ng tama ay mali." Binuksan ko ang mga mata ko at tumingin sa kanya. Nakatingin siya sa akin.

"Pero, bakit nararamdaman ko na mali ang lahat na ito?"

"Wag' mong isipin yan. Walang mali sa mundong ito." Tumahimik nalang ako. It doesn't makes sense.

Nagbuntong-hininga sya.  "Kailangan mo tanggapin kung sino ka. Isa kang makapangyarihan at malakas na nilalang na pinapangarap ng iba." Tumahimik ako ulit. Bahala na nga!

"May tanong sana ako."

"Go ahead."

"Ano'ng ibig sabihin ng paparating na giyera?"

Tumahimik siya bigla. Mukhang seryoso siya sa tingin niya sa akin.

"Sino nag sabi niyan sa'yo?" Seryosong-seryoso siya.

"Hindi ko alam. Bigla nalang ako hinila sa isang silid at hindi ko nakita ang mukha niya."

"Meron pa ba siyang sinabi."

"Sa pagkaalala ko, meron tayong tatlong buwan na paghahanda sa pagdadating na giyera. Laban ng kalahi natin at ang kaaway natin ay higit pa sa demonyo."

"So, the history will repeat itself." Bulong niya pero narinig ko.

"Ano'ng ibig sabihin nun, Xavier? Mangyayari ulit ang nangyari 30 years ago?"

"Hindi ako sigurado. Maaari o maaaring hindi. Pero, kailangan din natin maghanda dahil hindi natin alam kung kailan sila aatake. It is better to be ready." Tumango ako. Tama siya. Wag tayong umasa kung kailan sila aatake.

"Nasagot ko na bah ang mga tanong mo?"

"Hindi lahat."

"Alam ko. Ang ibang mga tanong mo, ikaw lang mismo ang makabigay ng sagot. Dahil, hindi lahat ay alam ko."

"Alam ko yun, Xavier. Alam ko."

May sasabihin pa sana siya nang biglang may narinig kaming isang malakas na sigaw. Pero, hindi isang ordinaryong sigaw. Isang nakakatakot na sigaw.At ang sigaw ay parang isang leon. Pero malakas pa sa leon.

"Let's go." Bigla niya ako binuhat at tumakbo ng mabilis. Pagtingin ko sa likod namin, nakita ko ang isang nilalang na akalo ko kathang isip lang.

Dragon.

Impossible. Paano merong nilalang na yan? Napakalaki niya at mukhang huli na niya kaming nakita. Nagtago kmi sa isang malaking puno. Pumunta sa harapan namin ang dragon. Hindi ako makahinga sa sobrang takot. Ewan ko bah. Pagpunta niya sa harapan namin, takot agad ang nararamdaman ko.

Biglang hinawakan ni Xavier ang kamay ko at nawala agad lahat ng takot. Nginitian niya ako at tumingin ulit sa dragon. Napakalaki niya. Kulay pula siya at ang mga pakpak niya ay parang sa mga paniki na higante!

"Tara na. Ihahatid kita sa bahay mo." Lumabas kami nang wala na ang dragon.

Sumakay kami at pinaandar na niya ang kotse. Pag tingin ko sa labas, may nakita akong isang babae na naktingin sa akin at parang kailangan niya ng tulong. Lalabas sana ako muli nang bigla siyang kinuha ng dragon. HINDI! Pinigilan ako ni Xavier.

"Kailangan natin siyang iligtas!." Sabi ko na parang iiyak.

"Hindi ngayon."

"Pero-"

"Ililigtas natin siya. Pero, hindi ngayon. Hindi pa tayo handa. Hindi ka pa handa. Isa yung babala."

"Babala? Para saan?"

"Na meron nalang tayong 3 buwan at mukhang tama nga ako."

"History will repeat itself." Tapos ko.

Behind Those Mysterious EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon