Chapter 7

109 3 1
                                    

~Kaith~

Minulat ko ang mga mata ko at tumingin sa kisame. Naka tulog pala ako.  Hindi ko namalayan na nakauwi na ako kagabi. Nakakapagod kasi. Tumayo ako at naligo. Sinuot ko ang uniform at pumunta sa kusina.

"Good morning, Master Keith."

"Good morning to you too, Violet. Where's dad?" Umupo ako at nagsimulang kumain.

"He went to work early. He said he will be home late."

"Oh, okay. Thank you." Nag bow siya at lumabas. Sabi ko na nga ba. Gagabihin na naman siya.

Tumayo na ako, kinuha ang bag ko na malapit sa pinto at lumabas. Malapit lang naman ang paaralan namin kaya naglakad na lang ako.

"Keith!" Lumingon ako at nakita ko si Paolo at Sam tumatakbo papunta sa akin.

"Oh, akala ko bah sumasabay kayo sa service niyo." Sabi ko nung nasa tabi ko na sila.

"Hindi. Nagkasakit kasi ang driver namin kaya nilakad nalang namin." Sabi ni Sam.

"Teka, ang layo kaya ng bahay niyo."

"Ayos lang. Ang saya nga eh. Masarap ang hangin at parang exercise narin namin yun." Tumawa nalang kami at nagsimulang maglakad.

Pagpasok namin, tumili nanaman ang mga babae at dinumog kami. Grabe, hindi bah sila napapagod? Araw-araw nalang kasi sila sumisigaw at naghahabol sa amin.

"Go back to your rooms, NOW!" Sigaw ng principal namin at mukhang natakot sila kaya tumakbo na palayo sa amin.

"The three of you, go to your rooms. Paaralan ito, hindi Concert Ground." Tumango kami at tumakbo sa loob.

"Grabe, nakakatakot talaga si Miss Zulueta. Parang tigre." Sabi ni Paolo ng umupo na kami sa mga upuan namin.

"Well, what do you expect? Araw-araw nalang kasi tumitili ang mga estudyante. Sino bah ang hindi sasawa?" Tumango kami sa sabi ni Sam. Tama nga siya. Sino bang hindi sasawa sa mga sigaw nila. Nakakabasag pinggan kasi ang boses nila.

Biglang tumunog ang bell at pumunta na ang mga kaklase namin sa mga upuan nila. Pumasok ang professor namin at binati kami.

"Good morning class. Before we start with our lesson, I want you to know that a student from Section 8 will transfer here." Pag sabi niya nun, bigla umingay ang mga kaklase ako. Pwede bah yun? Parang unfair naman yun sa iba. Section 8 student will transfer to Star Section? Di nga?

"Class, keep quiet! I want you to welcom your new classmate and show some respect. You may enter now." Pagpasok niya, biglang tumahimik ang buong Star Section pero nanlaki ang mga mata ko. Ano'ng ginagawa niya dito?!

"Please introduce yourself."

"Hello, everyone. I'm Xavier Jackson. I'm from Section 8 and I hope we become good friends." Nag bow siya at ngumiti.

"Ok, it's nice meeting you and I hope all of you will get along. Your sit is next to Clearwater." Tumango siya at nagpasalamat at tinungo ang upuan niya na nasa tabi ko.

"Ok, so open you textbooks and open it on page 365." Kinuha ko ang libro ko at binuksan ito.

"So, ayos ka na bah. Mukha kasing napagod ka kahapon."  Pabulong na tanong ni Xavier.

"Oo, ayos lang. Hindi pa rin makapaniwala na kinuha ng dragon ang babae."

"Wag kang magaalala. Ililigtas natin siya. Pero, kailangan pa natin humanda."

Bago pa ako makapagsalita, biglang may kumatok sa pintuan. Tumigil sa pagsasalita si sir at lumabas sa pinto. Umingay nanaman ang Star Section.

"Aba, bakit di nila sinabi sa akin nag aaral din sila dito?" Tinaasan ko siya ng kilay. At bago pa naman ako makapagsalita ulit, biglang pumasok ulit si sir at pumunta sa gitna.

"Class, looks like meron nanaman kayong bagong kaklase. Ok, you may enter. " Merong pumasok na dalawang lalaki.

"Introduce yourselves."

"Hello! Ako po si Alexander Henry Lopes. I hope all of us will get along." Sabi ng lalaki na merong...

Orange na mata?

"Ohayou, minna. I am Shane Fujioka. Half Japanese. I hope we can get along too." Nginitian niya kami. Cute siya ha. Meron siyang blue na mata.

"Hmm, you look alike. Magpinsan bah kayo? If the both of you have the same last names, I would assume that you're brothers. Both of you have the same blue eyes!" Teka, the same eyes? Ang labo ng mga mata ni sir. Orange ang mata ni Alexander at kay Shane kulay blue.

"Opo, magpinsan po kami." Sabi ni Alexander.

"Oh, your sits are over there." Tinuro ni sir ang vacant sit sa harapan namin ni Xavier. Ngumisi si Xavier ng umupo sila.

"Please, excuse me for a moment. Tatanungin ko lang ang principal kung meron pang transferees." Tumawa kami.

"Ba't di niyo sinabi na mag aaral kayo dito." Lumingon sila at ngumisi.

"Edi, hindi na ito surprise." Sabi ni Alexander.

"Hai, so surprise." Sabi ni Shane at tumawa.

"Siya na bah yan?" Tanong ni Alexander at tumingin sila sa akin.

"The one and only." Nginitian ako ni Xavier.

"Wow. Ibig sabihin, makikita mo ang tunay na kulay ng mga mata namin?" Tanong ni Alexander.

"I-I think."

"Of course! Isa siyang anglo, kaya malamang makikita niya." Sabi ni Xavier.

"Oo nga nuh. Sorry." Tumawa silang dalawa. Pumasok ulit si sir at na confirm na wala nang transferees. Tumawa nalang kami at nagpatuloy ng discusion.

Behind Those Mysterious EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon