Chapter 14

59 3 0
                                    

~Xavier~

Andito pa rin kami sa kwarto ni Kaith. Tahimik lang kami naghihintay sa kanya na magising. Simula nang nawala ang lalaki, binantayan na namin si Kaith. Baka ano pa ang mangyari sa kanya.

Sino kaya yun? Bakit pareho sila ng kulay ng mata ni Kaith? Possible kaya si Keith yun? Pero, patay na siya.

Teka, paano pala siya namatay?

Ang tanga-tanga ko talaga! Paano kung si Keith pala yun! Haish, ano ba yan!

Nagagalit pa rin ako sa sarili ko nang biglang nagsalita si Alexander.

"Paano kung si Keith yun?"

"Yun din ang iniisip ko!" Sabi namin ng sabay. Tumawa kami.

"At mukhang parehas tayo ng iniisip." Sabi ni Shane.

Parehas kami ng iniisip pero parehas din ba ang sagot sa iniisip namin?

"Parang impossible e." Sabi ni Sam "E kasi, namatay si Keith dahil sa plane crash. Nakita ang katawan niya pero sunog na ito at impossible pa na mabuhay siya."

Tumango si Paolo "Oo nga. Impossible talaga. Andun rin ako sa hospital at nung nag DNA test sila kung talagang si Keith yun. Positive naman."

Tumahimik kaming lahat. Haish, ang sakit ng ulo ko! Ba't ayaw niya kasi ipakita ang mukha niya? Takot ba siya sa araw o ano?

"Possible kaya..." Tumingin kami kay Shane.

"Possible kaya ang nanay niya?" Binatukan ni Alxander si Shane. Hindi ko rin siya masisisi. Kung malapit lang ako kay Shane, malamang binatukan ko na rin siya.

"Nagbibiro ka ba? Lalaki yun nakita natin, hindi babae! At saka, kung babae yun, bakit hindi mahaba ang buhok niya?"

"Baka nagpagupit lang." At bago pa mabatukan ulit ni Alexander si Shane, biglang nagsalita si Paolo.

"Baka ibang Winged na naka-survive."

Pwede. Pwede rin hindi. Pero ang alam ko ay si Kaith na lang ang buhay.

"Pwede rin pero sa pagkakaalam ko, si Kaith na lang ang buhay at impossible na isang Winged yun. Kasi hindi naman magkakaparehas ang mga mata nilang lahat." May point si Alexander.

At may napansin ako sa bintana malapit sa higaan ni Kaith. Binuksan ko ito at laking gulat ko sa nakita ko.

Isang gold, red at white na feather.

Kinuha ko ang ibang piraso ng mga ito at ipinakita sa mga kasama ko. Nagulat rin sila sa nakita nila.

"Impossible." Yun lang ang nasabi nilang lahat.

"Alam ko, kaya pupunta tayo kay Lucas para malaman natin kung ano at kanino eto." At tumayo ako.

"Pa'no si Kaith?" At yun nga pala. Nakalimutan ko na tulog pa si Kaith.

"Oo nga pala, well-"

"Ako na po ang magbabantay sa kanya." Lumingon kami at nakita namin ang isang maid sa pintuan.

Ngumiti siya at pumasok na may dala-dalang mga unan.

"Ako na po ang magbabantay sa kanya. Pumunta na kayo sa pupuntahan niyo. Ako na ang bahala kay Lady Kaith."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Oh shoot, patay kami dyan. Kailangan namin mag isip ng paraan bago pa  malawan ng maid na tuh ang sekreto namin.

"A-ah, nagkakamali po k-kayo. S-siya po si-"

"Mistress Kaith. Alam ko po yun. Pumunta na kayo sa kaibigan niyo. Para malaman niyo na kung si Master Keith ba yun o iba." Ngumiti siya at lumabas na kami ng kwarto ng bigla siya nagsalita.

"Oo nga pala. Pag labas nyo ng bahay, dumiretso kayo sa likuran. Nandun ang mga motor niyo malapit sa gate. Dumiretso lang kayo. Let's just say, it's a shortcut to Lucas's house."

"Who are you?" Yun lang ang nasabi ko.

"Claire Vallegas. Loyal Maid of Mistress Kaith. Nice seeing you again Xavier, Shane......... Alexander." Ngumiti siya at sinara ang pinto.

Tumingin ako kay Alexander at mukhang nagulat din siya. E sino naman ang hindi magugulat kung makita mo bigla ang kapatid mo na hindi mo nakita in 2 years? At maid pa ng pinakamalakas at makapangyarihan na nilalang sa mundo namin.

"Wooo, bad timing na dito pa pala natin nakita ang kapatid mo." Sabi ni Shane.

"She's my step-sister. Tara na nga." Tinignan kami ni Sam at Paolo at nag-kibiy balikat na lang ako.

Behind Those Mysterious EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon