Chapter 32 (Part 1)

26 1 0
                                    

~ 3rd person ~

They said Time is your friend, that's why you should always treasure it. It is very precious to every person in this planet. But time can also be your enemy. Lahat ay nawawalan ng oras, kaya lahat tayo ay naghahabol. Pero bakit ba tayo nauubusan ng oras? Dahil ba talagang natapos na ang mission mo dito sa munda? O sadyang, sumusuko ka na, kaya akala mo oras mo na?

Pumasok siya sa isang malaking silid at yumuko upang magbigay respeto sa lalaking nagsusulat ng seryoso.

"Andito na po yung anak mo, sir." Sabi ng matanda na nanatiling nakayuko. Ramdam niya ang aura galing sa kanyang amo. Kalma pero nawawalan na ng pag asa. Wala na ba talaga? Kailangan na ba natin tanggapin ang pagkatalo?, inisip ng matanda.

"Let him in" Sabi ng amo nya habang nasa mga bundok ng papel, galing sa iba't ibang grupo, parin ang atensyon niya.

Pumasok ang isang binata hawak ang isang libro na ipinadala sa kanya ng lolo niya. Yumuko at tinignan niya ng mabuti ang kanyang ama na nabigo niyang nakawin ang atensyon. Walang pinagbago nung umalis ako kanina, isip ng binata.

"Dad, how was the investigation?" Tanong niya sa kanyang itay na bumuntong-hininga.

"Still none. We tried investigating on the west side of the city pero wala pa rin. Hindi pa rin namin sila mahanap. We also tried searching for them on the mountains, and disappointment only awaits us!" He groaned in frustration.

Again? Tanong ng binata sa sarili niya. This is the 8th time they investigated the mountains. Mabuti nga walang nasaktan because the last time they did, muntikan na sila nalaglag sa pinaka mataas na parte ng bundok. But on the bright side, wala naman sa kanila ang nasaktan ng seryoso o namatayan.

"Anyways, what brings you here? Diba may class ka pa? Don't tell me you're skipping again?" Tinaasan niya ng kilay ang kanyang anak.

"Not really but I might consider." He chuckled, making his father glare at him. Tumawa siya at sumeryoso ang mukha. "Actually andito ako dahil gusto ko ikaw mismo ang mag confirm sa akin kung totoo bang nireject tayo ng Nyx at Dark Crows."

Bumuntong-hininga ang kanyang ama at tumayo habang hinahawakan ang isang papel, at tumingin sa labas. The truth spreads fast, huh? He thought, at talagang naka abot na sa kanya. Ibig ba sabihin, naka abot na rin tuh sa kanyang lolo? Hopefully not. Ayaw ko mawalan ng ulo ng maaga.

"Stop listening to some gossip son, is what I want to say pero magsisinungaling ako kapag sinabi ko yun." He chuckled, "Unfortunately, it's true. They won't join the alliance until we find some proof that we're not using them to destroy the whole humanity. But anyways, kailangan namin bisitahin ang mamaya ang mga kaibigan natin sa timog and, at the same time, kailangan natin humingi ng tulong sa kanila para sa upcoming visit ng isang clan galing Europa. I don't want to screw this one up at kailangan nila malaman ang balita na namatay na si Crystal."

Tumigil ang binata sa kanyang paglalat papunta sa kanyang ama ng marinig niya yun. Si Crystal? Namatay? How the hck?! 

"Teka, teka, TEKA! Paano siya namatay?! Confirm na ba yan? Kailan lang nangyari yun? Sino ang nagsabi sayo? Totoo ba talaga yun? And most importantly, WHO THE F KILLED HER???!!!!!"

"I cannot answer all of that pero sinabi sa akin na pinatay siya ng isang tao. Although hindi ako naniniwala na isang tao talaga ang tumapos sa buhay niya."

Hck yeah they're not, he thought. Putek, eh ako nga maramdaman ko lang si Crystal kahit hindi talagan one hundred ten percent, eh daig ko pa si road runner tumakbo at magtago. Yun pang ORDINARYONG tao pa kaya. Plus, dragon si Crystal. Akala ng mga tao eh mga kathang isip lamang ang mga dragon. Unless parte ka ng isang clan edi ibang usapan na yun.

Behind Those Mysterious EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon