Chapter 17

65 3 0
                                    

~Kaith~

"Keith, ayos ba ang ginawa ko?" Tanong ni Alexander nung pumasok ako. Friday na ngayon at next week na ang school day.

Last week, laging pumupunta sina Sam, Paolo, Xavier, Alexander at Shane tuwing hapon. Sabi kasi ng doctor na kailangan ko muna manatili sa bahay namin at magpahinga. Kaya, one week akong hindi na naman nakapasok.

Kaya nung bumalik ako nung monday, nagulat ako nang biglang sumigaw ang mga kaklase ko na andito na ako at tumatalon sila sa tuwa. Sa monday na ang opening kaya kailangan na naming tapusin toh.

"Okay na yan. Lagay mu nalang sa blackboard para maging creepy." Nag-smirk ako. At mukhang nakuha niya naman ang ibig ko sabihin kaya inilagay niya na sa blackboard.

Lumabas ako at tiningnan ang amin room. Nag-smirk ulit ako. Hindi nila malalaman na horror room tuh.

Ang decoration sa labas ay may mga hearts. Nilagyan namin ang pader ng mga newspaper at pinintahan ng kulay pink. Sa pintuan, makikita mo ang malaking illustration na nakalagay "Wonderland: For Lovers and Groups."

Well, sabi kasi ng principal namin na dapat hindi malaman agad ng mga guest at mga estudyante kung ano ang aming theme. Kailangan raw ma surprise sila. Mabuti na lang na isipan ko agad yun. Nakapagsimula na kasi kami sa loob ng classroom pero sa labas, hindi pa, kaya nagawan namin ng paraan.

Pumasok ako sa loob at nagulat ako sa nakita ko. Ang makikita mo sa loob ay kulay pula dahil nilagyan namin ng plastic na pula ang ilaw. Patay sindi din ang ilaw dahil merong tao malapit sa switch, na hindi halata dahil sa dilim, na pumapatay nito.

Naglakad-lakad ako para makita kung ano ang kulang at mukhang wala naman. Ayos na ang rocking chair, mga fake bloods sa pader, mga mesa, mga ibang bagay at ang mga manika.

"Mukhang handa na toh para sa lunes." Sabi ng professor namin ng lumabas ako. Makikita sa mga mata niya ang excitment.

"Opo. Ang kulang na lang po ay ang mga multo." Sabi ko.

Lumabas na ang ibang kaklase ko at mukhang excited na rin sila. Nakakatuwa silang tingnan.

"Okay, mukhang ayos na ang lahat. Pero, kailangan din namin mag-assign ng mga tao para manakot. Keith, ikaw na ang bahala." Sabi ng professor namin. Tumango ako at pumunta sa gitna.

"Okay, so, I'm just wondering kung okay lang sa inyo kung lahat tayo ay kasali. Syempre, except kay sir dahil isa rin siya sa mga judges ng mga room. Pero kung ayaw niyo, ayos lang." Sabi ko. At mukhang wala naman tumanggi.

"That's good. Okay so, mag-aasign na ako. I will divide you to groups. Yung mga tatawagi ko ay ang mga multo. Ang hindi ko tinawag, maghintay kayo. At sa tatawagin ko, tumayo kayo at pumunta dito sa harapan, okay?" Tumango silang lahat at nagsimula na ako.

So meron kaming five groups. First group na merong tatlong myembro ay ang mga white lady since mga babae sila at mahahaba ang mga buhok. Yung second, na merong apat na myembro ay ang mga zombie. Third, na merong apat na myembro din, ay mga zombie rin pero tagahabol sila ng mga papasok. Yung fourth, three members, ay ang mga crawlers. Sila yung parang sadako. At the last but not the least, the fifth, with six members, sila yung nasa ilalim ng mga mesa na hihila sa paa ng mga dumadaan.

Ang natira ay sina Christopher, Vince, Joshua, Earl, Sabrina, Chanel, Mary, Alexa, Sam, Shane at Xavier.

Pinapasok ko ang limang grupo sa classroom para makapagplano na sila kung saan sila pupuwesto at umupo kami ng pabilog sa sahig.

"Okay, so kayo ang naiwan at malaki ang role niyo dito. Ako ang pipili kung ano ang gagawin niyo at sa monday, punta kayo dito ng maaga para mahanda ko kayo. Nagkakaintindihan ba tayo?"

Tumango sila at nag isip ako kung ano ang gagawin nila. Ilang segundo pa, nakaisip na agad ako.

-------------------1 hour later--------------------------

"Kailangan niyo pumunta bukas dito para makita niyo ang susuotin niyo. And yes, ako na ang bahala sa susuotin niyo dahil meron akong mga damit na babagay sa inyo. Pupunta rin ang ibang kaklase natin dito bukas para ma-finalize na natin ang lahat. Okay?" Tumango silang lahat at pumasok na kami sa loob.

At mukhang ayos na ang lahat at ang kulang na lang ay mga damit na susuotin namin.

"Okay na ba, Keith?" Tanong ni sir nung pumunta ako sa tabi niya. Tumango lang ako at ngumiti siya.

"Okay na po. Kailangan na lang po natin pumunta dito bukas para makita na natin ang susuotin nila at para ma-finalize na natin ang lahat para wala tayong problema sa lunes." Sabi ko.

"Sabi ko na nga ba at hindi ako nagkamali na piliin ka na maging in-charge at planner nito." Tumawa siya at pumunta sa gitna ng classroom.

"Okay, class listen. Malapit na matapos ang room natin. Pumunta kayo bukas dito sa school. Dapat 8:30, andito na kayo. Sundin niyo ang sinabi sa inyo ni Keith. Kung may pinapadala siya sa inyo, wag niyo kalimutan, please lang if gusto niyo manalo tayo. Understand?" Tumango kami lahat at ngumiti si sir.

"Anyway, since ang iba sa inyo ay kailangan bumili ng mga kulang sa ating room at dahil sa hard work niyo, pwede na kayong umuwi ngayon." Napa "yay" ang lahat pero walang lumabas dahil meron pa silang 'meeting' para sa dadalhin nila bukas.

Tumawa nalang ako. Gusto talaga nilang manalo. Pero, mukhang ayos na ang lahat at ang kulang na lang ay ang mga damit.

Pumunta ako sa bintana at may napansin ako nakakaiba.  Maliban sa hindi ito nilagyan ng newspaper ay merong kumikinang na bagay. Kinuha ko ito at napansin ko na isang singsing pala eto.

Parang pamilyar ang singsing na tuh. Parang nakita ko na ito dati pero, hindi ko maalala.

"Keith, ayos ka lang ba?"  Muntikan na akong tumalon sa gulat. Si Xavier lang pala.

"A-ah, ayos lang ako. T-teka, asan na sila ni Sam?" Inilagay ko sa bulsa ko ang singsing at mukhang nakita yun ni Xavier.

"Naglalagay ng mesa sa labas. Teka, ano'ng tinatago mo sa bulsa mo?" At bago niya pa makuha kung ano ang nasa kamay ko, hinawakan ko ang kamay niya.

"W-wala. May basura lang akong kinuha. T-teka, ba't hindi niyo nilagyan ng newspaper ang bintana na tuh?" Sabi ko sabay turo sa kanya ng bintana na nasa likuran ko.

"Ay, nakalim-" Bigla nalang lumaki ang mga mata niya nung tumingin siya sa bintana. Anyari?

"Shoot!" Bulong niya. Lumingon ako para makita kubg ano'ng meron pero hinawakan niya ang balikat ko kaya napatingin ako sa kanya. Tinaasan ko siya ng kilay.

"Ano'ng meron?" Tanong ko.

"A-ah, wala. May ibon lang na lumilipad." Nginitian niya ako.

"E, ba't pinigilan mo ako kung ibon lang pala?"

"E-eh k-kasi-"

Lumingon ako ulit at bago pa man ako makakita ng kung ano sa bintana, bigla na lang nilagyan ni Xavier ng newspaper ang bintana.

"Lalagyan ko na ha? Baka makalimutan pa natin. Tara na nga. Hinihintay na tayo ni Sam." Kinuha niya ang kamay ko at hinila ako palabas ng pinto pero tumigil ako at tumingin ulot sa bintana na meron nang newspaper.

Nakakita ba talaga ako ng puting pakpak o guni-guni ko lang yun?

Napabuntong-hininga nalang ako at isinirado na ang pinto.

Guni-guni ko lang siguro yun.

Behind Those Mysterious EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon