Chapter 26

60 3 1
                                    

~Kaith~

"Bakit ka sumama ulit?" Tanong ko habang naglalakad papunta sa school namin, kasama si Keith.

~FLASHBACK~

Tumakbo na ako palabas ng kwarto ko at kinuha ang bag ko.

Naku, patay ako nito. Late na ako!!! Aish, sira na naman ang alarm clock ko!!!

"O, hinay-hinay lang. Baka madulas ka." Sabi ni kuya luke pagkababa ko.

"Late na kasi ako!"

"Teka, Kaith or Keith?"

"Si Matt. Syempre si Kaith po."

"Pasensya na. Nakasuot ka kasi ng panglalaki at nakalimutan ko na may pasok ka. Walang duda, kambal nga kayong dalawa." Tumawa siya at tumango nalang ako.

Lagot ako nito kay sir! Sana wala niya napansin na wala pa ako dun kasama ni Shane!

Oo nga pala! Si Shane! Sana alam niya ang gagawin dun. Naku...

"Kaith! Teka lang! Ang bilis mo tumakbo!" Tumigil ako sa pagkakatakbo at lumingon.

"Keith? Ba't hinahabol mo ako?" Tanong ko ng huminto siya sa tabi ko.

"Sasama ako sayo."

"Ha? E-Eh kasi-"

"Dinalhan kita ng damit. Pumalit ka nalang sa shop malapit sa school mo."

Tumango nalang ako. Alam ko na hindi ako mananalo kung aangal pa ako sa kanya.

~FLASHBACK ENDS~

"Wala lang. Gusto ko lang sumama sayo. At para maging babae ka ng isang araw." Kinindatan niya ako at tumawa ako.

Alam niya na lagi ako nagpapanggap bilang 'Keith'. Lagi raw siya nagmamasid kaya alam niya ang lahat ko na ginagawa na hindi ko nahahalata na sumusunod siya kahit saan ako magpunta.

"So, saan ka nakakuha ng damit na tuh? Wala akong damit na katulad nito at mukhang bago pa tuh." Sabi ko sabay turo sa damit.

Nakasuot ako ng dark blue dress na sleeveless. Yung sa ibaba o sa palda ay puti. Meron ding ribbon sa left side ng dress. Meron din itong colar na puti.

"Nabili ko. Para sana yan kay mama kaya lang, meron na rin siyang dress na katulad yan pero magkaiba lang ng kulay. Kaya napagisipan ko na kung magkita tayo ulit, ibibigay ko yan sayo."

"Salamat. Ang ganda." Ngumiti siya at tumigil kami nang lumapit sa amin ang guard.

"O Keith, late yata ah. At teka, sino yang kasama mo?"

Ngumiti ako "Kaith."

Nanlaki ang mata niya at tumawa kaming dalawa.

"A-Ah, I see. Well, nice to meet you and hope you enjoy the festival." Nginitian niya ako.

Nagpasalamat ako at pumasok na kami.

Grabi, ang daming tao! Mas marami pa kesa sa kahapon. Second day palang ha.

"Keith! Andito ka na pala!" Rinig namin nang malapit na kami sa classroom.

"Sorry." Sabay naming sabi at tinignan niya ako. Oo nga pala.

"Uh, who's this?" Tanong ng isang kaklase namin.

"I'm Kaith. Sorry about that."

Katulad nung guard, nanlaki rin ang mata niya. Ops, dapat masanay na ako.

Behind Those Mysterious EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon