Chapter 18

74 3 0
                                    

~Xavier~

Phew, muntikan na yun ah. Mabuti nalang may newspaper sa gilid ko kaya natakpan ko agad ang bintana. Nagtataka kayo kung sino yun nuh?

Sino pa ba, edi walang iba kundi si Dwight.

Ba't ayaw niya pa kasi magpakita sa kapatid niya at makikita naman sa mga mata niya na nahihirapan siya sa sitwasyon niya ngayon.

Hay, hindi ko talaga alam kung ano ang iniisip niya. Dapat nga magpakita na siya kay Kaith para maging masaya na silang dalawa at mapo-protektahan niya pa si Kaith sa mga kalaban.

Speaking of masaya, magiging masaya rin si Kaith kung magkikita sila ulit ni Keith. Mukhang buhay pa si Keith. Rinig ko kasi kay Dwight na magagalit si...

Sino nga yun ulit? A basta! May magagalit kung hindi pa nakakauwi si Keith.

"Xavier!" Huminto ako sa paglalakad at tumigil si Kaith at humihingal.

"Ang bilis mong maglakad. Oo nga pala, hintayin niyo ako sa gate. May sasabihin lang ako kay sir at pupunta tayo sa kaibigan ko. May kukunin lang ako sa kanya." At bago pa ako makapagsalita, tumakbo na siya papalayo sa akin.

Napabuntong-hininga ako. Grabe talaga ang babae na tuh. Minsan, nagtataka na talaga ako kung si Kaith ba talaga yan o si Keith.

Lumakad ako ulit. Napatingin ako sa bintana at nakita ko ulit ang puting pakpak na nasa harapan ko pero bigla na lang siyang nawala. Hay, nawala siguro sa paningin niya si Kaith.

Umupo ako sa bench malapit sa gate at hinintay si Kaith. Bumili lang sina Alexander at Shane ng pagkain. Habang sina Sam at Paolo ay wala pa.

Tumingin ako sa gate at may nakita akong dalawang babae na natingin sa malaking school sa harapan nila. Well, hindi ko sila masisisi. Nung first time namin ni Shane at Alexander pumunta dito, napanganga din kami sa ganda. Parang palasyo kasi siya dahil sa laki, shape at ang kulay nito. Kulay puti po yung kulay, if you're wondering.

Tiningnan ko ng mabuti ang mga babae. Hindi sila taga dito obviously. Kahit nakacivilian attire kami, malalaman namin kung estudyante ka dito dahil meron  kaming belt na na may logo ng school at mga relos na binigay din ng school. Para raw malaman nila kung nasaan kami at para mahanap kung nawawala kami. Cool nga e.

Obvious naman ang relo dahil umiilaw ito kapag may malapit sa amin na estudyante sa school na tuh. Wala silang relo at iba ang belt nila. Against the rules ang hindi pagsusuot ng belt at relo na ibinigay sa amin. Parang I.D. na rin namin yun kaya pinapasuot sa amin yun at para ma identify kung estudyante ka dito.

Pumasok ang dalawang babae habang namamangha parin sa malaking school sa harapan nila. Now, I can get a closer look.

Matangkad pareho pero yung nasa kanan hanggang noo lang ng isa. Yung nasa kanan, na matangkad, ay mahaba ang buhok, maputi, blue eyes, naka white long sleeve, blue jeans at boots na hanggang tuhod.

Yung medyong matangkad na nasa kabila ay mahaba rin ang buhok, maputi rin, brown eyes, naka black t-shirt, blue jeans at boots na hanggang tuhod rin.

"Ah, miss." Sabi ko at tumingin sila sa akin.

"Ah, is there anything you need?" Tanong ko. Hirap mag english. Ayaw ko naman kaya nga lang, sabi ng principial namin, kailangan namin magsalita ng english kapag may bisita. Para good impression daw.

"Oh, um, I just want to know if this is Golden Lion Academy." Tanong ng naka-long sleeve sa akin.

Tumango ako "Well, it is."

Napabuntong-hininga sila at ngumiti. Makikita sa kanilang mukha ang saya. Dahil siguro nahirapan sila hanapin ang school na tuh. Private kasi ang school na tuh at mahirap hanapin dahil malayo tuh at medyo tago pa.

Behind Those Mysterious EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon